Malapit ng matapos ang bakasyon at halos sampung araw na lang ay pasukan na naman. Alas-quatro y media pa lang ng umaga ay gising na ako. Agad akong kumain ng agahan at nag-ayos ng aking sarili.
May sakit pa ngayon si Yaya Mila kaya ako na muna ang maghahanda ng agahan nila Ate Dian at Third. Agad ang tumungo sa kusina ng mansion nila at nagsimula ng magluto ng agahan. Fried rice, scrambbled eggs at saka hotdog. Pagkatapos ay inihanda ko na sa mesa ito sa mesa.
Alas-sais na ng umaga pero hindi pa rin bumababa si Third. As usual ay tulog pa yung lalaking yun. Lalaking yun talaga sinabihan ko na kagabing gumising ng maaga para makapagpa-enroll din kami ngayon ng maaga.
Umakyat ako patungong third floor para gisingin si Third. Pagbungad ko ng pintuan ng kwarto niya ay kumatok muna ako saka pumasok.
Manners and right conduct. Yan ang itinuro sakin ni Papa simula bata pa lang ako. Kahit na pamilya na din ang turing ng mga amo namin sa amin ay hindi pa rin maikakaila na katiwala't-katulong lang kami rito.
Pagbukas ko ng pinto ay rinig na rinig ko agad ang paghilik ni Third. Nakahilata pa siya ng bonggang-bongga sa kama with matching laway pa sa mukha. Parang sabog ang kama niya. Ang galaw niya talaga matulog. Parang hindi mayaman. Kaya baboy ang bansag ko sa kanya.
Binuksan ko muna ang kurtina sa bintana ng kwarto niya.
"Hoy Third gising na!" sabay kalabit sa balikat niya.
Hindi siya sumagot at mukhang hindi man lang nagising.
"Hoy Third gising na. Maaga pa tayong magpapa-enroll ngayon," sabay kalabit ng pangalawang beses sa kanya.
Sa pagkakataon ngayon ay nagising na siya. "Hmmmm. Antok pa ako," pagpo-protest niya na parang bata sabay talukbong ng kumot.
"Ano kayang magandang gawin dito?," bulong ko sa sarili ko sabay tawa ng may pagka-shunga-shunga."Hmmm bright idea."
"Hindi ka ba talaga babangon diyan? Gusto mo bang makatikim ng ninja technique? Isa! Dalawa! Abay gusto mo ata eh! Tatlo!"
Lumapit ako sa kanya saka inalis ang kumot na nakatalukbong sa kanya saka sinimulan siyang kilitiin. Kiliti dito, kiliti doon.
"Ayaw mong gumising ah. Well ngayon ito ang mapapala mo," sambit ko na parang guro na pinapagalitan ang estudyante niya.
"Ahhhhh. Hahahahahahah! Pat tama na! Hahahahah! Nakikiliti ako! Hahahahaha! Pat!"
Well effective ang naisip ko at nagising siya. Hindi mapigilan ni Third ang kakatawa sa sobrang kiliti pero hindi ko pa rin siya tinitigilan. Para kaming mga bata sa ginagawa namin ngayon.
Pinipilit ni Third na alisin ang kamay ko sa pagkiliti sa kanya pero imbes na maalis niya ay mas tinodo ko pa ang pagkiliti sa kanya. Pinush ako ni Third hanggang sa gumulong-gulong kami hanggang sa mahulog kami sa sahig pero imbes na masaktan eh tumawa lang kaming dalawa sa mga pinaggagagawa namin.
Napatigil ako nang marealize ko na nadaganan ko na pala si Third. Nakapatong ang katawan ko sa katawan niya. Ang lapit ng mga mukha namin. Inches na lang ata ang pagitan. Ramdam na ramdam ko ang katawan niya. Ramdam ko rin ang kabog ng puso niya. Pati na rin ang bawat hininga niya. Ang awkward sa pakiramdam. Tiningnan niya lang ako sa mata at hindi nagsalita. Nakita ko ring medyo namula siya.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Sh*t! Ano to? Pat ba't ganto kabilis ang tibok ng puso mo? Ang awkward.
Tumayo ako agad. "Yuck Third! Ang baho ng hininga mo! Yucks muntik na yun ah. Muntik ng makadikit sakin yang laway mo sa mukha!"sambit ko.
Agad akong naglakad palabas ng kwarto niya. Wahhh. Ang awkward sa pakiramdam. Pagdating ko sa labas ng pinto ng kwarto ni Third ay naalala ko na may sasabihin pa pala ako sa kanya kaya umikot ako pabalik. Binuksan ko ang pinto at ipinasok lang ang ulo ko para sumilip.
BINABASA MO ANG
Slowly Falling In love With The Wrong Person
Romance"Are you willing to sacrifice everything for love? Even if it means losing someone forever?" This work is divided into two. The fist one is a boyxgirl themed. While the second one is a LGBT(boyxboy) themed. The two contains the same stories but with...