Chapter 1

11 0 0
                                    


CHAPTER 1

SIXTINE's POV

"Lolo! Gising na po! Nandyan na po si mang berting, kukunin na po yung relo na pinagawa nya sayo! Lolo! Halerr!" Pang-gigising ko kay Lolo Tony.

"Apo, mamaya na kamo. Pupunta nalang ako mamaya sa bahay nila.. Nagbebeauty rest pa ang lolo mo. Duh"

Jusko! Kung ano man ang nasa isip nyo mali po! Hindi po bakla ang lolo ko. Sadyang ganyan lang talaga ang pagsasalita nya minsan.

"Bahala nga kayo dyan lolo." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa maliit na kama ni lolo. Gawa lang ito sa kahoy, pero matibay.

Pagkatayo ko, pumunta na ako sa pintuan namin at hinarap si mang berting. Isa pa to kasi si manong eh napaka aga pa para mangbulabog.

"Mang berting mamaya nalang daw po ihahatid ni lolo yung relo nyo. Pupunta nalang daw po sya sa bahay nyo. Ang aga pa naman po kasi. 3:30 palang po ng madaling araw."

"Tin tin, magdidisco ako ngayon, kaya kailangan maporma ako ngayon. Akin na dali.. madami na paniguradong chicks sa bar." Sabay sayaw sayaw nya.

"Mang berting naman eh. Tsaka di naman po kailangan ng relo sa disco bar eh. Magtanong ka nalang po sa mga makakausap mo doon."

"Ay, oo nga noh? Sige mauuna na ako." Sabay alis nya sa harap ko pero nasayaw parin.

Sinarado ko na yung pinto namin. Inaantok pa ako e.. kainis. Hayy.

Ako nga pala si Sixtine Sanchez, tintin nalang for short. Ang pinaka magandang babae dito sa probinsya namin. Char lang! 24 years old. Madaming nanliligaw sakin pero binabusted ko lang. ayaw ni lolo eh sya lang daw dapat. Si lolo nalang kasi yung kasama ko sa buhay.

Dating taga maynila ako, pero nung namatay ang mga magulang ko dahil sa isang trahedya, si lolo tony nalang ang naging pangalawang nanay at tatay ko. Dito na kami tumira sa probinsya kung saan sya lumaki. Kahit kaming dalawa lang ni lolo sa buhay, masaya kami at may sapat na kinakain sa araw araw.

"Nakaalis na ba si mang berting apo?" Napatingin ako kay lolo tony, nagsalita ito pero nakapikit parin.

"Opo lo, sige po mauuna na ako. Magbebeauty rest din ako duh!" Pangaasar ko pero, ako lang magisa tumawa dahil, imbes na tumawa sya. Narinig ko nalang ang paghilik nya.

Love you na talaga lolo -_-

****

PARKER's POV

"Parker gising na! Malalate ka na sa meeting ng tatay mo!" Gising saken ni Yaya Berta

"Yaya hindi na ako bata para asikasuhin mo! Malaki na ako...." lambing ko sa kaniya

"Sus ang alaga ko ay malaki na! Mag ayos ka na baka malate ka pa sa meeting mo!"

"Sige po yaya susunod po ako! Love you yaya!"

*kringgg

*kringgg

*kringgg

"Parker where are you?" Tanong saakin ng step father ko

"Uhmmm papunta na po ako diyan! By the way dad musta po?"

"Wag mo nga akong kamustahin! Ang bagal-bagal mo! Parang pagong ka kumilos! Kung hindi ka pa dumating dito! You need to make a report! After 20 minutes dapat nandito ka na!"

The Time Of Love (Soon)Where stories live. Discover now