Chapter 40

427 102 24
                                    


~*~

MAGKAYAKAP na kami. Haha. Sabi na hindi niya rin ako matitiis at niyakap niya rin ako, alam ko kasi na sanay rin siya na nakayakap siya sa akin sa pagtulog.

Ito naman yung hinihintay ko talaga ang yakapin niya ako.

Makakatulog na siguro ko nito, nagdiriwang na ang puso ko eh.

Mas naniniwala kasi ako sa actions niya kesa sa sinasabi niya.

Nasasalamin ko pa rin kasi sa mga kilos niya na mahal niya pa rin ako, na masaya siya na magkasama kami ngayon, nagpipigil lang siyang ipakita sa akin.

"I love you Jasper." bulong ko sa kanya at tumango lang siya sa sinabi ko pero naramdaman ko na lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapos niya sa akin.

Nakatulog naman na ako ng mahimbing dahil sa gesture na iyon.

KAHIT kulang ako sa tulog ay nauna pa rin akong nagising kay Jasper. Nauna na akong bumangon sa kanya at naligo para sabay na kaming umalis.

"Aba gayak na pala kayong dalawa ah." Bungad ni Ate nang nakababa na siya.

"Opo, sasabay na po ako kay Jasper palabas.Salamat po sa pagpapatulog."

"Wala iyon, balik ka na lang ulit next time."

"Sige po, gusto ko pong makarating sa sinasabi ninyong Forest Park."

UMALIS na kami ni Jasper na kape lang ang laman ng tiyan. Kaya naisip ko na ayain siyang kumain sa fast food.

Naglalakad na kami papuntang terminal ng tricycle , nakayuko lang sa akin at halatang malungkot. Hindi ko maiwasang huwag malungkot.

Wala kaming imikan habang nakasakay sa tricycle.Parehong nakikiramdam lang sa isat isa.

Hayy buhay.. Bahala na si Batman sa Future. Sige makikigaya na ako sa katwiran niya na kung kami ba talaga pagdating ng panahon ay kami talaga.

Kaso nasabi ko na sa kanya dati na ako yung taong hindi iaasa ang kapalaran sa tadhana kumbaga kikilos pa rin ako at guide lang si tadhana.

"Diyan ka sasakay pa-Edsa ah. May pamasahe ka pa ba?" Turo niya sa kabilang kanto.Nakababa na kami at patawid na ako at siya naman ay sa kabilang kalsada sasakay papunta sa Paco Manila kung saan siya mag-aapply muna.

"Hindi man lang kita napakain muna eh. Wala naman kasing Jollibee man lang malapit dito.Oo may pamasahe pa ako."

"Ah, tinatanong ko lang..hahah..kasi ako wala na.Perahin mo na lang kesa ilibre ako" Pagbibiro niya. Alam kong nagbibiro siya pero tinotoo ko ang sinabi niya.

"Sige.sige." Sabi ko habang kumukuha ng pera sa bag.

"Kunin mo na ito ah." Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay ang pera. Alam kong hindi niya tatanggapin iyon. Pero hindi rin ako pumayag na hindi niya kunin.

"Para kang LTO kung makapang ipit ng pera ah."Natatawa niyang sabi.. "Huwag na."

"Sige na Jasper kunin mo na ito, pangkain mo.Sige na." 

Alam ko na nahihiya siya at alam din niyang hindi ako papayag na hindi niya tanggapin iyon kaya nahihiya siyang napapatingin sa akin.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya. 

Hindi rin siya umiimik at nakatingin lang rin sa akin. Mga mata lang namin ang nangungusap.

Ang hirap magbitaw ng mga salitang Paalam na o Mag-iingat ka palagi. Ang hirap nang ganitong pakiramdam na maghihiwalay na kayo nang tuluyan.

Unti-unti ko nang inaalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

"Sige Jasper, aalis na ako. Ingat ka sa pupuntahan mo ha." Tumango lang siya sa akin.

Naglakad na ako papunta sa sakayan ng Jeep pa-Edsa. 

Ngumiti ako sa kanya .Nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutan pero kailangan niyang gawin ito para sa future.

Para sa ikaayos ng buhay niya, para kung sakaling kami nga talaga ay hindi na siya maaalangan sa akin.

Pagkasakay ko ng Jeep ay tumingin pa ako sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya. Huling sulyap kay Jasper, sa taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal. 

Sa taong nagbigay ng kulay sa black and white kong buhay, nagpasaya at nagpahalaga, pero sa taong naging dahilan rin kung bakit ako nalulungkot at nasasaktan.

Wala na siya. 

Wala na kami.




Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon