SAM
Shit. Nakaramdam na ba kayo ng ganito? Yung parang... parang natutunaw yung puso mo. Yung hindi mo mapaliwanag na bigat sa dibdib mo galing sa lalamunan hanggang sa sikmura. Yung tipong maiiyak ka na sa sobrang kilig pero hindi mo mailabas kasi malapit lang siya at baka may makarinig na iba? Or worse, baka marinig niya? Grabe, hindi ko kakayanin 'yun.
Matagal ko nang itinatago ito. Last year pa, noong first year high school pa lang ako. At literal na masisira ang buhay ko kapag nalaman niya ng wala sa oras ang lihim ko. Kasi, inaamin ko, baliw ako. Baliw sa kaniya. Obsessed. Stalker. Minsan nga, ako mismo, natatakot na sa sarili ko sa mga pinag-gagagawa ko.
Alam ko ang halos lahat tungkol sa kaniya. Full name. Birthday. Address. Pangalan ng bawat miyembro ng pamilya niya (isama mo na ang nickname). Pati yung sakit niya sa puso alam ko. Pati yung ID Number. GPA. Height. Lahat na. Minsan, natanong ko na rin sa sarili ko kung bakit sa lahat ng guwapong lalaki sa school, siya ang napili ng puso ko. Simple lang, hindi ko rin alam.
Hindi siya yung tipo ng guwapo na maraming nagkakagusto. Bukod sa akin, siguro bilang lang sa mga daliri ng kamay ang mga nagkaka-crush sa kaniya. Pero, kung ako lang talaga ang may kabaliwan sa kanya, edi masaya. Kasi, para sa akin, espesyal siya. Walang halong biro. Kahit hindi kami magkakilala ng personal, alam kong mabuti siyang tao. May isang bagay sa kaniya na hindi ko maintindihan. Kapag pinapanood ko siya sa malayo, nakikita kong masayahin siyang tao. Mahilig mag-ayos ng sarili, pero hindi pa-pogi.
Lagi siyang sumasali sa Intramurals. Pati na rin sa liga kapag bakasyon. 12 at 07 ang madalas na number niya sa jersey. Basketball player. Honor student. Marunong mag-gitara. Wala na akong hihilingin pang iba.
Kaya heto ako ngayon, patuloy sa pagkuha ng pictures sa kaniya. Buti nalang hindi niya nahahalata.
Habang kumukuha ako ng isa pang picture, binatukan ako ng isang pamilyar na kamay. "Hoy, Sam, bilisan mo nga diyan, male-late na tayo!"
Kagaya ng inaasahan ko, si Mia, ang bestfriend ko. Siya lang ang nakakaalam na may gusto ako kay Luke.
"Bes, alam mo namang moment ko 'to. Nakakarami na ako ng kuha oh. Minsan lang 'to, Bes. Hindi magkasabay ang break time namin. Magkasunod. Bakit hindi mo pa ako pagbigyan?" Sinabi ko ng pabulong, para hindi marinig ng ibang tao.
"Hindi. Hindi na. Pumasok na tayo." At hinila niya ako papalayo. "Magising ka nga sa katotohanan, Sam. Minsan, nagaalala na ako sa'yo. Kahit anong gawin mo, hindi ka mapapansin ni Luke."
"Uy, 'wag ka ngang maingay diyan, baka may makarinig sa'yo." Sabay kapit sa braso niya at hinila siya palayo.
Naglalakad na kami ni Mia papunta sa susunod naming classroom. "Alam ko naman 'yun, Mia. Pero, hanggang nandiyan pa siya, hindi ako titigil. Pangarap ko siya, Mia."
"Sana lang at hindi mo pagsisihan sa huli 'yang ginagawa mo."
"Hindi, Bes. Promise." Hindi na siya sumagot.
Matagal ko nang naisip iyon. At itinaga ko sa batong hindi ko pagsisihan na kinabaliwan ko 'yung mokong na iyon. Kasi kahit masaktan ako sa huli, hindi ko rin maaaring isantabi ang sayang naidulot niya sa akin. Basta ngayon, ang kasulukuyan muna ang iniisip ko. Hindi ko muna inisip ang hinaharap para hindi ako magalala at matakot. Para manatili akong masaya.
Klase ko sa Statistics ngayon at ito na ang huling klase namin ngayong araw. Kasabay ng Chemistry nila Luke. Oo, si Luke Jeremy Mendoza. Ang kanina ko pa tinutukoy na crush ko. 3rd Year High School siya at ako naman ay 2nd Year. Kabisado ko rin and schedule ng klase niya. English. Filipino. World History. Math. TLE. Break. MAPEH. Chemistry. 'Yun! 'Yun ang line up ng mga subjects niya ngayong taon. Kaya ko 'yan i-recite kahit tulog ako....
"Ms. Ocampo? Ms. Ocampo!" Hala. Napansin na ako ni Sir.
"Yes, Sir?" Lahat ng mga kaklase ko, nakatingin sa akin. Nakakairita.
"6/2(1+2) = x . Find x." Algebra. Forte ko 'to.
Walang alinlangan, sumagot ako, "x is equal to 9, sir."
Nagulat ako nang may kumontra sa sagot ko. Si Hector, kaklase ko. Lagi nalang niya akong inaasar at binabara. Hindi ko nalang pinapansin minsan 'yan. Pero, ngayon, Math ang pinaguusapan. Kuhain niya na ang trono ng Best in Asian History, wala akong pakealam, basta sa akin ang Math.
"x is equal to 1 po, Sir."
"Can you explain why, Hector?" Nakangiting tanong ng teacher namin. Nakangiti siya kasi alam kong alam niyang mali si Hector.
"Simply because, according to the rule MDAS, Multiplication, symbolized by 'M' comes before division. So, 3, the answer to '1+2', will be multiplied first before being divided with 6." Kampanteng sagot ni Hector. Hindi ko mapigilang mapangiti nalang dahil hindi niya alam ang sinasabi niya. Pinagmumuka niyang tanga ang sarili niya.
"Sir, may I?” Sumagot akong pabalik. “According to GEMDAS, which stands for Grouping, Exponent, Multiplication and Division and Addition and Subtraction, the process of division can go first IF it comes before the process of multiplication in the equation."
"Very well said, Sam. I'm afraid Hector has stood corrected. Any violent reaction, students?"
Hindi ko na pinagaksyahan ng panahong tignan pa kung anong magiging reaksyon ng kumag na 'yon sa pagkakapahiya niya. Sa halip, ang ginawa ko ay palihim kong kinuha ang cellphone ko sa bag at tinignan ko ang oras. Ilang minuto nalang..
Hindi naman ako magsisipag magaral kung hindi rin dahil kay Luke. Inspirasyon ko siya. Nung una, ang tanging hangarin ko lang ay mapansin niya ako kapag nakakakuha ako ng mga parangal sa school. Pero, kinalaunan ay na-enjoy ko na rin ang magaral at matuto ng mga bagay-bagay. Isa ito sa mga dinadahilan ko kay Mia kapag nagtatanong siya kung bakit ko pa tinutuloy ang pagkagusto kay Luke kahit siya'y suntok sa buwan. Kasi, hindi lang naman mga masasamang bagay ang nadudulot nito sa akin. Mayroon din namang mga mabubuti. At ang pagaaral ko ang isa sa mga iyon. Kahit mawala pa si Luke, sa tingin ko ay hindi ko pa rin naman mapapabayaan ang pagaaral ko.
Yung bell...
Ang unang pumasok sa isip ko ay makikita ko si Luke paglabas ko. Sana nga ay mangyari 'yun.
BINABASA MO ANG
Kung Hindi Lang Kita Mahal
Teen Fiction"Hanggang nandiyan pa si Luke, at hawak ko pa ang camera ko, walang makakapigil sa akin abutin ang pangarap ko na walang iba kung hindi siya." Ang mundo natin ay mundo ng mga pangarap.. At gagawin mo ang lahat ng kaya mo para matupad lang ang mga 'y...