Prologue

9 0 0
                                    

Mahirap ang mangulila
Mahirap ang mag isa
Mahirap makisama
Mahirap umasa

Sa mundong ito walang permanente
Lahat nagbabago, lahat naglalaho
Lahat nabibigo
Lahat sumusuko

Bawat saya
May kapalit na pagdurusa
Bawat ngiti
Kapalit ay pagkasawi

Para sa mga pangarap
Kailangan ang paghihirap
Hiwaga ng buhay
Tila walang saysay

Ngunit sa hindi inaasahang panahon
Isang pag-asa ang babangon
Mga bagay na akala ko sa pelikula lang
Sakin ay ipararamdam




Naputol ang pagsusulat ko ng walang kasaysayang tula ko ng may kumatok sa pinto ng aking silid. Hindi ko ito nilingon sapagkat alam kong katulong lamang iyon. Araw ng sabado ngayon. Wala akong klase.

Kung sa normal na mga kabataan ay masaya para sa kanila ang araw na to. Sakin ay hindi.

Kung sa kanila ay normal ang maglaro at gumala, sakin malabong magawa ko ang mga bagay na yun.

Simula ng malaman ng tatay ko kung ano ako. Nalimitahan na ang mga kilos ko sa bahay na ito.

Bawat hakbang may matang nakatingin. Sa school lang ako nagiging malaya.

Pero mahirap pa rin. Hindi lahat ng tao tanggap kung ano ako, kung sino ako.

Hindi ko na iniisip ang mga bagay iyon. Bakit pa? Sarili kong magulang hindi ako matanggap. Tapos iba pa kaya?

Mahirap mabuhay sa mundong ito. Maraming may masasabi. Marami ang huhusga.

"Sir JB pinabababa na po kyo ng Dad nyo. Sumabay na raw po kayo mananghalian sa kanila" narinig kong sabi ni Yaya Tessie

Nagsimula na akong maglipit ng study table ko. Para makasaby ako sa pagkain kena Dad.

Mas minabuti kong magmadali. Ayaw ni Dad na pinag-iintay ang pagkain. Well sino ba naman ang may gusto diba?

Habang pababa ako ng Hagdan narinig ko ang pag uusap nila ni Mom.

"Kassandra, mas makakabuti siguro na ilipat natin ng school si Blake" narainig kong sabi ni Dad.

Transfer na naman?? Bakit kasi nasa All boys school ako?

Natatakot ba sila na baka gumawa ako ng kamunduhan sa school ko?

Hays.

"Hon, hindi kaya mas makabubuti kung manatili sya sa school nya?"

"Hon, naiisip ko lang kasi baka kaya nagkakaganyan ang anak mo ay dahil puro lalaki ang nakapalaigid sa kanya".

"Anak natin, Hon. Mas mabuti na kausapun muna natin sya." Naglalambing na boses ni Mom habang hinahaplos ang kamay ni Dad

"Hi Mom, Dad" bati ko sa kanila bago ako maupo sa harap ni Mom.

Tinignan ako ni Mom at nginitian.. Samantalang si Dad nakapoker face lang. Hays.

Nag uumpisa na akong kumain ng magsalita si Dad.

"Pagkatapos natin kumain. Pumunta ka sa opisina ko. May pag uusapan tayo."

Wala akong magawa kundi tumango. Alam ko rin naman na hindi ko sya mapipigilan sa gusto nyang mangyari.

Sa mga panahong ito kailangan ko ng sandalan. Pero ang wala sila.

Iniwan nila ako.

Iniwasan nila ako.

Simula ng nalaman nilang lalaki rin ang gusto ko.
--- Justine Blake Forbes

****************

"Sir Dave, nakahanda na po ang mga gagamitin nyo." Napatingin ako kay Hanz ng marinig ko syang magsalita. Sya ang butler ko, may katagalan na panahon na rin simula pa ng mamatay ang mga magulang ko sa isang car accident nung 19 pa lang ako.

"Sige, susunod na ako." Nang marinig nya iyon ay lumabas na sya ng aking silid. Huminga ako ng malalim at mariing pumikit. It's been years simula ng huli ko silang madalaw sa puntod nila.

Ito ang ika-pitong taon simula ng aksidente na iyon. Yes, death anniversary ng mga magulang ko. At aminado ako na tatlong taon na rin simula ng huli ko silang mabisita. Sa America ako namalagi ng mga panahong iyon sapagkat naroon ang aming negosyo.

Ako na ang humawak rito simula ng mag 21 na ako. Naging maayos ito sapagkat bata pa lamang ako ay minulat na sa akin ng aking mga magulang ang mundong ito. Ngunit hindi ko namalayan ang mga araw. Naging abala ako sa negosyo. Maging itong hacienda ay hindi ko rin napagtuunan ng pansin. Ganun na nga siguro kapag malaki at talagang mataas ang ranggo sa merkado ng propesyon na kinabibilangan mo.

I am now an elite bachelor. Sikat at hinahangaan ng mga babae dahil sa edad na 26 ay nakabilang na ako at ang kompanya sa limang sikat na businessman at business sa Elite world.

Habang palabas ako ng bahay, nalalanghap ko ang sariwang hangin ng lugar. Narito ako ngayon sa Tagaytay. Ang lugar kung saan ako lumaki at hinubog ng mga magulang ko. Namiss ko ang lugar na ito.

Naglakad na ako patungo sa kwadra ng aking kabayo. May sarili akong kabayo rito. Binili sya ni Dad sa Spain nung nag 18 ako. Ito regalo nya sakin. Isa sa mga nd ko makakalimutang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko.

"Kamusta ka Dark?"tanong ko sa aking kabayo habang hinihimas ang ulo nito. Dark ang pangalan nya. Pinangalanan ko sya ng Dark sapagkat kasabay nya ng binili si Light ang alaga ni----. Napailing na lamang ako ng maalala ko na naman sya.

"Tara na Dark, hinihintay na tayo ni Dad at Mom." Nakangiti kong sabi habang sumasakay sa kanya. Nakalagay na rin sa likod nya ang mga gamit na kailangan ko para sa maghapong pamamahinga sa burol kung saan nahihimlay ang aking mga magulang. Gusto kong magpahinga sa mga problema na kinaharap ko sa mga nagdaana araw. Ayaw ko rin muna isipin ang mga bagay na haharapin ko. Sa ngayon gusto ko munang makasama ang mga magulang ko.

Habang patungo ako sa burol ay pinagmamasadan ko ang buong hacienda. Hindi pa rin ito nagbabago. Maganda pa rin ito kagaya ng huling natatandaan ko. Sariwa pa rin ang hangin at makikita mo pa rin ang ganda ng kalikasan sa mga puno na nagsasayawan sa ihip ng hangin. Kay sarap pagmasdan. Napakatahimik. Walang problema. Lahat ay payapa.

"Ahhhhhh" bigla kong napahinto si Dark ng marinig ko ang sigaw. Malapit na ako sa burol kung saan naroon ang puntod ng aking mga magulang. Dun rin nagmumula ang sigaw. Nang makabawi ako sa pagkabigla ay nagmadali ako sa pagpunta roon. May ibang tao sa burol. Ngunit sino?

Ang bahaging iyon ay limitado lamang ang maaring pumunta ng walang pahintulot nya o di kaya ay ng katiwala nyang si Hanz. Doon ay naabutan nya ang isang lalaki na nakatayo sa tuktok ng burol. Nakadipa pa ito na anamo ay dinadama ang hangin na nagdaraan sa kanya.

"Ehem." Lumingon sya, napakunot ang nuo ko ng makita ko na may kumikislap sa gilid ng mga mata nya. Napapahiya syang binaba ang kamay nya at nagyuko.

"Sino ka?" Kunot nuo kong tanong sa kanya.
--------Lux David Grecio

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon