CHP32: The Truth

1.5K 46 17
                                    

"Buntis ako. Ay hindi... Buntis parin pala ako." - DASURI

Dedicated to akoogablyn
--
/DASURI/

"Sabi na e, he still have you. Idinedeny mo lang because you hate him right now. Nagagalit ka sa ginawa nya sayo. Your mind hates him but your heart still belong to him. Wag na tayong maglokohan dito Dasuri," tumayo ito at ipinasok ang kamay sa kanyang bulsa. Nilingon nya ko't nagsalita,

"Umuwi kana sa asawa mo."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad pauwi sa bahay. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako naroroon. Basta gusto ko lang munang maglakad-lakad at pag isipan ang mga nangyari.

Matapos ang naging usapan namin ni L.joe. Minabuti kong umuwi na, pakiramdam ko kasi hindi na tamang manatili pa ko 'don. Nakakalungkot lang kasi hindi ko masabi kung may tampuhan ba kami ni L.joe o ano. Wala naman akong maalalang nagawa kong kasalanan ko sa kanya para sabihin nya 'yon.

"Baka napapagod na sya sa kadramahan ko? Pero hindi.. hindi naman sya ganon e. Hindi sya basta basta nauubusan nang pasensya." Huminto ko sa tabi ng stoplight para hintayin ang oras ng pagtawid. Napakamot pa ko sa batok ko habang nakatingin sa daan.

"Pero bakit?" Bago ko pa masagot ang sarili kong katanungan. Naging green na ang kulay ng stoplight dahilan para maglakad na ang mga taong nasa paligid ko.

Natauhan naman ako't sumunod sa kanila, "Ayy, go na pala."

Nagpatuloy ako sa pagtawid kahit wala ako sa sarili. Hindi ko kasi akalaing magagawa kong ipagtabuyan ni L.joe. Akala ko kasi sasamahan nya ko hanggang dulo. Gaya nang pangako nya.

"Oh." Napahinto ko sa paglalakad nang bumangga ako sa isang katawan. Unang tumama rito ang ulo ko dahil nakayuko ako habang naglalakad.

"Pwede ba Miss, sa susunod na maglalakad ka. Tignan mo yung dinaraan mo." Iniangat ko ang aking mukha para tignan yung nagsasalita. "Hindi yung kani-kanino ka bumabanga." Isa yong matangkad na lalaki na nakasuot ng cap at facemask.

"Pati tuloy ako tinamaan sayo." Dagdag pa nya. I look at his face and realized who he is.

"Teka, kilala kita ah?" Sita ko pa. Bago pa man sya makasagot ay nagbago na ang ilaw ng stop light. Mula sa green ay naging red na ito.

Napatingin naman 'don 'yung lalaking kaharap ko. Napailing pa sya sabay hablot sa kamay ko. "Badtrip. Mukhang mapupurnada na naman ang diskarte ko. Tara na nga." Nagulat pa ko nang hilahin ako nito patungo sa dapat patutunguhan ko. Hinayaan ko naman sya hanggang sa makatawid na kami pareho.

Pagkarating namin sa kabilang side ng kalye. Huminto ito at humarap sa'kin. Tinanggal pa muna nya ang mask sa kanyang mukha bago magsalita.

"Gabi na ah? Bakit nasa galaan ka parin?" Paninita nito sa'kin. Hindi ako sumagot at sa halip ay pinagmasdan lang ang mukha nito. Mukhang naconcious naman sya dahil sa ginawa ko.

"Alam ko galit ka parin sa'kin pero wag naman 'yung gantong di mo ko kinakausap. Di ko naman ginusto 'yung nangyari sayo." Malungkot nitong pahayag. Ni hindi nga sya makatingin sa'kin ng diretsyo.

"Ayst. Sige na, magsosorry na ko. Patawad kung dinala pa kita sa dorm namin. Kung alam ko lang... Kung alam ko lang talaga. Argh. Kainis." Bahagya kong natawa nang makita ang reaksyon ng evil maknae na 'to. Halatang inis na inis 'to sa sarili pero wala syang magawa.

Iniangat ko 'yung kanang kamay ko't inabot ang mukha nya. Pinitik ko 'yung noo nya sabay ngiti. "Adik! Bitawan mo na nga 'yung kamay ko. Masyado kang nag-enjoy sa paghawak."

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon