You've been wandering inside my head ever since the day that you talk to me for the very first time. Palagi kitang naaalala. Ikaw na ang pinangarap kong makasama at sa palagay ko nga wala na akong makikitang ibang lalaking hihigit pa sa iyo.
Hindi naman siguro masama na nung nakakita ako ng pagkakataon na mapalapit sa'yo ay sinunggaban ko na ito agad. Ang sabi mo kailangan mo ako. You came running after me and said how much you need me as a friend. Doon ay nakakita ako ng kaunting pag-asa na baka maaari pang magkaroon ng 'tayo'. Tinanggap kita nang buong puso. Nung iniwan ka niya, ako ang sumalo sayo dahil ang sabi mo, ako lang ang makakatulong sa'yo.
Ginamot ko ang mga sugat ng puso mo at naging masaya ako habang ginagawa ko iyon. Kahit naman hindi ka lumapit sa akin noon, maga-alok pa rin ako ng tulong dahil alam kong mananatili ka sa tabi ko habang napapakinabangan mo pa ako at tinutulungan kita. It's the least thing I can do to be able to stay near you. Huwag mo ring sasabihin na hindi ka naging masaya sa piling ko. Alam kong totoo ang lahat ng tawa mo nung mga araw at sandali na magkasama tayo.
Unti-unting naghihilom ang iyong puso sa tulong ko. Minsan, naitanong ko kung sapat na kaya yun para ako naman ang ibigin mo? I think it's not. Kasi bigla mo na lang akong iniwan sa ere. Bumalik ka sa kanya nang wala man lang sinabi sa akin. Alam kong mangyayari ito. Alam na alam ko at ang sabi ko sa sarili ko, napaghandaan ko na kung sakali mang mangyari ito. Ngunit sadyang taksil ang mga luha dahil kusa silang lumabas hanggang sa hindi ko na mapigilan. I remember one time you told me,
"Hindi mo na dapat pang iniiyakan ang walang kwentang bagay. Masyadong nasasayang ang mga luha kung hindi naman karapat-dapat ang dahilan ng pagluha mo." then at that I stopped myself from crying. Nakikinig ako sa lahat ng sinasabi at sasabihin mo. Ganun ka kahalaga sa akin.
I wanted so much to be strong so I would shed not even a single tear as I'm watching you give her roses on Valentines day. Pinipigilan ko sa abot ng aking makakaya na huwag iyakan ang paglayo mo sa akin. Hindi mo alam kung gaano ko pinipigilang wag iyakan sa tuwing nakikita ko kayong magkahawak ng kamay. At kahit na anong pigil ko patuloy pa rin akong nabibigo dahil ang pagkawala mo sa akin ay hindi rin naman isang walang kwentang bagay.
Muli sa isa pang pagkakataon ay binalikan mo ako. Ika'y nagbalik dahil sa parehong kadahilanan nung unang beses na mangyari ito sa iyo. Nasaktan ka ulit dahil sa kanya. Ang sabi mo kailangan mo ako. Sino ba ako para tumanggi? Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ka. Nakikinig kasi ako sa lahat ng sinasabi at sasabihin mo. Oo, nagpapagamit ako dahil gusto ko. Gusto ko ikaw lang ang makakasama ko at iibigin ko.
Mas masaya tayo nang higit pa sa noon. Mas mahal din kita ngayon kaysa noon. Kung noon, inalagaan kita nang mabuti, ngayon ginawa ko ang lahat para lang maging masaya ka. Ibinuhos ko ang lahat ng oras at pagmamahal na hanap mo. Hindi ako nagtira pa dahil nais ko na manatili ka at hindi na umalis pang muli. Nagpakasigurado ako na mahal mo na rin ako gaya ng pagmamahal ko sa iyo. Ganun nga siguro pag in love, nabibigyan mo ang lahat ng bagay ng ibang kahulugan. Bawat kilos at bawat pananalita, may mas kabuluhan kapag nanggaling sa taong mahal mo. By the way you are treating me, alam ko na mahal mo na rin ako kahit papaano. Konti na lang matutupad na ang pangarap ko.
Konting-konti na lang pero anong ginawa mo? Isang tawag niya lang sa pangalan mo, kinalimutan mo na ang lahat sa atin. Isang tawag niya lang lumapit ka na gaya kung isang tawag mo lang ay bumabalik na ako sa iyo. Mas mahal kita kaysa noon eh kaya mas nasasaktan ako ngayon. Parang ikamamatay ko na nga ang sakit. Di tulad dati, naglakas-loob ako sayong lumapit at kausapin ka. Ang sabi ko,
"Iniiwan mo na naman ako dahil sa isang taong nasaktan ka ng higit pa sa dalawang beses. Ipapaalam ko lang sa iyo na wala ka nang babalikan pa sa oras na iwan mo ako." hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob nang sabihin ko iyon sa iyo. Siguro dahil hanggang sa ngayon patuloy akong umaasa. Sumagot ka at ang sabi mo,
"Hinding-hindi na ulit mangyayari pang babalik ako sa iyo. Maraming salamat na lang sa tulong mo. I will never forget you."
Tagus-tagusan ang sinabi mong iyon. Malinaw na siya ang pinili mo. Kaya't bago ka makalayo sinabi ko sa iyo,
"Tapos na ang pag-asa ko sa iyo. Hindi na ako ulit aasa sa mga paasa mo, tandaan mo ito."
--fin--
A/N: Makikilimos po ng comment. HAHAHAHA ;)
BINABASA MO ANG
Paasa Lang (OS)
Short StoryIsang maikling kwento ng isang babaeng umasa sa paasang lalaki. Alamin kung hanggang saan ang abot ng pag-asa niya.