TRIXIE
"Really?" hindi maitago ang excitement sa boses ko sa naging sagot sakin ni Lovely sa kabilang linya. Paparating na daw siya.
"Yup, I'll be there at exactly, six-thirty." dagdag pa niya.
Napatingin ako sa wristwatch ko para tignan ang oras. Sampung minuto na lang bago mag six-thirty. Mas lalo akong na-excite.
"Okay, mahal. I'll wait for you here, nasa labas ako ng condominium tower, madali mo lang ako makikita dito."
"Okay, baby. Papaliko na rin si manong Ed, I'm almost there." She was referring to her driver.
"Oo sige, mahal. Mag-ingat ka."
"I will, see you, muah!" then she ended the call.
Malawak ang ngiting ibinababa ko rin ang phone ko. I'm so excited for tonight, it's Lovely and I's first year anniversary. Ang bilis ng panahon, isang taon na kaming mag-nobya ng mahal ko. Masaya ako dahil umabot kami ng ganito katagal. We both decided to celebrate it at night, mas romantic kasi 'yon at bagay dahil dadalhin ko siya sa isang lugar na tiyak kong magugustuhan niya.
Kanina pa ako hindi mapakali, naeexcite ako na kinakabahan. Excited ako dahil i-se-celebrate na namin ang unang anibersaryo namin, at kinakabahan din dahil bukod doon, sa wakas magagawa ko na rin ang matagal ko ng gustong gawin; Ang mag propose sa kanya.
That's right, yayain ko na si Lovely magpakasal. I already see my future with her, bakit kailangan ko pang patagalin? She's everything that I want and everything that I need, lahat na yata ng katangian na hinahanap ko sa isang babae nasa kanya na. What more can I ask for? Wala na akong ibang hahanapin pa kundi siya lang. She's my dream girl. And I'm ready to spend the rest of my life with her.
Kinuha ko mula sa bulsa ng leather jacket ko ang isang maliit at kulay red na box at saka ito binuksan. Napangiti ako habang pinagtitigan 'yon. I can't wait to wear this ring on Lovely's finger, sigurado akong bagay ito sa kanya and i'm also sure it would be a perfect fit too. Ano kaya ang magiging reaction niya?
Hmm, kung ano man 'yon, I'm going to find it out later.
Inilagay ko ang red na box sa isa pang medyo may kalakihang box na naka gift wrap at ibinalik 'yon sa bulsa ko. Pagkatapos yumuko ulit ako para tignan ang oras sa wrist watch. Limang minuto na lang at nandito na si lovely.
Pag-angat ko ng tingin, hindi sinasadyang dumako ang mata ko sa isang nakaparadang kotseng ilang metro lang ang layo sa akin.
I couldn't take my eyes off the car and I don't even know why, wala naman akong nakikitang interesting sa kotseng 'yon maliban sa medyo pamilyar.
I think I saw the car somewhere but I don't give a damn, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko dito.
Gusto ko sana 'yong ignorahin pero hindi ko magawa. That's weird, tila ako kinukontrol, now I'm staring at the driver's seat and I couldn't identify whether babae o lalaki ba ang nasa loob.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ang ginugol ko sa pagtitig sa kotse, namalayan ko na lang may yumakap sa likuran ko at nang lumingon ako, awtomatiko akong napangiti nang makita si Lovely. Agad akong humarap sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/41480601-288-k854314.jpg)
BINABASA MO ANG
Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Elite series (2) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...