6. Flashback

465 6 6
                                    

Hi wattpadders! Sorry po sa super tagal na update. Sa wakas, tapos na ang klase! Summmmeeerrr Break! Hope na mapasya ko kayo through my stories. Para maging makulay ang inyong summer! And sana mag-share kayo ng kilig stories nyo, para mas lalo at higit pa akong ma-inspire! hehe. 


xoxo,

Lady Knight

_________________________________________________________________________

<Lei’s POV>

Habang nasa hallway kami papuntang faculty room, pinagtitinginan kami ng ibang estudyante.

“Hoy, Ken! Ano na naman yang pakulo mo ha? Himalang napapayag mo si Lei Anne na magpatali sa yo!” sabi ng isang senior. Tumawa rin ang mga kasama nya.

“Oh wow! Ate Lei, kayo na ba talaga ni Kuya Ken?” sabi naman ng isang first year na naging ka-close ko noong opening ceremony.

“Naku, naku, ang kabataan talaga ngayon...” natatawang napapa-iling nalang si Manong Jerry, ang aming school janitor.

Naramdaman kong nag-init ang mukha ko. Ngayong may teacher’s meeting, siguradong lahat ng mga estudyante ay magkakalat-kalat lang sa hallway o kaya ay sa cafeteria. Halatang ineenjoy ang libreng oras para makipagbiruan.

Sigurado na nga bang kapag kasama ko palagi si Ken, palagi kaming nakakakuha ng atensyon. Last year palang ay naka-attract na ng attention si Ken. First day of classes palang, halatang magiging school heartthrob na siya. Naalala ko tuloy yung unang beses na makita ko sya.

 

****** Flashback noong First day ng first year nila********

<Lei’s POV>

You can do this, Lei. isip-isip ko habang nakatayo ako sa may gate ng Fadden Hills Academy.

Pangarap ko na noon pa ang makapasok sa school na ito. Ito yung sinasabi nilang “elite” sa lugar namin. White polo shirts, dark blue vests, blue striped neckties, dark blue pencil cut skirts for girls and black slacks for boys, knee high socks for girls and preferrably black Mary Janes. Diba? Parang mga sosyal at  anime kung tingnan.

Pagpasok pa lang sa main building ng school, centralized na ang aircon. De-tiles ang sahig, may lockers sa hallway. Masasarap ang mga pagkain sa cafeteria, halatang well-kept ang botanical garden. Kalat na kalat din ang strict curriculum ng school, ang mga disciplines and extra-curricular activities na para talaga sa mga gustong maging successful professionals someday. Kaya pag graduate ka ng FHA, aasahan ng mga tao na isa kang “well-bred” na tao.

Anyways, noong first day of classes namin, conscious ako sa sarili ko.

First time kong mag-suot ng palda.

First time ko na walang glasses sa mata.

First time kong mag-lugay ng buhok.

At first time kong makakita ng ganoong kaguwapong mukha, na para bang bumaba ang anghel ng Diyos...

Kinusot ko pa ang mga mata ko. Baka naduduling lang ako kasi naka-contacts na ako.

Pero pagbukas uli ng mata ko, andoon pa rin siya, nakasandal sa puno habang nagbabasa ng school handbook.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Best Friend is a Playboy *on hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon