•Life is about people who come and go, na sayo na lang kung ano ang mangyayari pag katapos kang maiwan. Kasi lahat naman sila aalis at aalis, ultimo kapit bahay niyo nga lilipat yan ng bahay! Ang love nalang yata ni God ang permenente sa mundo•♥️_______________________________
"Avaaaa!"
"Wake up!"Whyyyy?! What is it?! I'm still sleepy!!
"Ava naman mapapagalitan ako sa grandma mo pag hindi kapa bumangon jan.. please naman Ava bangon na.."
Mommy-ya dont worry wala naman syang magagawa.
"Ava, pinag bigyan na kitang mag punta sa party last night kasi sabi mo last mo na yun"
Chill ka lang jan mommy-ya, papasok naman ako and besides first day palang naman ng school year.. so wala naman nyan gagawin, kaya hayaan mo muna akong mahiga dito masakit pa po ang ulo ko so please lang mommy-ya..
"Ava naman ehhh! May usapan na tayo kagabi diba walang iinom kasi darating grandma mo, pag nakita ka nyang ganyan malamang pagagalitan ka na naman nun at baka isumbong kapa sa daddy mo. Baka magalit na naman Dad mo sayo? Avaaaa bangon na please anak."
Okay okay fine.
(Sheeezzz! darating na naman si grandma para mag hanap na naman ng mali ko, siguro hindi tinatawagan ni Daddy kaya gusto na naman mag papansin isusumbong na naman ako, tapos good shot na naman sya, then seseg way na sya na humingi ng pera tsss)
•after 1hour and 30mins•
"Ava! You are really getting into my nerves! Ano ngayon ka palang matatapos maligo at mag ayos?! Ano na naman ba ginawa mo kagabi ha?!"
Grandma relax I'm just having fun, aalis na kasi si Taña papuntang states dun na sya for good.
"Edi mas maganda Ava para naman mabawas bawasan yang mga kaibigan mong wala ng ginawang tama tulad mo!"
"Miss Ava, Madam Grace, excuse po.. kain na po kayo ng breakfast, naka prepare napo"
No sorry I lost my appetite. Kayo nalang kumain ng inihanda niyo tawagin mo sa hardin si mommy-ya ng sabay sabay na kayo.
"Ava hanggang ngayon ba naman mommy-ya parin ang tawag mo sa Yaya mo?! My Gosh! Pano na lang kung marinig ka ng mga kumare't kumpadre ko! Nakakahiya! Ang mga katulong, mananatiling katulong lang! Wag ka masyado mag didi-dikit sakanila baka mahawa ka sa kacheapan ng mga yan!"
Tama na aalis nako. I'll be late bye.
"Napaka walang manners talaga ng anak ni John! Manang mana sa ina nyang hampas lupa! At kayo mga muchacha! Wag niyong kinukunsinti ang mga kalokohan ng magaling na anak ni John! Kung hindi, lahat kayo palalayasin ko!!!"
•Ava's POV•My goodness! Wth is she thinking? Lagi nalang ba syang mang hihimasok sa buhay ko? Kunwari concern sakin halata namang gustong gusto nya ko napapahamak para mag away kami ni Dad. Geez! Hindi na nag sawa..😪
BINABASA MO ANG
Ava found love in the Rice Fields🌾♥️
Teen FictionNOT YOUR TYPICAL LOVE STORY🙅🏻♂️ Lahat ng naririto ay pawang kathang isip lamang, please wag kayo mag assume! Masasaktan lang kayo mga besh😂 Enjoy reading mga marshi 📖