My Hero(One Shot)

4 1 0
                                    

Thanks for reading😍😍😘

Crdts sa cover;Katrina Diaz

Crdts;Hannah Cabe

Hope you will like the story...

                        *****

Iyamot ako sakanya....

Iyamot na iyamot...

Hindi ko na siya mahal at kahit kailan hindi ko na siya bibigyang halaga.

Masama mang pakinggan peeo ang sarili kong ina ay kinaiiyamutan ko at kinagagalitan.Mahal niya ba ako bilang anak?Para kasing si Papa lang ang laging andyan sa tabi ko.Samantalang si Mama nasa kwarto lang at dun namamalagi.

Inggit na inggit ako sa iba.Tuwing magkwekwento sila tungkol sa pamilya nila lagi nalang masaya.Lagi nalang silang sumisimba tuwing Linggo ng magkakasama,kakain sa isang mamahaling restaurant,mamimili ng mga kailangan at marami pang iba na dapat ay ginagawa ng isang masayang pamilya ng sama-sama.Ang malungkot lang sama-sama naman kami pero yjng kasiyahan ,hindi man lang namin or should I say ako,hindi ko nakamtan ang masayang pamilya.

Hindi rin ako makapuslit sa kwarto ni Mama.Kung hindi bantay si Papa naka-lock naman ang pinto.Sa isang batang tulad ko dapat mas nararanasan ko ang pag-aaruga ng sariling ina.Dapat siya ang andyan kapag kabuwanan ko na ,siya ang kasama ko sa pagpili ng brand ng napkin,siya dapat ang nagsasabi at nagpapaliwanag ng mga pangyayari sa babaeng nagdadalagang tulad ko.Marahil naituturo ito sa eskwelahan pero iba narin ang may patnubay ng sariling ina.Ampon lang ata ako eh.

Ako si Xylene Macatangay at ako ay labintatlong gulang na.Nagsimula ang gantong pangyayari simula nang isugod si Mama sa ospital ,2 years ago.

Simula ng pangyayaring yun naging ma-ilap na si Mama sakwn.Minsan ko na lang siya nakikita at kung sweswertihin nalang talaga.Naalala ko tuloy nung pitong taong gulang palang ako at natunghayan namin ang isang batang babae na kaedad ko pa noon na nagkakalkal sa basurahan.Tanda ko ang mga kataga niyang binitawan ng araw na 'yun.

"Anak,hinding-hindi mo mararanasan ang mga bagay na ganyan,Hangga't andito pa si Mama lagi ka niyang aalagaan at lagi akong nasa tabi mo,"sambit ni Mama.

"Talaga ma,the best ka talaga.Para talaga saken hindi sina spiderman,darna o wonder woman ang hero kundi ma ikaw,labyu Ma,"yan ang mga kataga kong binitawan sakanya.

Pero Wow nalang talaga sa mga salitang 'yun.Bakit wala siya ngayun sa tabi ko?Bakit iniiwasan niya ako?.

Minsan nga naisip ko inatake lang ba talaga si Mama ng asthma niya noong sinugid siya?o may nakakahawa lang talaga siyang sakit?Pero ayaw kong isipin ang mga bagay na yjn.Ewan ko ba kahit iyamot at puno ng galit itong puso ko hindi ko parin maiwasan ang mahalin at pahalagahan siya.Parang kapag nawala si Mama ay hindi lang ina ang nawala saken kundi pati ang dalawa kong mga paa.Siya lang naman ang lagi kong sandigan.Tuwing inaapi ako siya ang yayakap at hahagkan ako sabihin lang niyang tumahan na ,hihinahon na ang naghuhurumentado kong nararamdaman ,mawawala na ang bukol sa lalamunan at nakakaramdam ng matinding kapayapaan.Gusto ko ulit maranasan yun at ayaq ko siyang mawala.

Pero bilang anak hindi naman maiiwasan na mangulila sa lag-aaruga niya.Miss ko na siya.I really f*cking miss her.Yung luto niyang masarap pa sa tunay na chef.Ang halik niya sa pisngi ko kapag pupunta na ako ng school.Ang pagyakap niya ng slbrang higpit at parang ayaw ka na niyang bitawan.Ang pamamasyal namin,at ang panonood ng sine.Pero sa ngayon si Papa nalang lagi ang kasama ko.Si papa nalang lagi ang kasama ko.Si papa nalang ang gumagawa ng mga bagay na gusto ko sanang si Mama ang gumagawa para saken.

Masyado ba akong makasalanan kaya pati simpleng pagmamahal at pag-aaruga lang ng ina ay hindi na naipagkaloob saken?Sana lang ay kaya ko pang bumawi sa mga kasalanan ko para naman maibalik yung dati.Yung dating buong-buo at sandigan namin ang bawat isa.

My Hero (One Shot)Where stories live. Discover now