Chapter 28 - College Week

115 10 2
                                    

[Tiffany's POV]

Nagsimula na nga ang college week namin. Sa first day, puro programs lang. First year students and second year ang nag organize nito. may mass sa umaga, then a few semminars about architecture at mga exhibit ng thesis ng mga 5th year students. Nakakaaliw no? hehe Tuwang tuwa nga ako sa mga nakita kong projects eh. Kakaiba ang mga idea nila. Kapag ako din nag thesis, gusto kong mag plan ng isang rest house sa tabing dagat. Yun din kasi ang pangarap ng papa ko eh.

Sa 2nd day ng college week namin, nagkaroon naman kami ng sports fest. Sumali ako sa Filipino games gaya ng chinese garter, tumbang preso, patintero at madami pang iba. Hahaha!!! Nakakaaliw nga eh. Para kang bumabalik sa pagkabata habang naglalaro kayo. sa tumbang preso, nakalaban ko pa si Rupert. Haha! talo ko pa din siya hanggang ngayon. Nang mag break na, dumiretso ako sa graden kasi nakaka stress lang mag stay sa canteen. Masiyadong madaming tao kaya nagkakatron ng shortage sa fresh air. You know what I mean naman diba? XD

Sumandal ako sa puno na usual kong tinatambayan at pumikit. Grabe, napagod talaga ako kanina. Pero bakit parang di ko yata nakita si Nathaniel kanina? Ewan ko ba. Parang kahapon ko pa siyang di nakikita.

"Ahh!!!" sigaw ko nung may maramdaman akong malamig sa pisngi ko. Pagkadilat ko ng mata ko, napaatras ako at naumpog sa puno nang makita ko si Nathaniel.

"Nathaniel!!!" sigaw ko habang hinihimas ko yung ulo kong naumpog.

Ngumiti naman siya ng nakakaloko pero naging seryoso naman din agad.

"Bakit mag-isa ka dito?" tanong niya sa akin

"Wala na kasing hangin dun sa canteen. Masiyadong madaming tao kaya dito ko na lang naisipang magpahinga. Sina Becky naman, abala sa crush niya. Hinatak niya pa talaga si Jenny. Si Rupert, may practice para sa basketball. Eh ikaw? bat andito ka? Diba kasama ka sa basketball team na Snipers?" tanong ko. Oo nga pala. Ang alphabetical order yung groupings ng sports fest namin para daw exciting, kahit parang hindi naman. Muntik ko na sana siyang maging kagroup kung hindi lang naiba group niya... -__-

"Ah. Pinagpahinga kami ng coach namin. Dito na muna ako. Pagod na ako eh..."

Umupo siya sa tabi ko, isinandal ang ulo niya sa puno, at pumikit. napatitig naman ako sa kanya. Ang pogi niya kahit mukang haggard na siya sa kakapractice. Ano nga kayang nagustohan sa akin ng mokong na ito? Parang napaka simpleng nilalang ko naman para magustohan niya. Pero hindi naman siguroo joke time to no? Wag naman sana...

"Di kaya ako matunaw sa kakatitig mo?"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

O__O

Oops!!! Bigla siyang tumingin sa akin at huling huli niya ako. Inayos ko agad ang upo ko at tumingin ng diretso. Hay nako naman oh!!!

"Siya nga pala... wag kng mawawala sa game namin mamaya ah." napatingin ako kay Nathaniel sa huling sinabi niya. Tumayo na siya at cool na naglakad palayo pero bigla din siyang huminto.

"I need you there to support me or else..." tumingin siya sa akin bago niya ipagpatuloy ang sinasabi.

"I will be a failure."

Assuming FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon