Chapter 26

20 1 0
                                    

DANIEL

Hays.. Hirap ibalik yung dating kami. Alam ko na aawkward-an sya sakin. Syempre kung sino rin naman diba? Kung kasama mo ex mo mafefeel mo yung awkwardness. Pero depende naman kung paano kayo nagkahiwalay. Pero mostly ganun talaga.

Alam at ramdam na ramdam ko naman na iniiwasan nya ako. After what I did to her. Ano pa nga bang ieexpect kong mangyare.

Andito kami sa gym nagprpractice sila para sa sayaw sa prom. Yea, sila. Wala akong partner. Lahat sila meron na. Mas marami pala ang boys kesa sa girls. Ako pa talaga yung walang partner. Marami nga ang gustong maging partner ako pero hindi na pwedeng magpalit ng partner. Tsaka si kath lang ang gusto kong partner.

Dati kay zharm ako patay na patay at dahil dun nawalan na ako ng time kay kath at nawala narin yung relasyon naming dalawa na sobra kong pinagsisihan. Gusto kong humingi ng tawad kay kath at sana hayaan nya akong makabawi sakanya. Ang dami kong mga pagkukulang at hindi ko nasuklian ang mga pagmamahal nya sakin nung kami pa.

Sobrang hirap ng sitwasyon nya samantalang ako nagawa ko parin syang lokohin at magpakasaya. Hindi ko inisip na kakayanin ko ba kapag nawala sya saakin. Sa una, oo nakaya ko. Pero habang patagal ng patagal unti unti akong nagsisisi. Ngayon, nararamdaman ko na kung ano yung naramdan nya before. At alam kong mas mahigit pa sa nararamdaman kong sakit ngayon yung naramdaman nya noon.

"Wala nanaman si Ryan?!!" Sigaw ni ma'am olivia habang nagchcheck ng attendance.

"Absent po sya ma'am." Sabi ni kathryn at bakas sa mga mata nya yung takot. Ang sarap nyang yakapin sa mga oras na to.

"Last chance! Sabihin mo sakanya kapag umabsent pa sya hindi na sya sasayaw pati ikaw madadamay!" Baka pumutok na ugat neto sa ulo. Grabe magalit.

"O-opo ma'am." Kung ako si ryan. Gaganahan na akong pumasok araw araw. Swerte nya nga eh.

"Ma'am ako nalang po muna partner nya." lahat napatingin saakin even kathryn mga mukha nila hindi makapaniwala. At puro murmur nanaman maririnig.

"Are you sure? Kapag dumating si ryan papalitan kana. Is that okay?"

"If its okay to kathryn" at tinignan ko sya. Lahat naman ng mga chismosa tumingin din kay kath.

"Is it okay kath? Para hindi ka mahuli sa steps. Para ikaw narin bahala magturo kay ryan."

"A-ah ma'am b-bakit a-ako?" sabay turo sa sarili nya. Hanudaw? Anong pinagsasabi nya? Hahaha.

"Ha? Anong pinagsasasabi mo ms.bernardo?" at ayun nanaman si ma'am kumukunot nanaman noo nya.

"Ma'am ako nalang po kakausap kay kath." at pumunta na ako kay kath at hinila sya palabas ng gym. Hinila hila ko sya hanggang sa may bukirin na tambayan namin noon. Tinitignan tignan ko sya habang naglalakad still wala parin sa sarili hindi nag pupumiglas eh. Shocked siguro to.

"Hoy anong ginagawa natin dito?" finally bumalik na yung matinong kath. Hahaha.

"Pwede bang ako muna partner mo habang wala pa si ryan?" at ayun nanaman sya nakatunganga nanaman. Nakanganga pa. Hahaha.

"Huy."

"Ha?" sabay sipsip ng laway nyang patulo na. Hahaha.

"Kath alam kong gwapo ako. Wag kana maglaway. Pinagpapantasyahan mo nanaman ako eh"

"Hoy ikaw Mr.Padilla. para sa alam mo hindi ako naggwapuhan sayo." tumalikod sya at maglalakad na sana ng bigla akong nagsalita.

"Ah kaya pala ex boyfriend mo ako no?" agad naman syang huminto. At dahan dahang humarap.

"Ah ano. Kasi... bulag ako noon. Tama! Bulag kasi ako dati." sabi nya at nagkagat labi. Kilala ko to pag hindi nagsasabi ng totoo. Madalas syang kumagat sa labi. Kaya naglakad ako papunta sakanya. Sya naman paatras ng paatras.

"H-hoy daniel. A-anong gagawin mo?"

"Shhh" at sakto may puno sa likuran nya. Nilock ko sya gamit yung dalawang kamay ko. Nilagay ko sa magkabilaan ng ulo nya.

"Pakawalan mo nga ako. Isa!" tinatanggal nya yung kamay ko sa gilid nya. Pero hindi nya matanggal.

"Sisigaw ako ng rape pag hindi mo pa ako pinakawalan dito."

"As if namang may makakarinig sayo." palapit na ng palapit mukha ko sa mukha nya. Natatawa ako sa itsura nya. Pano ba naman kasi nakapikit na mata nya sa takot.

Magkadikit na yung ilong naming dalawa. Nakapikit sya pero hindi na dahil sa takot. Ang sayang isipin na ganto. Hahayaan nyang halikan ko sya. Pero hindi ko yun gagawin kasi may respeto parin ako sakanya. Kahit gusto ko ng gawin yun. Para lang malaman nyang mahal na mahal ko sya. Sana kath mahal mo parin ako kahit napaka laki ng nagawa kong kasalanan noon.

"Hoy bakit ka ngumunguso jan?" agad syang napamulat sa sinabi ko at hinawakan agad yung nguso nya.

"Hindi no. Makaalis na nga. Badtrip ka talaga." at naglakad na sya papunta sa gym.

"Nabadtrip ka dahil hindi ko tinuloy no?" sigaw ko para marinig nya yung sinabi ko. Dahil dun agad syang humarap at nagpulot ng bato sabay bato saakin.

"Aw. Aray!" hawak ko sa mata ko para kunwari natamaan nya. Hahaha.

"Hala! Sorry. Ikaw kasi eh." sira talaga to.

"Sige sisihin mo pa ako. Aray"

"Sorry talaga. Tignan ko nga." pinipilit nyang tanggalin yung pagkakatakip ng kamay ko sa mata ko.

"Ayoko. Masakit nga." Hindi ko pwedeng tanggalin 'tong kamay ko kundi baka masapak ako nito magkatotoo pa 'tong sakit na 'to

"Para nga magamot ko."

"Paano mo magagamot?"

"Basta. Dadalhin nalang kita sa clinic."

"Kiss mo nalang." Sana maging isip bata sya. Huhu.

"Ha? Sure ka gagaling yan?"

"Oo gagaling to. Promise." Sana mapaniwala ko sya. Maging childish ka kathhhh.

"Sige. Wag ka gagalaw. Ikikiss ko na. Okay?" Thankyou Lord.

"Okay sige." at tinanggal ko yung pagkakatakip ng kamay ko sa mata ko.

*pak*

"Aray ko" hinawakan ko yung ulo kong sinapak nya.

"May pa aray aray ka pang nalalaman eh hindi nga kita nabato sa mata." hindi nanaman ako nagisip. Ayun na eh. Jajackpot na eh.

"Nabato mo kaya ako. Tignan mo nga oh." at tinuro ko yung mata ko at nilapit ko pa sakanya.

*bogshh*

"Aray!" sinuntok ba naman ako sa mata. Buti hindi ako napahiga at na knockout.

"Yan tinotoo ko lang. Makaalis na nga. Baka matadyakan pa kita jan eh." At naglakad na sya paalis. Brutal talaga yung babaeng yun.

--
Hmmmmm. Bruts iz back. Hahaha. Btw, sorry sa late update. I hope you enjoyed. Thankiee.

Right Person at the Wrong Time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon