37

6 1 0
                                    

ACE POV

Pagkatapos piliin ni Asha si Chadd,Nagpasya akong pumunta ng America para doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko para narin malkalimutan ang lahat nang sakit nang nararamdaman ko.
Masakit ko pero tinanggap ko ang naging desisyon nya.
Kung mananatili ako dito sa Pilipinas,maaalala ko lang sya pati ang sakit na narararamdaman ko.Hindi ako galit sa kanya na hindi ako ang pinili nya,nasaktan lang ako.

Inaasahan ko na na pag bumalik si Chadd sa buhay nya alam kung sasama sya dito.
Mula nang umalis ako wala na akong balita pa sa kanya.. Pati ang komunikasyon namin sa pamilya ni Chadd pansamantalang pinutol ko para makalimot at makapagmove-on.

Finocus ko nalang ang sarili ko sa pag-aaral at sa negosyo na iniwan nang magulang ko sakin. Tinurn-over na kasi ito sakin ito ng ama ni Chadd nang nagtapos ako ng pag-aaral. Abugado lang din namin ang umasikaso nang pagpapasa nang mga negosyong namin mula sa pamamahala ng ama ni Chadd.

Sa kapatid kong si Yassi nalang muna ang pinaasikaso sa Studio ko at sa iba pang mga negosyo dito sa Pilipinas at ako naman sa ibang bansa.Masaya ako na pumayag siya.

Si Yassi nalang ang natititra kong pamilya,kahit hindi kaming buong magkapatid hindi ko siya tinuring na iba. Mahal na mahal ko siya dahil siya nalang ang pamilya na meron ako.

Bumabawi din ako sa kanya sa mga panahong di kami  magkasama. Kaya napagpasyahan kong umuwi nalang muna nang Pilipinas para makapagbonding kami dahil sobrang namiss ko na rin sya. Pagkatapos nang ilang panahon alam kung okay na ako. Na kaya ko nang bumalik sa bansa kung saan nag-iwan sa akin ng mga malulungkot at masasakit na alaala.

Sa pagbalik ko hindi ko inaasahan na makikita ko si Asha sa mismong araw ng pagbalik ko nang  Pilipinas.
Lasing na lasing sya at panay inom pa din ng alak..
Base sa hitsura nya mukhang may pinagdadaan sya.. Hindi ko alam kung bakit parang pinapabayaan nalang siya ni Chadd na ganun. May problema ba sa kanila kaya kung bakit naglalasing sya.

Wala akong balita sa kanya ng matagal na panahon tapos makikita ko ulit siya na ganoon ang kalagayan nya. Nagalit pa ako doon sa mga kasamahan nya nang bigla syang nahimatay. Nagpasya nalang na ihatid ko sya kung saan man sila nakatira ngayon ni Chadd. Bahala na kung magkita ulit kami nang pinsan ko na yun dahil wala na rin akong balita pa sa kanya.
Kaya nagulat ako nang biglang sinabi ni Yassi na kanya daw tumutuloy si Asha. Napapansin kong parang may mali, mukang may hindi magandang nangyari sa buhay nya.

Minabuti ko nalang munang huwag magtanong tungkol sa kanya.
Natatakot akong magtanong kung ano ang nangyari sa kanya dahil hanggang ngayon apektado parin ako sa mga nangyayari sa amin, at alam kong may nararamdaman pa rin ako sa kanya.
Akala ko okay na ako.. Na nakapagmove on na ako, pero nang nakita ko siya ulit bumalik lahat...

Hanggang sa bumalik nalang ulit ako sa ibang bansa dahil naguguluhan na ako sa mga narararamdaman ko.
Nang nasa ibang bansa na man ako ay di ako mapakali..gusto kong malaman ang mga nangyayari para mapanatag ang loob ko.
Nag-utos ako sa mga tauhan ko sa Pilipinas para malaman ang mga nangyayari sa kanila ni Chadd.
Napag-alaman ko na ikinasal na si Chadd,pero nagulat ako dahil hindi kay Asha kundi sa isa sa mga anak ng kasosyo nila sa negosyo.

Kay Asha naman tanging ang pagmomodel lang nito at ilang taon na rin itong nakatira kay Yassi. Walang naireport sakin na may kaugnayan ang dalawa.
Kung ganoon ano ang nangyari nang sumama si Asha sa kanya? at ang anak nila, ano na ang nangyari sa anak nila? Wala kasing nakalap na impormasyon ang mga inutos ko kung ano ang iba pang nangyayari sa buhay ni Asha maliban sa trabaho nya ngayon at ang pagtira nya sa bahay ng kapatid ko.

Kinutuban ako ng masama tungkol sa kung anong tunay na nangyari between Asha and Chadd at pati na rin sa kanilang anak.
Naisip kong mukhang sila lang dalawa ang nakakaalam.
Nakapagtataka din kung bakit kay Yassi ito nanunuluyan. Gusto kong malaman ang totoo kaya naglakas loob akong magtanong kay Yassi. Baka may alam o ideya sya sa nangyari dahil ilang buwan lang ang pagitan ng pagkatira sa bahay nito sa petsa nang pagsama nito kay Chadd.

Syempre noong tinanong ko sya ay nagtataka siya kung bakit nagtanong ako.Hindi ko sinabi sa kanya ang totoo kaya nagdahilan nalang akong gusto kong malaman kung paano niya na nakilala si Asha at gaano nya kakilala ito na baka sasamantalahan lamang sya nito gayong pinatira niya pa ito sa bahay niya.
Medyo nagalit pa nga sya sakin dahil mabait daw ito sa kanya.
Sinasabi ko lang sa knya na pinoprotektahan ko lang sya sa baka pweding anong mangyari sa kanya.

Kwenento niya ang lahat kung paano sila nagkakilala ni Asha..
Pati narin ang mga pinagdadaanan nito sa buhay. Naawa daw siya dito at mukhang mabait naman at mapagkakatiwalaan kaya kinopkop niya at binigyan nang trabaho.

Sa mga nalaman ko ay Naawa ako kay Asha sa sinapit nito noong sumama sa pinsan ko. Hindi ko lubos maisip na ganoon ang mararanasan niya sa pagsama nito kay Chadd.
Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari,kahit magalit siya sa akin hinding-hindi ako papayag na sumama siya dito.
Galit ang nararamdaman ko kay Chadd,kahit ang inosenteng bata nadamay sa kagaguhan niya. Hindi ko alam kung ano ang pwedi kong magawa sa kanya pag nagkita kami. .

Sa mga nalaman ko...
Gusto kong damayan si Asha sa mga pinagdadaanan niya.. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.. Na andito pa rin ako para sa tulungan sya,pero natatakot ako na baka kinalimutan na nya ang nakaraan nya na pag nakita nya ako ay maalala na naman nya ang lahat at masasaktan siya o baka kinalimutan na nga nya ang nakaraan kasama na ako doon.

Habang tumatagal mas lalo ko lang namimiss si Asha. Gusto ko na syang balikan pero natatakot ako sa pweding anong mangyari.
Pero bakit nga di ko subukan...
Kung ayaw na nyang balikan ang nakaraan, pwedi namang magsimula kami ng bago..sisimulan ko nang panibagong buhay.
Wala namang masama kung susubukan ko diba..
Kaya inayos ko na ang dapat ayusin dito sa America para makauwi na ng Pilipinas.
Sumabay narin akong umuwi ng bansa sa fiancee ni Yassi na si Stephen.
Doon narin ako tumuloy sa bahay na tinirhan namin ni Asha noon.
Gusto kong buhayin lahat nang alala na meron kami noon na pilit ko nang kinalimutan.

Nang nagpunta kami sa bahay ni Yassi para doon maglunch kasama si Stephen, labis ang kaba ko na baka ano ang magiging reaksyon niya pag nagkita kami ulit.,kaya lang sabi nang katulong nila na masama daw ang pakiramdam nito.Medyo nag-alaala ako sa kanya,habang kumakain kami hindi ako mapakali,gusto ko siyang puntahan kung okay lang ba sya.. Na kung uminom ba sya nang gamot pero  natatakot ako.
Hanggang Umuwi nalang kami ay di siya lumabas pa nang kanyang silid.

Nung nasa Baguio kami, doon sa bar Nakita kong nabigla siya sa pagdating namin ni Yassi.Umiwas siya nang tingin sakin,lalo na nung pinakilala kami ni Yassi sa isat-isa kita ko na iniiwasan nya ako at mukhang naiilang siya. Gusto ko na sanang sabihin kay Yassi ang totoo tungkol samin kaso nagsilapitan na ang iba nilang kasama.
Habang nagkakasiyahan nakita ko lumalis siya para magCr kaya nagkaroon ako nang lakas ng loob na kausapin siya kaya inaabangan ko siyang lumabas mula sa cr.
Hinawakan ko ang braso niya, kita kung nabigla siya sa ginawa ko.
Gusto ko na syang yakapin kasi miss na miss ko na siya kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko sa halip kinamusta ko nalng siya pero mukhang inwasan niya ako kaya di ko nalang siya pinigilan nung sinabi nyang babalik na sya sa loob.
Pagkatapos ng gabing yun di ko naang siya nilapitan pa.. Siguro kailangan na muna namin ng space at time,Ayoko siyang biglain.
Nakuntento nalang ako sa patingin-tingin sa kanya.
Nung namitas kami ng strawberry sinulit ko nalang ang time na magkasama kami kaya kwento lang ako ng kwento sa kanya kahit na sumasagt lang siya pag nagtanong ako.
Pagkatapos naming mamitas ay niyaya ko muna siyang kumain khit alam kung napipilitan lang syang samahan ako.
Ako narin ang naghatid sa kanya pauwi dahil nauna nang umuwi sila Yassi at Stephen..gusto ko pa sana siyang makasama kaso nagtext ang secretary ko na may biglaang emergency sa opisina kaya nagpaalam nalang ako sa kanya pagkatapos ko siyang maihatid.

Sa ngayon, makuntento nalang muna akong makita at makausap siya. Ayokong madaliin ang lahat.
Alam kong darating ang time na maayos ang lahat.. At kahit gaano pa katagal iyon.. Handang-handa akong maghintay basta para kay Asha.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon