Likod ♥

51 1 0
                                    

Hayyyy, sa wakas. Natapos din ang cram classes ko.

Sabadong-Sabado nag-aaral pa rin ako tsk. Dapat ang Saturday ginagawang official holiday para sa mga students eh.

Anyway, papunta na ako ngayon sa mall na malapit sa cram school ko and take note, sa mall na yun maraming fafa!!!! kaya nga mas ginugusto ko na rin ang umattend ng classes ko eh.

Pagkapasok ko sa mall, guys are staring at me again. Ngayon lng ba sila nakakita ng dyosang naka-shorts? Mga maniac kasi mga lalaki dito, tinurungang mayaman at nakapag-aral, nakuha pang lumingon para sa isang babaeng maganda lang ang legs? And yes, maganda LANG ang legs. 'Di naman kasi kagandahan ang mukha ko pero DYOSA ako at may mga fats pa ako sa tummy pero hindi naman siya halata dahil magaling talaga ako magdala ng damit. OO! magaling talaga, wag ka umangal!

I didn't mind them na lang. Hanggang tingin lang naman sila, of course kahit papaano I still believe that rich people have ethics and morals kaya napapalagay na rin ang loob ko.

I went to office supplies section to get the things I need for Monday.

Pssh, ang daming gwapo kainis nakaka-insecure pa ang pagiging maputi nila at ang almost perfect looks nilla shet.

Ugh, actually 40% lang ang kagustuhan ko na makakita ng mga gwapong mayaman dito at 60% ang hindi kasi para sa akin ang mga mayayaman specifically ang mga gwapong lalaki ay mapang-mata, matapobre, mayabang, tingin sa iba panget, ayaw sa mga hindi ka-uri nila at higit sa lahat nagmamahal lang dahil sa hitsura o katawan.

FYI! 'di ako bitter! Wala nga akong love life eh. Sinasabi ko lang ang totoo about sa kanila based on my experience.

Habang nagbabayad ako sa counter, napansin ko ang likod ni Ken. Sino siya?

Si Ken ay ang crush ko....dati. DATI! oo, dati! tsss.... oo na nga, hanggang ngayon pa rin but it doesn't mean na may pagnanasa ako sa kanya hanggang ngayon ah, wala na. Ang mysterious niya kasi at may pagka-suplado kaya natuturn-on este natuturn-off ako sa kanya and besides, mayaman din siya. Malamang ayaw niya sa mga hindi niya ka-uri. Ayaw niya sa mga tulad ko na di maganda at average lang.

Pagkatapos ko bayaran ang mga pinamili ko, hinanap muli ng mata ko ang likod ni Ken pero di ko na siya nakita. Nagtataka ba kayo kung bakit likod lagi ang hinahanap ko? Well, ganito kasi yun. Tuwing nasa cram school kami katapat ko yung seat niya, meaning likod niya ang kaharap ko at ni-minsan never pa siyang lumingon at never ko pa nakita ang mukha niya. I don't why but.. parang sinasadya yata ng tadhana? err, tadhana? pweh! Makauwi na nga.

-------

Leche Flan, di ako maka-concentrate sa klase ko ngayon sa cram. Ang hot kasi ng likod niya eh paano pa kaya ang mukha niya noh?

"Ms. Alvarez. Ms. Alvarez!"

Ay tae! Tinatawag pala ako ni sir! " PO?! Bakit po, Sir?" sana wag akong pagalitan!

"Hayy, you've been spacing out, young lady. You need to concentrate dahil malapit na ang entrance exams niyo, right?"

"Yes, Sir. Sorry"

"Okay. Now, focus."

Ang bait talaga ni Sir Tahba!

~

Natapos na ang classes ko and as usual, papunta na naman ako sa Mall.

Pagkarating ko, dumiretso agad ako sa supplies section and I started to look for the book I really need for Math. Math is a really complicated subject kaya kailangan ko talaga ng libro to understand it.

While I was busy finding the book, I felt that someone's looking at me so I turned around and there, I saw a man. Gorgeously HOT and he's staring at me shyly? Uhh, may gusto ba ito sa akin? shet, ang assuming ko.

I smiled at him pero nag-iwas siya ng tingin. Okay? that was a bit rude. Guys these days are soooo weird. Staring at you to get your attention but then they'll avert their eyes? Tss... torpe.

I went to my business and YES! Nakita ko na rin ang libro.

I was celebrating in my mind when someone chuckled. Siya na naman.

Glared at him and buti na lang he stopped kung hindi, naku baka nahalikan ko siya. hihihi landi.

Umalis na ako dun sa section na yun and paid for the book.

I don't why but... I'm walking home with a big smile on my face.

~~

Part two will be posted soon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Likod ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon