ONE

93 0 0
                                    





"Matt!" sigaw ko habang binubuksan ang pintuan ng bahay namin. Gabi na ngayon, sobrang lakas pa ng ulan at kagagaling ko lang ng trabaho. "Matt! I'm home! Honeyy nandito ka na ba?!" sigaw ko uli. Pagpasok ko ng bahay, sobrang dilim at tanging sinag lang ng buwan mula sa bintana yung nagsisilbing liwanag sa loob.




"Siguro naabutan na ng ulan 'yon, hayy matrapik pa naman" bulong ko na lang.




1 year na kaming married ni Matt at etong bahay na ito, bunga 'to ng pagud namin kakatrabaho. Isa akong employee ng isang company at si Matt naman ay isang Restaurant Manager. Kahit hindi pa kami ganung katagal masasabi kong masaya ko, I have no regrets and I can say na wala na 'kong hahanapin pa kay Matt. Pumunta ako sa labas at dumerecho sa Favorite na workplace ni Matt.




Baka kasi nandun sya ..




Isa 'tong maliit na Barn kalapit lang ng bahay namin, nirenovate namin ito at pinaganda. This is where he do his handiworks and stuff pagkatapos nya sa work o kaya naman kapag freetime nya. Hindi lang isang manager ang asawa ko kundi isa ding craftsman or artisan, magaling din syang painter, sculptor, carpenter at mahilig din sya mag-garden. O diba lahat yata ng tinuro nuon sa MAPEH minaster na ng asawa ko, hihi ..




"Matt!!" sigaw ko uli.




Lumapit ako sa may pintuan at rinig na rinig ko ang malakas na sounds ng radyo. Ugali din kasi ni Matt magpatugtog habang nagttrabaho dito.




Si Matt na kaya 'yon, nakauwi na kya sya?




Medyo madilim ang loob kaya naman kinapa ko pa ang bawat hakbang ko.




"Matt! ikaw ba yan??" Lumakad ako papasok at duon nakita ko ang isang lalaking nakatalikod na mukang busyng-busy. "Matt!!" hindi pa rin ako naririnig ng lalaking nakatalikod kaya naman nilapitan ko ito at tinapik sa may likuran.




"Putang-I--" napamura sa gulat ang lalaking nakatalikod, nauntog ang ulo nito at kamuntikan nya ng maihampas ang hawak nyang martilyo sakin kaya naman napalayo ako.




"Ahhhh!!! Ako 'to si Lorean!!! .." sigaw ko.




Laking gulat ko naman ng malaman kong hindi pala si Matt ang humarap sakin.




"J-jeun, ikaw pala .." mahina kong sabi. Nakasimangot ang tingin nya sakin tapos hininaan nya ang radyo.




Ou nga pala, hindi nga lang pala kami ni Matt ang nakatira sa bahay na 'to, kasama nga din pala namin ang kapatid nyang si Jeun. Basagulero, mabisyo, arogante at wala pang modo, ganyan ko maidedescribe si Jeun. Palagi syang napapaaway kaya naman lagi nyang takbuhan ang kuya nya. Hindi pala takbuhan, kundi taguan. Ginagawa nyang taguan 'tong bahay namin everytime na nasasangkot sya sa gulo at dahil nga mabait 'tong si Matt, lagi nyang pinapaboran ang kapatid nya. Hindi ko rin ganong kabisado ang ugali ni Jeun kaya naman hindi kami ganung ka close, kung maari nga sana wag na lang, ayokong maenvolve sa kanya.




"Bakit?" pagalit nyang tanong.




"Ah- ee napansin mo ba si Matt?? " hanggat maari ayoko syang tingnan sa mata. "Kakarating ko lang kasi galing ng trabaho .." dugtong ko pa.




"I-meet mo daw sya sa cafe, dyan sa 24th street .." malamig nyang sabi.




Napasulyap naman ako sa kanya at bumilog ang mata ko ng makita kong may umaagos na dugo sa kanyang noo.




OBSESSION : Jeun's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon