CHAPTER FOURTEEN
Nawala ang antok ko dahill sa kulitan namin dalawa. Masyado siyang maharot. Dami kong tawa. Buti na lang at nakumbinsi ko siyang umuwi sa kanila. Para kasing wala na balak umuwi ang kumag sa kanila e. Nagparinig pa nga na samin daw muna siya hanggang matapos yung probationary period. Gustuhin ko man, di pwede. Dapat papahirapan ko muna siya. At tsaka, maraming pwede mangyari pag magkasama kaming dalawa. Mahirap na. Buti na lang nakatulog ulit ako nang umuwi na si Vince dahil kung hindi, zombie na naman ako pag pumasok ako sa opisina.
Wala masyadong nangyari nung Day 3. Nagpahinga ako pagkauwi ko dahil bitin sa tulog. Ganun din ang kumag. Pinaghahandaan rin siguro yung Demo niya. Pagkagising ko, nagtext ang kumag.
"Same time ulit bukas ha? Kita kits sa McDo! "
"Huwag ka na pumunta ng maaga, di ako papasok. Nagawa ko na lahat ng trabaho ko!" reply ko.
"Ibig sabihin, akin ka buong araw?" tanong niya.
"Pwede! =p"
"Yehey! Yahoo! Diretso na ako sa unit mo!"
DAY 4 - DemoMga bandang alas-tres ng hapon kinabukasan, nagising ako sa isang matinding kiliti. Nasa bahay na ang kumag. Pinilit na niya akong bumangon nang makaligo na at makapagbihis.
"Ano ba yang Demo mo? tanong ko sa kanya paglabas ko ng kwarto. Nakabihis na.
"I'll be your boyfriend for this day!" nakangiting-aso.
"Sure, but under my rules this time..." sabi ko sa kanya.
Naging seryoso ang mukha niya. Nagtataka. Akala siguro nagbibiro ako.
"Marunong ka ba magdrive? May 100php ka ba? Akin na!" tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya. Inabot ang isang daan. Seryoso parin ang mukha.
"Akin na wallet mo, di mo pwedeng dalhin iyan. 100php lang dapat nasa bulsa mo."Wala na nagawa ang kumag. Lahat ng mga gamit niya, inabot niya sakin. Siniguro ko na 100php lang ang dala niya at laman ng bulsa niya bago kame umalis ng bahay. Tampu-tampuhan ang kumag. Manunuod daw sana ulit kame ng movie, laro sa timezone at tambay. Habang nasa byahe kame, tahimik lang siya habang nagda-drive. Walang imikan.
"Saan tayo pupunta?" simula niya.
"Diretso mo papuntang UP Diliman, turo ko sayo ang daan..." sagot ko.
"Bakit dun?"Di ko na siya sinagot. Pagdating sa UP, tumambay kame sa may academic oval. May nakita kameng isang mama na naka-kapa at maskara. Nakakatuwa siya, nakangiti siya samin at nakipag-high five pa samin. Astig! Siya daw si Zorro. Sabi ni Dylan sakin dati nung nakasalubong namin to, napakamisteryo daw ng pagkatao ni Zorro. Wala daw nakakaalam ng kanyang tunay na pagkatao. May mga tao na nga daw na nagsasabing isa siyang ahente ng gobyerno na nag-eespiya sa mga estudyante. Meron din naman nagsasabi na nawala na sa katinuan dahil sa pressure sa pag-aaral. Pero kung ano man talaga ang tunay niyang pagkatao, buong ningning parin siyang pinagmamalaki ng mga taga-UP. Di mo daw masasabing taga-UP Diliman ka kung di mo kilala si Zorro.
"Bakit di ka nag-UP nung college?" tanong ni Vincent.
"Sobrang babaw ng dahilan. Huwag mo na alamin! Hehehe!" sagot ko.Pangarap ko talaga mag-UP nun. Kaso, takot ako mag-take ng UPCAT. Natatakot ako sa magiging resulta. Sabi ni Dylan sakin, madali lang daw makapasok sa UP pero mahirap makalabas. Survival of the fittest ang peg sa UP. Kaya naman inggit na inggit ako sa pinsan ko nung nakapasa siya sa UP.
"Saan na tayo punta after dito?" pag-iiba ni Vincent ng usapan.
"Eh di gagawin yung Demo mo..." sagot ko.
"Huh? Eh di ka naman pumayag sa plano ko diba? At tsaka, 100php lang yung pinadala mo sakin!" pagmamaktol ng kumag.Tahimik. Tiningnan ko siya. Pinagmasdan ang paligid. Tumingala sa langit. Yumuko. Nagbuntong-hininga. Tiningnan niya ako.
"Pwede mo ba iparamdam sakin kung gaano kasarap mabuhay sa halagang 100php?" tanong ko sa kanya.
"Pwede naman. Sigurado ka ba?" balik niyang tanong.
"Oo naman!" sagot ko.
Ngumiti ang kumag nang nakakaloko. Kinindatan ako. Pinasakay na ako sa kotse.
"Game?" tanong niya pagka-start niya nung kotse.
"Game!" sagot ko.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomansaThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.