"Mag bihis kana."
Iniwasan ni Daemon ang tingin ko sa kanya habang pilit kong pinipigilan ang aking pag tawa dahil sa sinabi ni Alexus.
Alam kong joker si Alexus. Imposibleng mangyari yun.
Yun nalang ang umiikot sa isip ko habang nag aasikaso ako ng susuotin ko para mamaya.
Pero ano naman ang susuotin ko?
Nag umpisa nanaman akong mag halungkat sa mala-baul kong cabinet.
"Ito ba?"
Pag ang mag kakapatid talaga ang kasama ko, nahihirapan akonsa susuotin ko.
Naalala ko noon nung niyaya ako ni Galen para sumama sa school.
Napasobra ata ako na naging dahilan para maging former student ako sa school."Ito na nga lang."
Wala akong choice kundi mag suot ng white shirt at shorts, kung ano man ang magiging reaksyon nya ay bahala na.
Basta ito ang susuotin ko.
Matapos kong mag ayos ay muli akong tumingin sa salamin."Okey na ba?"
Natanong ko nalang sa sarili ko habang umiikot sa harap ng salamin.
"Naku bahala na."
Saka ako dali daling lumakad papuntang pintuan.
Nang bubuksan ko na ito at tumambad si Daemon na akmang kakatok na.
Nilakihan ko sya ng mata."ano?"
Bigla nya akong sinamaan ng tingin.
"Akala ko kinain kana ng cabinet at hindi kana lalabas."
Ang galing ng prediction mo Daemon sana totoo nalang yun para hindi na kita makita.
Tumingin sya sakin mula ulo hanggang paa at para bang sinusukat kung itsura ko para sa aming pupuntahan.
"B-bakit? Si Trician nga hindi manlang ako sinabihan kahit na naka pambahay lang ako sa "date" namin eh."
Pag mamayabang ko sa kanya.
Unti unti ay nagusot ang kanyang mukha at bigla akong hinawakan sa kamay at hinila ako palabas."Riley? Akala ko umalis kayo ni Trician?"
Nasalubong namin si Jaythan at mukhang may lakad sila si Galen.
Nakatingin sya saming dalawa ni Daemon at kita ko ang pag kagulat nya ng makita nyang hawak ni Daemon ang kamay ko.
Agad akong umatras para bumitaw kay Daemon na nilingon lang ako."Teka, san kayo pupunta?"
Dumating narin si Galen at umakbay kay Jaythan habang nakatingin saming dalawa.
"May date kami."
Biglang nanlamig ang katawan ko sa sinabi ni Daemon. Napanganga ako sa gulat at isang hampas sa braso ang ginawa ko sa kanya na ikinagulat nang tatlo.
"H-hinampas mo si Daemon?"
Ulit ni Jaythan na parang hindi sigurado sa nakita.
Unti unti ay lumayo silang dalawa sa amin na para bang mag ttransform si Daemon sa isang halimaw.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...