33

7 0 0
                                    


Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko.
Hindi ko lubos maisip na ganun pala ang epekto ng alak na parang mabibiyak ang ulo ko.
Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi kagabi. Ang naalala ko lang ay yung nakita ko sila Chadd at Steph na nagsasayaw sa gitna,bumalik sakin ang lahat ng sakit nang mga nangyari sakin lalo na ang pagkawala ng anak ko.

Pagkatapos ng insidenting iyon ay hinayaan ko ang sarili kong uminom lang ako ng uminom dahil baka sakaling makalimutan ko na ng tuluyan ang mga nangyari hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari sakin kagabi.

Kahit masakit pa rin ang ulo ko ay nagpasya akong lumabas ng silid.Naabutan ko si Yassi sa hapag na kumakain.Medyo nahiya ako sa kanya dahil sa nangyari kagabi.

"Gising kana pala..halika na sabay kana sa akin kumain..pinahanda ko na rin kay manang ang mainit na sabaw at gamot para bumuti ang pakiramdam mo..alam kp masakit yang ulo mo"

Nahiya ako sa kanya kasi nakaabala pa ako sa kanya.

"Pasensya kana sa nangyari sa akin kagabi Hindi sinasadyang malasing ako. Pangako hindi na mauulit yun."

"Ano kaba wala sakin yun..naiintindihan kita kung bakit uminom ka kagabi..Kung ano mang dahilan iyon..Huwag kang mag-alala naiintindihan kita. "

Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya ang totoo.
Medyo matagal na kaming magkasama at malaki na ang tiwala ko sa kanya.Alam ko namang makakapagkatiwalan ko sya at gumagaan ang pakiramdam ko pag sa kanya ko naikwento ang mga nangyayari sa akin.Hindi ko lang sya kaibigan, kapatid na rin.

"Nakita ko kasi si Chadd kagabi at Steph..Buong Akala ko nakalimutan ko na ang lahat ng lalo na yong sakit pero hindi pa pala..nang nakita ko sila..bumalik sakin ang lahat."

Pag-aamin ko sa kanya. Naiiyak na naman ako.
Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Huwag kang mag-alala nandito lang ako pag kailangan mo.. Kung gusto mo ng kausap you can count on me. Handa akong makinig At handa akong nadamayan ka. Alam ko Darating din ang araw na makakalimutan mo rin ang lahat. Na hindi ka na nasasaktan pag naalala mo ang nangyari sa inyong dalawa noon."

"Salamat..salamat Yassi sa lahat..hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."

******

"Asha..kumusta okay ka na ba?Okay ka na ba?"
Tanong sakin ni Marj isa sa mga model.

"Alam mo ba nag-alala kami sayo lahat kagabi..Hindi namin alam kung bakit ka umiinom ng madami kagabi..lumabas ka lang para magCr tapos pagbalik mo nagulat nalang kami na umiiyak kana at napagbalingan mo na ang alak..hindi kana namin maawat kagabi dahil mukhang may dinadamdam kang problema."
dagdag pa naman ni Marie kasama ko ding modelo.

Nagpapasalamt ako kasi mabait sila sa akin. Kahit bago pa lang ako dito ay mabait ang pakikitungo nila sa akin, hindi dahil sa pakiusap ni Yassi kundi alam ko na mabuting tao at kaibigan sila.

"Guys pasensya na kayong lahat sakin hah kung pinag-alala ko kayo. May naalala lang ako tsaka maraming salamat dahil Hindi nyo ako pinabayaan kagabi. "

"Naku dapat hindi ka sa amin magpasalamat kagabi kundi dahil dun sa kapatid ni Yassi na ang pogi.."

kinikilig pang turan ni Marie

"Tsaka hindi lang ang gwapo kundi ang hot pa.! Ang sarap siguro sa feeling na makarga nya.Sobrang bango non."
Tili naman ni Joy na nakikinig lang siguro sa amin habang kinikilig din.Niyakap pa nya ang sarili nya.

"Kapatid ni Yassi?"
Siguro yun yung kinuwento nya sakin na stepbrother . Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi kasi parang nakakahiya naman doon sa kapatid ni Yassi pero wala naman akong naalala sa nangyari kagabi.

"Oo yung kapatid ni Yassi.. Kaya pala biglang umalis si Yassi kagabi dahil dumating yung kapatid nya at yung Fiancee nya.. Niyaya nyang magjoin satin dahil kakagaling lang nito sa ibang bansa.Pagdating nila kagabi lasing kana at iyak ng iyak..Inaalo ka at pinapatahan ni Yassi dahil alalang-alala sya sayo.Pero nagulat kami nang bigla kang nahimatay at nagalit yung kapatid nya dahil bakit daw hinahayaan ka naming uminom.Siya narin yung nagbuhat sayo kasama si Yassi na hinatid ka pauwi." Kwento ni Marj.

Nahihiya ako sa nalaman ko.Hindi ko akalain na ganun pala ang epekto ng alak sakin kaya sinusumpa ko hindi na ako iinom pa nang alak kahit kelan.
At kung sino man yung kapatid ni Yassi nagpapasalamat ako sa kanya kahit hindi ko pa sya nakilala at naisip ko palang na ganoon ang nanyari, nahihiya na akong humarap pa sa kanya.

"Pero alam nyo.. Sayang hindi manlang natin nakilala yung kapatid nya.. Hindi na kasi sila bumalik pa pagkatapos ka nilang ihatid tsaka nagsiuwian narin kami kagabi.. Ang gwapo pa naman nya.. Hindi ko alam na may kapatid pala si Yassi na kagoon ka gwapo hindi manlang nya kinwento satin. " Si Joy.

"Pero girl ang gwapo din ng fiancee nya ano..Bagay na bagay sila.." Singit namn ni Marie

"Hoy..ikaw hah..huwag mo nang pangarapin yung fiancee ni Yassi..Hindi ka papatulan non"
Biglang singit nang baklang make-up artist namin.

"Kala mo naman papatulan ka din non..Tsaka wala akong intirest doon no.. Baka mawalan pa ako ng trabaho.. Basta ako dun talaga ako sa kapatid ni Yassi. Loyal ako sa kanya"
Sabat ni Joy na kinaismid naman ni baklang make-up artist.

"Ni hindi ka nga siguro kilala non may pa loyal-loyal ka pang nalalaman at Mas lalo kang di papatulan non"
Sawsaw naman ni Marie sa kanilang dalawa.

"Naku kung saan pa mapupunta nag usapang yan..maghanda na kayo dahil maya-maya pa magsisimula na ang shoot. Puro kayo pangarap.Maglubay kayo."
sabat ng isa pang make-up artist.

Sana makilala ko yung kapatid ni Yassi dahil kahit nakakahiya yung ginawa ko dahil nakakaabala pa ako sa kanya at gusto ko manlang sana magpasalamat sa kanya sa pagtulong sakin nung nalasing ako...

Kaso mula noong party ay wala na akong balita sa kanya dahil panay pantasya nalang ng mga kasamahan ko anh naririnig ko tungkol sa kanya...
Naging busy na kaming lahat.. Minsan pumupunta pa kami sa ibang lugar para doon magshoot..
Sa bahay ko nalang din minsan makita si Yassi dahil abala din ito sa negosyo at nahihiya naman akong magtanong  tungkol sa kapatid nya..

Nakapunta daw ito sa bahay ni Yassi sakto naman nasa Batangas kami para magshoot.
Hanggang sa nabalitaan ko nalang na bumalik nlang daw ito sa ibang bansa ay hindi ko manlang nakilala at nakita para magpasalamat.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon