Simula

6 0 0
                                    

---

Lintik! Late na ako! Ang traffic pa! Pilipinas nga naman oh!

"Manong bayad ho!" Bahala na, baba na lang ako, lakarin ko na lang para exercise.

"Pakikiaabot po!" Sabi ko sa katabi ko pero parang mga bingi tong hampaslupang to dahil hindi man lang ako pinapansin.

"Pakikiaabot po ng bayad" Ulit ko ulit na sabi, pero mukang ayaw talaga, Letche mga bingi!

"MANONG CATCH!" Sigaw ko kay manong driver dahil mukang walang balak may mag abot ng bayad ko!

"Pakikiabot naman po mga ate't kuya" sabi ni manong sa pasahero nyang mga hampaslupang bingi

Dahil naiwan sa ere yung kamay kong may baryang 12 pesos eh may nagkusang loob na mag abot nito

"Buti naman, letche!" Sabi ko don sa lalakeng pacool na nasa katabi ng katabi ko.

Maya maya lang din ay bumaba na ako dahil mukang wala nga talagang balak umusad ang traffic, wala naman ako sa edsa pero napakatraffic. Letche ha! Late na ako.

Lakad takbo lakad takbo na ginagawa ko, mukang papayat ako neto, good yan!

After 20 minutes of walk-run na ginagawa ko eh nakarating din ako ng school.

Syempre bumili muna akong tubig sa may tapat na tindahan dahil nagutom at nauhaw ako, since kuripot ako tubig lang sapat na.

Pagkabili ko pumasok na rin agad ako at tinakbo na yung hakdan pa second floor at third floor. Pagkatapat ko sa pintuan ng room namin huminga muna akong malalim at nagpabango dahil ang asim ko na. Feeling ko lang.

Kumatok muna ako ng tatlong beses, pero nakalock at mukang walang may balak na buksan yung pintuan, kaya sa bwisit ko kinalabog ko na 'to ng malakas at maya maya pa'y may nagbukas na ng pinto at biglaan naman silang nagtransform sa mga ginagawa kuno nila.

"Letche ka Monique! Akala namin si Ms ka na" sigaw nung kaklase kong lalake na skinny na nga naka skinny jeans pa.

"Baket ms pa naman ako ah?" Inosente kong sagot sa kanya at naglakad sa upuan ko sa tabi ng friendship kong si Hannah

"Hoy kupal san si ms?" Tanong ko pagkabagsak ko ng bag ko sa table.

"Ha?" Tanong nya saken. Letche bingi bingihan

"Bingi bingihan? Nasan si ms?" Tanong ko ulit.

"INULET!" sigaw nya staka humalakhak na akala mo wala ng bukas.

Hidni sya tumitigil kakatawa, kaya sa banas ko pinasakan ko bunganga ng papel

"MASUSTANSYANG PAPEL PARA SAYO FRIENDSHIP!" ngiting ngiti kong saad staka umupo at umo-ob. Pero bigla nyang hinampas yung batok ko kaya naapangat ako ng muka at masamang tinitigan sya.

"Ang choco ng batok mo" inosente nyang sabi saken kaya sa bwisit ko eh tinampal ko yung malapad na noo nya ng malakas

"Muka kang inararo ng kalabaw sa lapad ng noo mo friendship! Bwisit!"

Sabi ko kaya bigla syang napasimangot kaya naman napatawa ako,

"Friendship wag kang sumamimangot nagmumuka kang pinagsakluban ng langit at lupa simula nung baby" Sabi ko sa kanya na syang kinabwisit nya.
Napatawa na lang ako.
Maya maya pa'y dumating na yung english teacher namin at nagdiscuss, pero inaantok kaya ako kaya't halos itulog ko na yung english subject namin, kundi lang ako kinurot ni Hannah, 3 hrs kasi tong subject namin to at hate ko rin ang english kaya't antok na antok na din ako, staka anong oras na rin ako nakatulog kagabi dahil kachat ko yung boybestfriend ko na nameet ko lang online. Eh minsan na lang kase syang magonline at hating gabi pa. Ewan ko ba pero gusto ko syang kausap, dahil komportable ako kapag nakakausap ko sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon