Chapter 3

8 0 0
                                    

Oo inlove parin ako sa kanya. Hindi ko alam pero ganun pa rin ang nararamdaman ko sa kanya. Ang simpleng turing kong kaibigan sa kanya. Naging isang pagmamahal na higit pa sa kaibigan ang gusto.

Maaga kami pinauwi kanina. Wala naman kasi daw gagawin tsaka gumagawa pa daw ng schedule ang mga teachers. Magpapahinga na nga lang ako. Makapaghilamos nga muna.

** Kinabukasan

kring kring.......

Hay ang sakit sa tenga.

"Aba at- Audrey kanina pa alarm ng alarm yung alarm clock mo."

"Eto na babangon na po" Tumayo na ako at inayos ko na ang higaan ko. Tiklop kumot, ayos unan, ayos higaan. Pumunta na ako sa banyo.

Ligo. Toothbrush. Ayos Buhok.

"Ericka bilisan mo na nandito na si Rhys."

"Sige po ma. sandali lang"

Tumingin ako sa salamin at inayos ko ulit ang sarili ko. Baka kasi madismaya siya sa itsura ko. Ugh... Bakit ko nga ba iniisip si Rhys?

Bumaba na agad ako at nagkiss kay mama.

"Anak kainin mo nalang to habang nasa byahe ka."

"Salamat ma" Lumabas na ako. Pumasok sa kotse.

"Good morning :)" Nagsmile lang ako sa kanya pero hindi man lang niya ako pinansin na para bang hangin lang ako sa kanya.

Sumandal na lang ako at hindi kumikibo. Nakarating na lang kami sa school na walang imikan.

Pumunta rin kami sa room namin. Lumapit si Ashey. Siya na yung girl bestfriend ko ngayon.

"Bess anu nangyari bakit sabay kayo?"

"Huwag mo nang tanungin bess. Naiinis ako kay mama"

"So anung nangyari at mukhang galit ata yun?"

"Ewan ko. Binati ko lang naman siya ng good morning eh. Hayaan nalang natin siya. At mukhang tatagal pa yan badtrip niya ng isang buwan."

"Bakit?"

"Wala kasi yung kotse eh. Sa kanila tuloy ako lagi sasabay"

"Bess naiisip mo ba naiisip ko?"

"Anu naiisip mo?" Napaface palm nalang siya.

"Diba gusto mo siyang kausapin? Ayan na ang opportunity mo"

"Nakausap ko na siya. Ang labo nga eh. Sabi niya 'wala yun' pero ayun, badtrip parin sakin"

Totoo naman talagang ang labo niya eh. Oo sinabi niya na wala lang yung dati na hindi ko alam tapos ngayon hindi niya ako papansinin. What the hell?!!

Ano ba talaga ang problema niya? Kung hindi talaga ako makapagpigil sasampalin ko siya. Praprankahin ko siya tungkol sa amin. Tatanungin ko kung ano ang problema niya sa akin at

yayakapin ko siya at sasabihin kong namimiss ko na siya. Na hindi ko kayang pigilan pa ang nararamdaman ko sa kanya. Sasabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko siya. Na higit pa sa kaibigan ang gusto ko.

Dumating na yung first teacher namin. Bago siya. Matangkad, maputi at maganda. Siguro mabait naman ito si maam.

"Good morning class I'm teacher Sabrina, ako ang adviser niyo this year so I'm expecting higher grades kasi gagraduate na kayo and with some fun  niyo na gawinpara hindi kayo mabored." Ui bago to, sigurado akong magiging masaya ang year na to last year kasi puro quiz ang ginagawa namin. Nakakainis yung teacher namin last year. Buti nalang at iba na ang adviser namin.

"Okay po" Nakangiti ang mga kaklase ko at parang tuwang tuwa pa.

"Okay. Wala tayong klase ngayong araw kaya ang gawin niyo, ikutin niyo yung buong campus kung gusto niyo at magpakilala kayo sa ibang mga estudyante, magenjoy lang kayo ngayong araw na ito kasi bukas maglelesson na tayo."

"Sige po maam"  Lahat na sila nagsitayuan. Ako hindi. Nagpaalam lang si Ashley sakin kasi nagugutom daw siya. Nilagay ko na lang ang ulo ko sa loob ng bag ko inaantok pa kasi ako. Matutulog na lang ako.

**

Ginigising ako ng hindi ko kilalang tao.

Lalaki siya. Gwapo, matipuno tsaka maputi. Basketball player ata siya eh.

"Bakit?"

"Ah pwede bang samahan mo ako dito sa school niyo. Itour mo naman ako oh. Ang sabi kasi nila since preparatory ka pa daw nagaaral dito." Wow ah ako pa talaga pinagtanungan niya. Sino kaya nagsabi na prep pa ako nagaaral dito?

"Ah sige" Tumayo ako at inayos ko yung bag ko. Napansin ko na natutulog din si Rhys. Nakapasok din yung ulo niya sa bag niya. siya kasi nagturo sakin ng ganyan eh.

" Ah by the way I'm Ken" offering his hand

"Audrey." Nakipaghandshake lang ako sa kanya.

Ex BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon