CHAPTER 7

1.1K 77 32
                                    

CHAPTER 7

Umaga na at nakita ko silang lahat na nasa harapan ko. Huminga ako ng malalim saka tumayo. Pinagpagan ko yung pantalon ko saka nagsimulang maglakad papuntang bahay.

Hindi ako umalis sa pwesto ko kagabi habang hinihintay si Suga. Umaasa kasi ako na babalik sya at icecelebrate namin yung birthday nya kahit na late syang dumating.

"Jimin..." Narinig kong tinawag ako ni Jungkook kaya huminto ako sa paglalakad.

"Ayos lang ako." Sabi ko saka ngumiti ng peke kahit na hindi nila nakikita dahil nakatalikod ako sa kanila, "Wag nyo kong alalahanin."

Naglakad na ako ulit papasok ng bahay saka dumiretso sa kwarto. Nilock ko yung pintuan. Pumunta ako sa kama saka umupo.

Tinignan ko yung phone ko kung may reply ba o tawag galing kay Suga pero wala akong natanggap kahit isa.

Kaya siguro nya kinausap kahapon yung namamangka dahil may plano syang umalis ng hindi sinasabi samin... sakin.

Kinuha ko yung maleta ko pati na rin yung mga damit ko. Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit dahil ngayong araw kami aalis. Pagbukas ko ng closet, nakita ko yung mga damit ni Suga.

Umalis sya ng hindi dala yung mga damit nya?

Kinuha ko yung bag nya saka tinignan yung loob non. Kumpleto pa rin naman yung mga gamit nya pero may dalawang nawawala.

"Wala yung passport saka wallet nya." Sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko na rin yung mga damit ni Suga. Inayos ko na yung mga gamit namin at nilagay sa bag.

Nakarinig ako ng katok at nakita ko si Jungkook, "Ikaw na lang yung hinihintay." Sabi nya. Tumayo na ako saka sinuot yung bag ni Jungkook at hinila yung maleta ko.

"Tara na." Sabi ko at nauna na akong lumabas.

Nakita ko silang lahat sa sala at para silang nag-aalala sakin kaya pinakitaan ko sila ng ngiti.

"Nagtext na si Suga sakin. May schedule daw sya ngayon. Biglaang schedule kaya kailangan nyang bumalik ng Korea." Pagsisinungaling ko.

Tumango-tango naman sila, "Akala ko umalis talaga sya ng walang paalam." Sabi ni Taehyung.

"Buti naman at sinabi nya sayo. Baka sapakin ko sya kasi gawain ng isang gago yung ganong bagay." Sabi ni Hobi hyung.

"Bakit mo alam?" Tanong ni Lia sa kanya. Niyakap naman sya agad ni Hobi hyung.

"Nabasa ko lang sa internet." Sabi ni Hobi hyung saka tinignan yung asawa nya, "Good boy ako, promise!"

Naglakad na ako palabas kesa panuorin silang maglandian sa harapan ko. Tumingin lang ako sa dagat dahil tanaw ko sya dito galing sa labas ng bahay.

Min Suga, bakit ka umalis? Anong dahilan mo? Kahit na nasasaktan ako ngayon, pinagtakpan pa rin kita sa mga kaibigan ko.

Napapunas agad ako ng luha nung narinig ko sila, "Tara na, hyung." Sabi sakin ni Jungkook. Tumango ako at nagsimula na rin akong maglakad.

Pag-uwi namin ng Korea, dumiretso agad ako sa bahay. Pagpasok ko, kung paano namin sya iniwan nung umalis kami papuntang Balicasag Island, ganun pa rin sya pagbalik ko.

Binuksan ko na yung ilaw saka umakyat sa kwarto. Umaasa akong makikita ko si Suga sa kahit na saang parte ng bahay namin pero hindi ko sya makita.

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon