Continuation...
"Aba'y, akala ko hindi ka na uuwi." bungad ng ama ni Karylle nang makarating ang dalaga ng bahay.
"Ang laki ng ngiti ate ah. May kasama kasi talaga 'to eh!" panunukso pa ni Zia sa kapatid.
"Gwapo ba ate?" sabat pa ni Coco at sinalubong si Karylle.
"Wala akong kasama dun." Karylle plainly answered at inilapag ang gamit sa sahig kasabay ng pagtanggal niya ng kanyang sapatos.
"Pero seryoso, ano ba pinupuntahan mo dun, ha?" tanong uli ni Coco at tumabi sa kanyang ate.
"Wala."
"Luh? Ano yun? Parang tanga ka lang dun sa gubat? Pupunta ka nang walang dahilan?" komento naman ni Zia naka cross arms pa.
"Lakampake." sagot ni Karylle at tumayo na dahil sa tapos na siya sa pagtatanggal ng kanyang sapatos at kinuha ang kanyang gamit, sabay akyat diretso sa kwarto niya sa bahay.
"Hi Tito!" bati ni Karylle sa Tito niya bago tuluyang umakyat sa kwarto.
Agad niyang ibinaba ang kanyang mga gamit at pasalampak na humiga sa kama. Maya-maya ay tumihaya na siya at tumingin sa kisame ng kwarto habang nakangiti ng parang ewan.
"Sa wakas, nagkita na ulit kami. Pero, hindi parin nagbabago hitsura niya. Kaparehong-kapareho parin ng dati, habang ako tumangkad na at nadagdagan na ang edad ko." sabi ni Karylle. "Mas magiging matanda kaya ako kay, Vice?" at ang kaninang nakangiti niyang mukha ay naging seryoso na.
"Makaligo na nga!"
---
"Binabalaan kita, Vice. TAO si Karylle at kapag mahawakan ka nun, mawawala ka.""Pan naman, alam ko naman yun. Wag kayong OA. May isip ako, gusto ko lang ng kaibigan na kawangis ko." sagot ni Vice sa paalala ni Pan sa kanya.
"Aba! Pinapaalalahan lang kita." tugon nito at tinanggal ang maskara ng binata.
"Alam ko na matagal mo nang hiling ang magkaroon ng kaibigan na tao, pero sana nama'y limitahan mo ang iyong sarili. Hindi ka tulad sa amin, na pwedeng mahawakan ng tao, kakaiba ka. Hindi ka isang tao, hindi karin isang espirito ng kagubatan." sabi ni Pan habang nakatitig sa mukha ng anak-anakan. "Your body is so fragile my son." muling sambit nito at unti-unti nang naglaho.
At ngayon naman ay nakayuko na si Vice habang nakatitig sa kanyang maskara.
"Hindi ako tao, at hindi espirito ng kagubatan." sabi ng binata at isinuot muli ang kanyang maskara.
"Pero, nararamdaman ko na ako'y isang tao dahil sa kanya."
"Dahil kay Karylle." sambit ng binata at ngumiti habang nakatitig sa langit ng puno ng bituin.
---
At muling naging gawain ng dalawa ang pagkikita nila sa gubat, palagi silang nagkukwentuhan, naglalaro at kung anu-ano pa.Ngayon ay nasa parehong sapa na na naman sila, nakaupo at nagpapahinga dahil sa pagod.
"Gusto ko namang magkwento ng tungkol sa akin. Gusto ko na mas makilala mo pa ako." biglang sambit ni Vice kaya't napalingon ang dalaga sa kanya.
"Sa totoo lang, hindi naman ako isang forest spirit... Hindi rin ako tao. I'm more likely a ghost." panimula ni Vice habang si Karylle ay taimtim lang na nakikinig. "Bata palang ako ay inabandona na ako ng mga magulang ko dito sa gubat, at ang tanging mga nag-alaga sa akin ay ang nga espirito ng gubat. Sa kadahilanang alam nila na hindi ako makakaligtas sa buhay sa kagubatan, they cast a spell upon me. Kaya nabuhay ako rito sa gubat at nakaligtas mula sa kamatayan." dugtong pa nito.
BINABASA MO ANG
The Pile | Vicerylle One Shot Stories
Hayran KurguCompilation of Vicerylle One Shot Stories