Level 24

1.1K 44 21
                                    

***

(Ashley)

Agad akong napasandal sa pinto ng makaalis sila. Inabot din ng halos labing limang minuto bago nya madala si Myte. Gusto kasi nito na sumama ako sa kanila, kaya noong humindi ako ay agad syang nagwala.

Mabuti na lang at napakiusapan ko ang bata na dadalaw na lamang ako sa kanila. Yes, I lied. Yun lang kasi ang naisip kong paraan para tumahan sya at wag nang mangulit pa. I don't like this feeling. Ayokong naaattach sa batang iyon.

Naging normal ang sumunod na linggo para sa akin. Thea kept calling at dahil naiirita pa rin ako sa kanya, I dodge all her calls. One time bumisita pa sya sa office na may dalang cake, yet I didn't let her in. Ayoko syang makita. Baka kung ano na namang plano ang binubuo nya, at hindi ako sigurado kung makakapagtimpi pa ako sa susunod. Pasalamat sya at asawa sya ni Jacob, kung hindi baka kung ano ang nagawa ko sa kanya.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo." Natigil ako sa pagtitipa sa keyboard nang kumatok ang secretary ko para sabihin iyon.

"May appointment daw ba?" I asked.

"Wala po."

"Then don't let him in." Pinagtaasan ko sya ng kilay and ordered her to leave pero hindi pa rin nya ginawa.

"Eh nagpupumilit po eh. Pasasabugin nya raw po itong building kapag hindi kayo nakita." Lahat ata ng dugo ko sa katawan eh tumaas papunta sa ulo ko. Sino ba ang poncio pilatong iyon?

"Then force him out. Tawagan mo iyong mga guards." Minasahe ko ang magkabilang sintido ko. Kaya nga may guards para masettle ang mga ganitong sitwasyon, ghad! What are they doing? Hindi ba't trabaho nila iyon? Bakit ako ang inaabala nila ngayon?

"Sinubukan na po nila, pero nabugbog po sila lahat." Naibalik ko ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi nya.

"Lahat?! Sino ba iyon?" Lahat ng guards? That's too impossible. Isa sa mga kompanya ni Jacob ito, meaning the guards are from Daiamondo security. How the hell did that happened?

"Gray Maniago raw po." Sa sinabi nyang iyon, awtomatiko akong napatayo mula sa kinauupuan ko at tinungo ang daan palabas ng opisina.

When I reached the lobby, agad kong nakita ang pamilyar na bulto. He's wearing a black hoodie, kahit ilang hakbang pa ang layo ko sa kanya kitang kita ko ang pagbabago.

"Gray!" I closed the distance between us. Sinalubong ko sya ng mahigpit na yakap, ramdam ko ang gulat pero nasuklian din naman iyon ng yakap galing sa kanya.

Ghad! I missed this man. Gray, sya iyong kapatid na lalakeng ipinagkait sa akin. Simula pa lamang noon, sya lagi itong nasa tabi ko.

Ilang minuto bago ko sya hinayaang kumawala mula sa yakap ko. And I regret it. Upon seeing his eyes, parang gusto ko na lamang syang ikulong sa yakap ko habangbuhay.

His eyes are cold. Walang kahit anong bakas ng tuwa, di gaya ng Gray na sumasalubong sa akin noon.

"Where have you been?" Hindi ko napigilan ang mga luhang kumawala mula sa mga mata ko. Iniisip ko pa lang kung gaano karaming hirap ang naranasan nya for my stupidity, gugustuhin ko na lang na kitilin ang buhay ko. Sinira ko si Gray. Sinira  ko ang buhay nya.

The Playful AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon