Highschool pa lang ako naririnig ko na ang pangalang Thaddeus Bible . Pinag-uusapan siya ng mga kababaihan at ng mga kabataan. Marami akong naririnig tungkol sakanya katulad ng gwapo,mayaman,mabait, at higit sa lahat matinik sa chicks. Hindi ko inakalang makikilala ko si Thaddeus.
Naging textmate ko siya noong highschool and since hindi naman talaga ako attracted sa guys, kaya okay lang. Akala ko okay lang. Pero nag.krus ang landas namin sa kolehiyo at dun nagsimula ang aming pagkakaibigan. Naging malapit siya saken, tinuturing namin ang isa’t-isa bilang matalik na magkaibigan.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano kami kalapit sa isa’t-isa, hindi ko rin alam kung ang samahan ba namin ay ginagawa ng ordinaryong magkaibigan. Napansin ko nalang na sa bawat araw na nakakasama ko siya, sa mga araw na iyon ako sumasaya. Siya ba ang dahilan sa aking mga hindi maipaliwanag na nararamdaman?
Paulit-ulit na tanong sa aking isipan. Nagsimula ito habang may pinapanuod kaming isang programa. Maraming tao sa paligid ngunit ng maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat, unti-unti silang nawawala. Pakiramdam ko kami lang dalawa ni thaddeus ang naroon, nakikita ko ang ibang taong nakatingin sa aming dalawa ngunit wala akong pakialam. Sino nga ba ang hindi magugulat?
Hindi ako babae sa paningin nila, at ang katabi ko pa ay pantasya ng iilan. Hindi lang iyon ang mga panahon na ganoon kami sa isa’t-isa. May isang pagkakataon na niyaya niya akong kumain sakanilang bahay at sumama naman ako. Nakilala ko ang mommy at mga kapatid niya, nakakahiya man sabihin pero yun ang kauna-unahang pagkakataon na pinakilala ako ng isang lalake sakanyang pamilya. Alam kong walang namamagitan sa amin, magkaibigan lang kami pero may naramdaman akong kaligayahan sa aking puso. Mabait siya saakin hindi katulad ng mga naririnig at nakikita ko na ginagawa niya sa ibang babae.
Sa tingin ko nirerespeto niya ako, at sakanya ko lang nararamdaman na babae ako. Inaalagaan niya ako, hindi ko yun naranasan sa ibang tao maliban sa aking kapamilya. Kapag umiinom ako, andiyan si Thaddeus nakabantay at naghihintay kung anong oras ako uuwi. Magkalapit lang ang bahay namin kaya minsan sabay kaming umuuwi. Minsan gumising ako sa umaga dahil sa tunog ng aking cellphone,na may tumatawag.
Si Thaddeus tumatawag at nakikiusap na samahan ko siya dahil may tatapusin siyang proyekto. Dali-dali akong naligo at nagbihis, papunta na sana ako sa lugar kung saan kami magkikita, ngunit nagulat ako ng makita ko siyang kumakaway at naglalakad papunta saken.
Habang minamasdan ko siya sa malayo, nasasabi ko sa aking sarili “Pangarap lang kita, bakit nakakaramdam ako ng ganito sa tuwing magkasama tayo?” Binalewala ko lang ang aking nararamdaman, dahil nga sa akala kong okay lang. Pag nasa eskwela madalas kaming kumain ng isaw,siomai,proven at kung anu-anong streetfoods ang nariyan. Hindi ko lang talaga maipaliwanag kung bakit minsan sinusubuan niya ako, dahil ba ito sa katotohanang kami ay matalik na magkaibigan? O may iba pang dahilan? Araw ng mga puso at wala akong magawa sa bahay, pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko at dun kami tumambay.
Nagulat ako, tumawag si Thaddeus at nagtatanong kung nasan ako, lalabas ba ako, at kung sino ang kasama ko. Nagtataka ako kung bakit niya ako tinanong sa mga bagay na yun. Hindi ako assuming kaya deadma nalang.
Kinabukasan March 25, 2017 tumawag ulit si Thaddeus at nagpapatulong ulit sa kanyang proyekto,hindi niya pa kasi natapos yun. Pumasok kami sa isang restaurant at kumain kami dun, hindi naman siguro date yun diba? Kasi nga lumabas kami dahil tatapusin yung project. Tapos na kaming kumain ng biglang dumating yung kaibigan ko at nagtatanong kung sino yung lalakeng kasama ko, sinabi ko agad na kaibigan ko si Thaddeus. Hindi narinig ni Thaddeus ang usapan ngunit naging dahilan ito upang tanungin niya ako kung ano ang pinag-usapan namin. Sinabi ko sakanya ang totoo. Tinatanong ng kaibigan ko kung bakit may lalake akong kasama. Sinagot ni Thaddeus ang tanong na yun “ Sana sinabi mo boyfriend mo ako”.
Kinabahan ako sa sinabi niyang iyon, dahil sa mga mga oras na iyon may kakaiba na akong nararamdaman. Hindi nagtagal pinakilala ko narin siya sa parents ko, at gustong-gusto nila si Thaddeus. Hindi pa kasi ako nagkaka-boyfriend since birth. 100% TRUE! Pero sinabi ko na sainyo na ayaw ko sa lalake, malamang gets niyo na kung ano ako. Napapadalas na ang paglabas namin ni Thaddeus, sa bawat lakad namin ang bawat bagay na ginagawa namin ay tila ang kauna-unahang pagkakataon na naranasan namin yun. Isang beses lang kaming nagkasamang nagsimba, ngunit hindi ko yun makakalimutan.
Si Thaddeus ang kauna-unahang lalake na nakasama ko magsimba. Sa loob ng isang taon si Thaddeus ang naging karamay ko sa lahat. Siya lang ang taong nakakaintindi saakin. Kapag kasama ko si Thaddeus, nararamdaman ko na ligtas ako. Ganyan ba talaga ang isang matalik na kaibigan? Nalaman ko na lilipat ng paaralan si Thaddeus, sa manila siya mag-aaral. Hindi ko alam ano ang dapat gawin, dahil hindi ako sigurado sa aking nararamdam. Kung sasabihin ko sakanyang may pagtingin ako, hindi pwede dahil hindi ko pa alam ang totoo. Natatakot akong mawala siya sa tabi ko, nalulungkot ako dahil magkakalayo kami.
Sa gabing iyon nasasaktan ako, hindi niya alam kung ano ang hapdi na nararamdaman ng aking puso. Nasa tabing dagat, nag-iinuman kami kasama pa ang ibang ka-tropa. Sinabi niyang lilipat siya ng paaralan, at habang ako ay nakikinig hindi ko magawang magpaalam at hindi ko masabing mag-iingat siya. Ayokong umalis siya sa tabi ko. Sino na ang makakasama ko sa araw-araw? Sino ang magbabantay sa akin kapag ako ay iinom? Sino ang makakasama ko kumain sa labas ng eskwela? Sino makakasama kong mamasyal sa pook? Sino na ang makakasama kong magsimba? Sa gabing iyon isang salita lang ang sinabi ko kay Thaddeus. “Huwag mo sana akong kalimutan, bestfriend tayo eh” ngunit iba ang sagot na narinig ko mula kay Thaddeus. “Hindi kita bestfriend, friend lang kita” Ano ba ang ibigsabihin nito? Sa kabila ng lahat ng aming pinagsamahan? Bakit hindi bestfriend ang tingin niya saakin? Bakit friend lang? Nagtataka ako, kaya ba hindi bestfriend dahil may pagtingin rin siya saakin? Nagugulohan na ako! Hindi ko ito nararamdaman noon, pero nung nakilala at nakasama ko si Thaddeus, nagsimulang magbago ang aking mundo.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon hinalikan ako ni Thaddeus sa pisngi. Para sa isang babaeng hindi nagkakagusto sa lalake, nagulat ako. Inaamin ko may pagtingin ako sakanya ngunit nung hinalikan niya ako sa pisngi parang nahilo ako. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid, dala na rin siguro ng kalasingan.
Kinabukasan pagka-gising ko, natatanaw ko si Thaddeus sa tabing dagat. Ngumiti siya saakin at tumango rin ako sa ngiting iyon. Pagkatapos ng araw na iyon, matagal bago kami nagkitang muli. Nag-iba ang lahat ng lumipat na paaralan si Thaddeus, at huminto ako sa pag-aaral. Hindi na kami madalas nagkikita, at pag nagkikita kami hindi na tulad ng dating samahan. Parang may nagbago, ngunit hindi ko alam kung ano.
Hindi ko pa masasagot ngayon kung hanggang pangarap nalang ba si Thaddeus? O maipagpapatuloy namin ang aming nabuong samahan? Maraming babae sa paligid ni Thaddeus. Maraming gustong maging prinsesa sa isang prinsipe na katulad niya. Siguro isa lang ako sa isang daang nangangarap na maging prinsesa, ngunit nandito lang ako naghihintay ng takdang panahon. Ang pagbabago ay hindi para sa taong minamahal mo, nagbabago ang isang tao para sakanyang sarili,para maging isang ganap at nararapat na prinsesa sa kanyang sariling palasyo. Ngayon nasa malayo ako.
Wala akong nakikita kahit anino ni Thaddeus, alam ko darating ang takdang panahon na malalaman rin ng munting prinsipe ang nararamdaman ng isang prinsesang gulong-gulo sa mundo. Ang mga alaala ay nananatili nalang sa kanyang puso’t isipan. Sa tuwing naaalala ang kanilang pinagsamahan, siya ay nasisiyahan dahil nangyari at naramdaman niya yun.
Minsan hindi parin maitago ang kalungkutan dahil naiisip niya kung ang mga alaala bang iyon ay mananatiling alaala? O magiging isang magandang kwento ng pag-ibig. Walang happy ending sa ngayon, malamang bukas sa makalawa meron na. :”)
Di end. Bwahahahahaha