Malapit na ang pasko kaya nakakalungkot na yung plano namin ni Jasper na magkasama kami sa pasko ay hindi na mangyayari. Wala nang dahilan para umuwi pa ako sa probinsiya. Invited pa naman ako sa kasal ng ate niya. Gusto ko pumunta pero may pride ako. Ayoko isipin ni Jasper na hinahabol-habol ko siya.
Heto na naman ako, nakatulala at nakatitig lang sa kisami. Habit ko na ito araw-araw.
Biglang tumunog ang cellphone ko na laging naka-silent.
"Good eve Cassey! Ate Flor ito, malapit na kasal ko kaya punta ka ha. Kunin kitang abay." Biglang text ng ate ni Jasper.
Kita mo nga naman kung kelan desidido ka na huwag umattend ng kasal ay bibiruin ka ng pagkakataon.
"Wow, talaga po.Kukunin niyo po akong abay." Excited kong reply agad.
"Kelan po ang kasal niyo te?" Kailangan ko mag-isip ng paraan para tumanggi.
"Sa Dec.30, iyon lang ang available na araw eh hindi pwede ang Dec.28."
"Hala po ate, hindi po ako pwede ng ganyang araw eh. Akala ko Dec.28." Galingan ko pa sa pag-convince na hindi ako makakauwi.
"Ay ganun ba. Sayang naman, partner pa naman kayo ni Jasper sana."
OMG! Tadhana bakit ka ganyan sa akin, ang lupit mo. Hehe.. Partner pa pala kami.
"Ganun po ba te, sayang naman po. Pasensya na po hindi po talaga ako pwede nun."
"Sige okay lang naman. Makakahanap pa naman siguro ako ng ibang pwedeng abay. Pero si Jasper baka tumanggi rin iyon mag-abay.hahah. Simarun yun."
"Sana nga po at makahanap kayo ng kapalit ko po ah."
Kinaumagahan ay nagchat si Ate Erika,"Malapit na kasal ni ate Flor. Uwi ka rin ha para magkita na rin tayo." Si Ate Erika na lang ang hindi ko pa nakikita sa personal sa walong kapatid ni Jasper pero isa sa mga kaclose ko dahil madalas kami magkachat o minsan magkatext.
Infairnes sa pamilya ni Jasper, kahit alam nilang wala na kami ay ina-approach pa rin ako.
"Gusto ko sana ate, kaso ayoko. Awkward po kasi. Nahihiya ako kay Jasper. Ayoko mag-isip siya na humahabol-habol ako."
"Sabagay pangit nga naman yun na isipin niya yun. Pero andoon naman kami, huwag mo na lang siya intindihin." Pangungumbinsi pa rin ni Ate Ericka.
"Hehehe.Kinukuha nga po ko ni Ate Flor na abay eh.Sayang hindi ko napagbigyan tuloy.Uwi po kasi ko sa amin sa Rizal."
"Ganun ba. Sige pero pag nagbago ang desisyon mo ay hihintayin ka namin doon."
Habang palapit nang palapit ang Christmas Vacation ay nagdadalawang isip pa rin ako kung pupunta ba o hindi.
Pero napagdisisyunan ko na talaga na huwag na lang pumunta pa.Yun lang heto na naman ang mapagbirong tadhana, nag-uudyok kung pupunta ba ako o hindi dahil nagtext ang bunsong kapatid ni Jasper.
"Ate Cassey, pinapatanong po ni Ate Grace kung makakauwi ka raw po sa binyagan."
Sa probinsya pala bibinyagan ang pamangkin ni Jasper.
"Baka hindi ako makauwi eh. Pakisabi na lang kay Ate Grace mo ha."
Sa huli ay tumanggi pa rin ako sa mga imbitasyon nila. Siguro kung si Jasper ang nag-invite baka umuwi ako.Hahaha. Assumera pa rin ako talaga eh.
Tumawag ako kay Mama (Mama ni Jasper) para sabihing hindi na ako makakauwe ng Pasko. Alam naman niya ang nangyari sa amin ni Jasper kaya alam ko na mauunawaan niya ako.
Dumating ang araw ng bakasyon at dumating na rin ang araw na magsisinungaling ako sa pamilya ko.
Dahil kailangan kong galingan sa pagpapanggap na nasa ibang bansa na si Jasper.
Katwiran ko kasi madali na sabihin na hiwalay na kami kapag may naging dahilan na,kunwari na lang na may iba siya nakilala roon.
O dahil katwiran ko sa sarili ko na baka magkachance pa kami talaga na magkabalikan.
Dumaan ang pasko na umaasam ako na babatiin niya man lang ako ng Merry Christmas total ay pasko naman eh. Kaso umasa lang ako sa wala. Lumipas na ang pasko pero wala pa ring pagpaparamdam.
Nakakatawa, noong hindi pa kami ni Jasper ay taon-taon siyang bumabati sa akin at nag memessage tuwing pasko at bagong taon na hindi ko naman nababasa. Dati andami niyang atensyon na ibinibigay sa akin na binabalewala ko naman.
Kaya naisip ko na lang na deserve ko siguro talaga ito. Dahil ako ang unang nanakit at nambalewala sa kanya noon.
"Cassey.happy new year! Sayang wala ka dito, kumpleto kami magkakapatid dito." Masayang pagbabalita ni Ate Erika.
"Happy new year din po ate.! Enjoy po kayo diyan, minsan lang kayo magkasama-sama."
"Oo nga eh. Sayang wala ka, sabi ni Mama sana umuwi ka daw dito."
"Saka na lang po siguro te, pag pwede na talaga."
"Yung Ex mo nag-eemote dito."
"Bakit po ano pong ginagawa ni Jasper?Lasing po ba siya" Naalala ko araw nga pala ng kasal ngayon ni Ate Flor kaya malamang nag-iinuman sila.
"Mukhang may tama na kaya panay ang kanta ng "Bakit ganito ang palad ko", biniro ko nga na na- eemote ka lang Jasper dahil wala si Cassey dito.hahaha."
Lakas rin mang-asar ni ate haha.Pero bakit natuwa ata ako sa balita niya.Ibig sabihin nag sesenti rin si Jasper sa hiwalayan namin.Hmmmm.
"Hahaha..Baka mabadtrip iyan ate."
"Naawa nga ako eh, kakaiba na siya ngayon. Laging hindi nakikigulo sa amin dito, laging nasa galaan. Naiwas ata na matanong siya sa nangyari sa inyo.
"ganun po ba. Baka ayaw niya lang po talaga mapag-usapan ang tungkol sa amin."
"Oo. Si Kuya nga ay pinagsabihan iyan si Jasper eh!"
"Hala. Alam rin pala ni Kuya Erwin ang mga nangyari."
"Heto nga kami tatlo nila Mama at Kuya Erwin nagkukuwentuhan. Ikaw topic namin."
"Ay! Bakit ninyo naman ako pinag-uusapan.hahaha." Bigla tuloy ako nahiya. Kaya pala hindi ako makatulog.
"Si mama nagkuwento na umiyak daw siya after mo sabihin sa kanya na hiniwalayan ka na ni Jasper." Pagkukuwento pa rin ni ate Ericka. Halatang gusto palakasin ang loob ko.
"Huwag po kamo mag-alala si mama..Magiging maayos rin kami ni Jasper, nararamdaman ko po kung ano ang gusto niyang mangyari. Hindi naman ako nagmamadali eh.Kaya ko po maghintay."
"Siya na. Huwag niyo lang patagalin at hindi na kayo mga bata."
Sabagay may punto si ate. Hindi na kami mga bata. Pero wala eh, kahit gusto ko na kung hindi pa handa si Jasper ay wala akong magagawa kundi ang maghintay.
Maghintay ng maghintay ng maghintay. Kasi mahal na mahal ko siya. Si Lord na ang bahala sa amin.Alam ko na may mas magandang plano si Lord para sa akin.
Kung hindi man siya ang nakalaan para sa akin, tatanggapin ko.Pero Lord, please po sana siya na lang, sana siya lang.
Pati si Lord gabi-gabi kinukulit ko. Makukulitan siguro sa akin. Well prayer is the best weapon para magtagumpay sa anumang pagsubok.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Non-Fiction"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...