The Beginning

19 1 1
                                    


"Hindi lahat ay dapat mong pagkatiwalaan dahil hindi lahat ay puro katotohanan. Sarili mo na lamang ang maari mong pagkatiwalaan. Sa mundong ito sarili mo ang magliligtas sayo hindi ibang tao. Dahil sa mundong ito hindi lamang tao ang nabubuhay nandyan sila. Nakamasid sa bawat kilos natin. Mga nilalang na di natin nakikita
Mga nilalang na mas nauna pa sa atin.
Mga nilalang sa nakaraan na nagmumulto sa kasalukuyan.
At kung .....
Gusto mong mabuhay pwes kailangan mong pumatay"

-----------------------------------

Kasalukuyan....

"Ms.Fuentes!"tawag saakin ng aking Teacher. Dahil tulala na naman ako sa kawalan at dahil tulala ako lagot na naman ako nito.

" Y-yes ma'am?" Sagot ko.

"Ms.Fuentes bakit ba palagi kana lang tulala saaking klase? Ayaw mo ba sa aking subject. Kung hindi ka interesado sa subject na ito the door is open ms.fuentes you can go now" Litanya ng teacher ko.

"I'm sorry ma'am. Pasensya na po" tanging nasabi ko na lamang. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko nitong mga nakaraang araw lagi na lang akong balisa malayo ang isip.
Simula ng mapanaginipan ko iyon.
Di na ako mapakali.

" Kriiiiiing! Kriiiiiiing! " hudyat na ito na tapos na ang klase.

Nagsitayuan na ang mga studyante at lumabas ng classroom.

"Ms.Fuentes pwedi kaba makausap saglit." Tawag saakin ni. Mrs.Ocampo

"Bakit po Ma'am?" Sagot ko.

"Tatapatin na kita Ms.Fuentes. Lately palagi kana lang tulala sa klase ko may Problema ba?" Tanong saakin Mrs.Ocampo.

"Po? Ah eh wala naman po Ma'am. Siguro dala lang po to ng sobrang stress sa bahay at sa school pasensya na po Ma'am di na po mauulit" Pag dadahilan ko na lang sa aking guro. Ayoko! Ayokong malaman ng nino man ang mga nararanasan ko ngayong mga nagdaang araw.
Ako ang tipo ng tao na hindi palasalita. As long as kaya ko iskreto at lutasin sa sarili kong paraan ay gagawin ko.

"Bweno Mrs.Fuentes
This will be the last time na pagbibigyan kita. Ayoko ng maulit pa ito Focus on your Study." Sabi ni Mrs.Ocampo

"Y-yes ma'am I'm Sorry po" Ang nasabi ko na lang.

"Okay you can go!"
"Goodbye ma'am Thank you po" Nagpaalam na ako kay Mrs.ocampo.

Naglalakad ako sa Corridor na para bang isang Zombie.
Lutang ako ngayon. Dala na rin siguro ng antok dahil halos ilang araw na ako hindi makatulog sa mga nangyayari saakin.
Wala naman akong magpagsabihan dahil halos wala naman akong kaibigan dito sa University.
Hindi ako nageexist para sa kanila. Isa lang ako maliit na bagay kung ituring walang halaga.
Kung tutuusin mayaman naman ako, Kagaya ng halos lahat ng Studyante sa University.
I can buy what i want. Para saan pa ba't kami ang may-ari ng Pinakasikat at pinaka-angat na Company sa buong Pilipinas.
At ang lahat ng yun ay pinaghirapan ng aking mga magulang syempre.
Pero hinding hindi nila ako matanggap siguro ng dahil na rin sa aking itsura.
Nerd...Manang...laging nakapusod ang mahaba at mga kulot kung buhok...Malaking Nerdy Glass. Diba manang na manang ni hindi ko nga alam ang salitang Make-up.
Magkaaway kami nun.
Hindi ako katulad ng ibang mga babae sa University na halos putok na ang muka ng dahil sa Make-up.

Plank!! (Sound effect ng natapon na Juice✌)

"Oh mygessh! Yung Clothes ko" Sabi ng maarteng babae.

Napaangat ako ng muka ng makilala ko kung sino yung nakabangga ko.
Si Shanea Montes.
Ang Pinakamaganda sa buong University.
Almost Perfect na daw siya.
Halos lahat ng lalaki sa University naghahabol sa kanya.
Dream girl ng mga Boys.
Sexy...Mayaman...Maganda...Talented basta Perfect.
Pero para saakin hindi siya Perfect she is a monster.

"Sorry di ko sinasadya"nasabi ko na lang. Totoo naman di ko sinasadya eh.

"Tsk. Look what you did. Argh! Fvck. Bulag kaba hah. Nerdy girl"sigaw ni Shanea.

"I said Sorry right! Di ko sinasadya shanea" (Poker face)

Nabigla na lang ako ng bigla niya na lang hinablot yung buhok ko. Ang sakit Ampotek. Matatanggal ang buhok ko.

"Ahh sumasagot kana manang hah! Gusto mo talaga masaktan.
Tsk."sigaw niya saakin habang hawak hawak niya yung buhok ko.

" A-aray ! Ano ba shanea. M-masakit. Syempre sasagot ako kasi kinakausap moko" pamimilosopo ko sakanya na lalong kinagalit niya.

"P*nyeta! Nakuha mo pang mamilosopo. Gusto mo talaga ng sakit ng katawan" Sabi niya ulit saakin.

"A-aray ano ba t-tama. Huhuhu T_T" napaiyak na lang ako sa sakit ng anit ko dala ng pagkakasabunot ni Shanea. Plus yung mga kamlot niya pa sa Braso na ngayon dumudugo na.

Am*pta wala man lang umaawat sa babaeong to. Ang sakit na kaya. Hala! Sige tingin lang mga chismosa.

Malapit na akong mawalan ng malay na may sumigaw ang umawat ka Shanea.

"Fvck. Shanea tumigil ka nga!
Nangbubully kana naman" sbi ng lalaki na umawat sa babaeng halimaw.

"Baby hindi ako nambubully. Tinapunan niya ako ng juice sa damit ko. Look what she did to my Clothes" Pagiinarteng at malanding sumbong ni Shanea sa Lalaki.

Di ko na makita kung sino ba yung umawat kasi iyak lang ako ng iyak. Nanghihina ako gusto ko na makaalis sa kahihiyan na ito.

Tumayo ako kahit nanghihina ako at dahan dahan umaalis sa Cafeteria.

Naririnig ko parin ang pag-sisigawan ni Shanea at ng lalaki na umawat sa babaeng yun. Wala na akong pake kung sino man yun. Masakit na masakit na ang katawan ko. All i want is to Escape...

AN:Hello Readers (kung may nagbabasa man nito)
This is my First story here in Wattpad Omygessh. Can't imagine na nakasurvive ako sa Prologue.

Don't forget to Comment and Vote.

Ps:Just Comment sa Magpapadedicate. :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Friday the 13thWhere stories live. Discover now