Dear diary,
Nalate ako ng gising, 9:30 na! Usually, 6:30 ang gising ko kahit walang pasok. Na-oversleep ako sa sobrang pagod. Paglabas ko ng kwarto naka-upo na dun sina Mama at Papa. Pero bakit parang may nagluluto ata? Baka iniwan lang saglit ni Mama? Baka sunog na?! Halla! Tignan ko na!
Me: Ate Ae? Ate Aeeee!!
Ate Ae: Wait! Wag mo muna akong yakapin, baka matalsikan ka pa ng mantika. Bakit ngayon ka lang nagising? Aber?! Nagpuyat ka siguro no?
Me: Hindi ako puyat! Ang aga ko ngang natulog eh. Napagod lang.
Ate Ae: Ano namang ginawa mo at bakit ka napagod?
Me: Nanood ng game nila De. Ang saya kaya! Tapos kumain kami sa Shakey's.
Ate Ae: Ay! Mayaman! Samantalang ako, minsan lang makakain sa restaurant.
Me: First time ko kaya kumain sa Shakey's!
Ate Ae: *Natahimik saglit* Kumain ka na, tapos maligo ka na mamaya.~~1 Message~~
Tatambay kami mamaya ng tropa sa harap ng tindahan niyo. Pwede ba?
Ewan. Bahala na si Papa na magpalayas sa inyo. Haha! Charot!
Pwede ko ba ibigay sa buong tropa tong number mo?
Oo, bakit naman hindi, diba?
–•–•–
Papa: Anak, nasa labas si De.
Me: Po? Puntahan ko lang po. *Lumabas*Naabutan ko si De sa harap ng tindahan na may kausap. Babae ata kausap eh? Medyo naririnig ko din kasi yung boses mula sa kabilang linya. Binaba niya na ang phone at tumingin sa akin ng may malaking ngiti sa mukha niya.
Me: Anong ngiti yan? Anong nangyari?
De: Yung pinsan ko. Si Louella, magta-transfer siya ng school, dito sa atin! Tinanong ko siya kung handa siyang maging member ng tropa natin, oo daw!
Me: Yes! Dalawa na kaming babae sa tropa! Pero kelan daw siya dadating?
De: Sa Lunes na daw siya papasok dun. Mag-e-enroll na daw siya mamaya.
Me: Yes! Excited na ako. Magsisimba na talaga ako bukas!
De: Pwedeng sumama?
Me: Oo! Bukas magkita tayo sa church, 8:30 AM ang start.
De: Sige. Uwi na ako. Baka hinahanap na ako eh. Itext na lang kita kung makakapunta ako bukas.
Me: Sige. Bye! Ingat!
BINABASA MO ANG
Walang Forever ✔️
Fiksi RemajaNagmahal ka na ba ng taong alam mong iiwan ka lang din pala at hindi ka na babalikan pa? Kahit gustong-gusto niyang bumalik, pero... hindi talaga pwede... Kasi hindi niya alam kung paano... Kung paano pa siya babalik sa lupa. Kahit anong pilit mo...