Special Mention po kay ThriBalin ang saya po nya kasama.. I swear! At tsaka po, yung kumidnap (kuno) kay Migrid, na maalalaman nyo na ngayon, ay inspired sya dun sa kaibigan ni Prince Lee Yeong sa Love in the moonlight. Yung naka black na mahaba buhok. Nakalimutan ko pangalan eh. Basta. Comment na lang kung alam nyo.
***
Chapter 12: Makasalanang MigridWait... Si...
"TEKA LANG!" sabi ko sabay pikit. Nakatapat na kasi sa akin yung kapangyarihan nang apoy. Baka mamaya, masunog ang maganda kong balat (charot).
"BAKIT?" aniya.
Tiningnan ko sya. Di ko talaga ma discover yung mukha nya. Pero I bet, mas gwapo ito sa anak nya.
"Kilala kita. Ikaw si.." di na nya ipinagpatuloy ang aking pagsasalita dahil inunahan nya na ako.
"Geronimo Marasigan. Ama ng prinsipe ng konseho, si Jordan Marasigan. At hari ng Istatum." aniya.
Istatum? Ano yun?
Wait. Akala ko ba syang yung hari ng konseho? Eh bakit hari din sya nung Ista churvalulu?
"Hindi Istachuvalulu ang tawag doon. Is-ta-tum. Istatum. Ang aking kaharian. At kung ang alam mo ay patay na ako, pinalabas ko lang iyon."
Pinalabas?
"Oo. Dahil dati, ako din talaga ang hari ng konseho. Lahat ng mga tagapangalaga ay may nakatokang pamunuan. Ako ay para sa konseho, ang tagapangalaga ng tubig ay sa mga dama. At hangin ay para sa mga kawal. At ang kalikasan ay para sa mga estudyante. Bukod sa reyna, kaming dalawa ng tagapangalaga ng hangin at naghihikayat ng mabuting asal. Pero mas paborito ni Queen Royal ang tagapangalaga ng hangin, si Maya. Kaya nasaktan ako. Nagalit. Nagselos." aniya.
I feel you, bro. Charot!
"Dumating sa punto na sobrang kong kinainisan si Maya. Ginalit nya ako. Nagluluto ako gamit ang uling. Syempre, kailangan ko nang apoy. Kaya, ginamit ko ang kapangyarihan ko. Bigla syang dumating. At alam mo ang ginawa sya, ginamit nya ang kapangyarihan nya para patayin iyon. Nakakainis. Nung una, sinaway ko lang sya kasi oo nga naman. Nakakatawa. Pero hindi lang isa, dalawa, tatlo, apat na beses nya ginawa. Lima! Limang beses nya inulit. Kaya di na ako nakapagtimpi. Binato ko sya ng apoy st nasunog ang damit nya. Bigla namang dumating ang reyna. Kaya, ang dating, ako pa ang may kasalanan. Binulyawan ako ni Queen Royal. Nakakainis! Kaya nagrebelde ako. Ang mga konseho, inutusan kong gumawa ng kasalanan. Nakawan ang mga studyante, apihin ang mga dama at iba pa. Kaya lalong naging masama ang imahe ko sa reyna. Umalis ako ng palasyo at bumuo ng pamilya. Naging masaya ako at parang gusto kong humingin ng tawad sa mga ginawa ko ng magkaroon ako ng anak. Totoo nang kapag nagkaroon ka ng anak, nakagawa ka na ng bagong kabanata sa buhay mo. Kaya bumalik ako sa palasyo. Upang humingi ng tawad. Pero iba ang nadatnan ko." tumigil sya sandali at bumuntong hininga.
"Kinakausap ni Queen Royal si Maya. "...napili kitang humalili sa akin dahil napupusuan kong magiging maayos at magaling kang lider sa mga studyante, kawal at iba pang kasapi ng Royal Academy. O sya, mapagpahinga ka na para gawaran na kita at ipasa na ang korona sa'yo mamaya. Nag dilim bigla ang paningin ko. Sa sobrang galit ko, hindi ko napigilang magpalabas ng apoy. Muntikan ng matamaan si Queen Royal kaya hinarangan ako ng mga kawal. Nagalit si Queen Royal. Kaya pinalayas nya ako sa Royal Academy at nanahimik na lang sa Istatum."
Kanina pa ako nacu-curious sa Istatum. Anu ba 'yon?
"Ang Istatum ay kaharian sa loob ng Royal Academy kung saan pinamumunuam ng tagapangalaga ng Apoy. Kaharian ko ito habang nasa akin pa ang kapangyarihan." aniya.
Teka. Sa loob ng Royal Academy yung Istatum?
"Oo. Malalaman mo din iyon." aniya.
Wait. Nasaan naman yung Maya?
"Si Maya? Namatay sya. Hindi sa kagagawan ko kundi sa labanan. Wala na ako noon. Nasa kanya na ang korona pero namatay siya. Kaya wala nang nagawa si Queen Royal na pamunuan ulit ang Royal Academy.
Wait... Kanina pa siya sagot nang sagot ng sagot sa tanong ko sa utak ko. Is he.. reading my mind??
"Akin na ang kapangyarihan nang kalikasan." cold na sabi nya.
Ah okay. Sige. Satisfied naman ako sa mga sagot nya eh. Tsaka di ko kailangan nang mga kapangyarihan no. Ang gusto ko lang, maging normal. Tsaka kung iyon ang makapagpapalaya sa akin dito, edi ibibigay ko.
"Sige oh." tapos binuka ko ang palad ko at lumabas ang kapangyarihan ng kalikasan.
Nagulat sya sa ginawa ko. Parang hindi sya makapaniwala. Anu bang hindi kapanipaniwala don?
"T-talaga?" tanong nya.
Tumango ako at binukas nya na ang kanyang palad para kuhanin yung kapangyarihan. Pagkakuha, tumawa sya. As in, yung parang tawang tagumpay. Ewan ko kung tigang yata tong si Sir Geronimo. Papatukhang ko na to.
"Bakit po?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Wala." maikling sagot nito.
In just a second, bigla na lang syang nawala. As in parang isang kisapmata, nawala sya. Kaagad kong napagtanto na hindi nga pala ordinaryo ang mga tao dito.
Teka.. parang..
wait... parang may mali..
si Geronimo Marasigan..
kakampi ba sya..
o kaaway..
pero..
WATDAPAK!!!!!
Binigay ko ang kapangyarihan sa taong di ko pa masyadong kilala!
***
A/N: Clarification
Q: Paano po nakuha ni Migrid yung kapangyarihan nang kalikasan?
A: Actually, hindi lang po si Migrid yung nakakuha nang kapangyarihan. Lahat ng mga tagapangalaga. Lahat sila may kapangyarihan. Remember nung ibibigay ni Mildred yung kapangyarihan ng tubig tapos nagsilabasan yung mga simbolo tsaka yung kapangyarihan, tapos tinangay sila, nasa kanila iyon.
Next chapter will be their first fight scene.
Okay?
Thank you po!
Isa pa po, si Geronimo Marasigan, opo. Mind reader po sya. Hehe.

YOU ARE READING
Royal Academy: Earth VS. Fire (On Going)
FantasyAre you finding a magical academy whose queen and king ruled by it? An academy which is not as ordinary as any other school? Well. You find the right place to study on. Welcome to ROYAL ACADEMY.