Ms.Masungit meet Mr.Mayabang

1.7K 30 3
                                    

MS.MASUNGIT MEETS MR.MAYABANG

Written by: SECURABLE

PROLOGUE

We all know lahat ng studyante sa unang araw ng pasukan ay lahat excited at sino din ba ang  hindi ma-eexcite? New classmates, new crushes at mga bagong set of new friends pero ewan ko ba kung bakit sa lahat ng studyante sa buong mundo ako 'yung pinakamalas.

Bakit?

May tangang mayabang lang naman akong nakaaway kanina sa daan. Grrrr..halos di ko nga ma-compose 'yung sarili ko dahil sa tindi ng galit ko sa taong 'yun!!

Naalala ko tuloy 'yung katangahan niya..

Flashback..

Kanina pa ako ikot ng ikot dahil hinahanap ko 'yung block ko at kitang-kita ko naman na madaming nakakarelate sa akin na kapwa ko estudyante na parang timang na halos hindi na makatingin sa daan dahil puro nakatingin sa ibabaw ng pinto ng classroom.

"Araaaaay!!" bulyaw ko sabay himas sa noo ko. Inakala kong semento 'yung nabangga ko pero tao pala.

"Wala ka bang mata?" tanong niya.

"Bulag ka ba? Kitang-kita mo naman siguro na may mga mata ako." inis kong sabi.

"Tsss..meron naman pala bakit hindi mo ako nakita?" sabi niya while glaring.

"Tanga ka ba? Ikaw 'tong maayos na nakakalakad sa daan edi sana ikaw na din ang nag-adjust. Kita mo naman sigurong halos hindi na ako tumingin sa daan para lang makita 'yung block ko. Tanga talaga!" inis kong sagot.

"Oh ikaw na. Ikaw na. Akala mo naman kung sinong maganda." salita niya saka naglakad.

Wala talagang modo. Hindi man lang nag-sorry.

"Pfff..Akala mo naman ang gwapo mo. Tanga tanga mo nga." sigaw ko.

Ayon na nga!! Wala talagang modo!! Pag nakita ko 'yun ulit ipapatikim ko sa kanya ang bagsik ng aking galit. Talagang naiinis pa ako sa kanya hanggang ngayon.

Pag nakita ko lang talaga 'yun ulit. Ilalampaso ko sa sahig ang pagmumukha niya.

Ganda ko kaya at ang pangit pangit niya. Haaaaysssss..at hindi naman siguro siya ang OTP ko diba? Sana naman hindi diba.

-----

Ms.Masungit meets Mr.Mayabang[On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon