Dear diary,
Ang saya namin kahapon! Sana maulit. Nakita ko ulit si De, hindi ako nahirapan huminga, nanood kami ng movie, nag-roadtrip gamit ang car ni De sabay soundtrip na din. Basta ang saya! Nakasama ko ang tropa at yung pinaka-close kong pinsan! Hindi ako makakapag-simba ngayon. Bakit kasi umulan pa eh?! Kainis! Hindi ako pinayagan! Sana pumunta si Ate Ae ulit, para kahit magkwentuhan lang kami or movie marathon. T_T
Papa: Anak, may regalo si Ate Ae mo.
Me: Po? *Nagulat/Naexcite*May binigay si Papa na box na naka-wrap sa white gift wrap at may nakadikit na pulang ribbon sa tuktok... Lumabas na si Papa, binuksan ko na ang box at may... PHONE?! Ito na ba ang pinakauna kong cellphone? Take note... iPhone 4s pa nga! Color white siya! Ang ganda! May case na din na transparent tapos dinikitan ng lettering ng pangalan ko! Oh myyy! Binuksan ko ang phone, nandun na ang number nila Mama at Papa at Ate Ae, may sim na din to ng smart! Yiiieeeh! Ang sayaaaa!
Me: Ma! Pa!*pababa ng hagdan*
Mama: Anak! Wag kang tumakbo, yung puso mo.
Me: *Hinihingal* Sorry po. Pero tignan niyo po yung regalo ni Ate Ae! *Pinakita ang phone*
Mama: Nako ang ate mo! Magpasalamat ka, sorry anak, hindi ka namin mabigyan niyan. Kulang kasi ang pera eh.
Me: Okay lang po, Ma. Nandito na din po ang number niyo ni Papa at ni Ate Ae.
Mama: Sige. Tignan mo kung may load ka, itext mo si ate mo at magpasalamat ka.
Me: Opo.To Ate Ae:
Ate Ae! Ang ganda naman nitong cellphone. Thank you. The best ka talaga! Love you, pinaka-maganda kong ate.*Sent*
Ate Ae:
Nambola pa. Sus.
BINABASA MO ANG
Walang Forever ✔️
Teen FictionNagmahal ka na ba ng taong alam mong iiwan ka lang din pala at hindi ka na babalikan pa? Kahit gustong-gusto niyang bumalik, pero... hindi talaga pwede... Kasi hindi niya alam kung paano... Kung paano pa siya babalik sa lupa. Kahit anong pilit mo...