SIMULA'T PAGTATAPOS

534 2 0
                                    

Aalis na!!!! Aalis na!!!
oh sapang palay, sapang palay!!!!!
Sigaw ng kuya kong Kondoktor.

nagmamadali lahat ng tao na makasakay sa bus dahil nga baka malate sila sa kani-kanilang mga lakad. Ngunit ako ndi dahil sa may maganda akong upuan sa loob ng bus.

Tabi ng bintana + headset + harapan = aba matinde.

Wala akong pake sa mga tao na sasakay at baba, nag eenjoy ako sa tanawing nakikita ko at mga taong nagmamadali.

"OH! sandali lang sandali lang may huli baka matikitan nanaman ako neto! sabe ng driver."

tinanggal ko saglit ang isang headset ko upang maintindihan ang kanyang isinisigaw.

"putcha!!! Meron pa pala kala ko wala na."

Napatingin ako sa harapan at napahinto sa aking pagtitipa.
Tinignan ko ang driver, ang kuya kung konduktor at ang mga pasaherong maaabot ng aking magagandang mga mata.

"Paktay tayo neto! teka lang po mga sir. nahuli tayo kala ko wala na meron pa pala." Driver.

Napansing kung bumaba ang kuya ko at may hawak na folder sinundan ko sya ng tingin.

"sir, arbor nyo na, sge na sir matitikitan nanaman ako neto." Natatawang sbe ng driver sa isang pasahero.

Ngunit tinignan lamang sya neto. Sa palagay ko'y MMDA si koya.

Si kuya ko naman nakikipag usap lang dun sa nanghuli.

Narinig ko nagsalita ung mga taong bababa sana sa estrella. May mukhang natalo sa tong it, may mga pangaasar, at may mga taong parang natatae.

"bwiset malelate nako! Matagal pba yan!"sabe ng isang lalaking sa tingin ko ay mga nasa mid30's.

Napatikwas ang isa kung kilay sa kanyang turan, at tinignan lamang sya habang may binubulong bulong sa kanyang sarili.

Marahil ay takot ma pagalitan ng bos o kaya naman ay matatanggal na sa trabaho isa pang late.

"aist. Ano ba yan! Bagal naman nyan." Isa pang pasahero na malaki ang mata.

"sandali lamang po mga mam at ser. Papahuli po ako ulit para makarating lamang kayo sa inyong mga trabaho."
patawang sabe ng driver.

Nakatingin lamang ako sa kanya, ang gaan ng awra ni kuya na akala mu ay walang problemang nakasangkutan.

Akala mu ay walang problema gaya ng ibang tao.

Naisip ko bigla, isa ako sa mga pasahero na pinipilit bumaba sa ndi tamang babaan sa kadahilanang nakakatamad ang maglakad ng malayo, dahil malapit doon ang trabaho. Pakshet!!!

Kaya pala may mga driver na masusungit, laging galit at nakikipag sagutan sa mga pasahero.

ganun sila dahil sa mga pasaherong, matitigas ang ulo ndi lamang ulo ngunit pati ang bungo at muka.

Porket nagbayad sila ng pamasahe.

Hindi nila alam na sa bawat byahe ng mga driver ay dala nito ang ndi lang isang paa sa hukay ngunit ang buo nitong katawang lupa at kaluluwa. Na sagot nya lahat ng pasahero nya pagka may aksidenteng mangyayari.
Nangangawit ang mga kamay at paa kakapreno at kakaikot ng manibela. Nangangawit ang puwitan kakaupo. Kinakabahan twing kakabig pakiliwa o pakanan.

Tapos tayong mga pasahero kung makaangal akala natin ay nabili natin ang bus at driver.

Ndi natin nararamdaman ang pagod at pagtataya nila ng buhay para sa atin. Para makauwe o makapunta tayo ng safe sa ating mga patutunguhan.

Hindi naten naisip na bka ndi pa sila kumakain kakabyahe. Na baka masakit na ang kanilang mga braso't binti pati na ang puwit.

Tapos tayong puwit lang ang nangangawit, sge pati narin ang paa pag tayuan ang nagagalit d nyo ba alam na TAO!!! OO !!! TAO!!!!!! Tao rin sila at ndi elevator na kaylangan sundin kung saan kayo baba, ndi sila bagay para paghimutukan ng inyong mga galit kung late na kayo. Di rin kasalanan ng driver kung bakit kayo nalelate sa inyong trabaho at paaralan. agahan nyo ang gising at magpagawa ng sariling daan para d kau matraffic.

"Magkano chan? " tanung ng driver sa aking kapatid.

"****. Tol. ndi ko maintindihan panget magsulat." Sabe ng kuya ko na patawa tawa.

"siraulo. Haha. Tara na madame pang huhuli satin."

Natawa ako sa kanyang turan.

KATAPUSAN

BUS DRIVER (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon