Dedicated ang Chapter na to kay @wattadik :)
Eto na ang Chapter 38! Ano nga ba nangyari kay Josh?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dahan-dahan na mulat ang mata ni Josh.
Napatingin siya sa paligid. Hindi pamilyar sakanya ang silid na kinaroroonan. Napatingin siya sa gawing kanan niya. At nakita niya ang kanyang Lola na nakaupo sa tabi.
"Salamat sa Josh at nagising ka na apo." Masaya at mangiyak-ngiyak na sabi ng Lola niya
"Kuya gising ka na." Napatingin naman siya sa nagsalita at si Ringo iyon na halata ang pag-iyak sa mata.
Pero biglang pumasok sa isip niya ang isang taong tanging gusto niyang makita.
"Si-si R-ryan? Na-nasaan si Ryan?"
"Josh, magpahinga ka muna." Sabi ng kanyang Lola Pet
"Nasaan si Ryan? Na-nasaan ang asawa ko? Nasaan siya?" Naluluhang tanong ni Josh.
Dahan-dahan siyang bumangon sa pagkakahiga. Kahit hirap siya at tila hinang-hina.
"Nasaan si Ryan? Gusto kong makita ang asawa ko!" Naluluhang tanong ni Josh.
Tumayo si Lola Pet para pigilan sa pagbangon si Josh
"Josh, magpahinga ka muna. Wag mong pilitin bumangon. Makakasama sayo yan apo." Pakiusap ng kanyang Lola habang pinipigilan si Josh sa pag-upo.
"Gusto kong makita ang asawa ko! Kailangan ko siyang makausap! Kailangan kong mag-sorry sakanya!" Umiiyak na sabi ni Josh habang pinipilit umupo pero hindi niya magawa dahil sa pag pigil sakanya ng kanyang Lola. At dahil na din sa nanghihina pa siya.
Maya-maya ay biglang bumakas ang pinto ng kwarto at inuluwa nito ang taong kanina pa hinahanap ni Josh.
"Ryan! Mine!" Umiiyak na sabi ni Josh habang nakatingin dito
Agad-agad lumapit si Ryan sa asawa at niyakap ito.
"Mine, sorry! Hindi na mauulit! Wag akong iiwan! Please Mine!" Umiiyak na pakiusap ni Josh habang nakayap sa asawa at nakasubsob ang mukha sa dibdib nito.
"Shhh... Tama na Mine... Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Sabi ni Ryan sabay halik sa ulo ng asawa.
"Mine... Sorry! Sorry!" Patuloy padin sa pag-iyak si Josh habang mahigpit na nakayakap sa katawan ng asawa. Na tila ayaw nang pakawalan ito.
"Shhh.. Tahan na Josh. Tumahan ka na. Makakasama sayo yan. Hindi ako aalis. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan..." Bulong ni Ryan dito at mas hinigpitan ang yakap sa asawa sabay halik muli sa ulo nito.
Pilit na pinipigil ni Ryan na wag maiyak at ibuhos ang emosyon. Gusto niyang maging malakas. Magpakakatag lalo na para sa asawa.
Umalis na sa kwarto sina Lola Pet at Ringo para makapag-solo ang mag-asawa.
Naiwan at nanatiling magkayakap sina Ryan at Josh.
Huminto na sa pag-iyak si Josh pero patuloy padin ito sa pag-sob habang mahigpit na nakayakap sa asawa. Patuloy naman sa pagpapakalma sa asawa si Ryan.
Hindi nagtagal ay tuluyan nang kumalma at tumigil sa pag-sob si Josh at tuluyang nakatulog sa bisig ng asawa.
********************
Nasa labas ng kwarto kinaroroanan ni Josh si Ryan kasama sina Lola Pet, Ringo at Paul. Kakausapin sila ng Doctor tungkol sa kundisyon ni Josh.
"Ayon sa test na sina-gawa namin. May coronary heart disease si Mr. Rodriguez. May mga baradong ugat sa puso ng pasyente." Paglalahad ng doctor.
BINABASA MO ANG
Ano Ba Talaga Tayo? (boyxboy) (Completed)
RomansaTunghayan ang istroya ng mag EX-BESTFRIENDS/EX-BOYFRIENDS na sina Josh at Ryan. Alamin kung dahil sa isang kasunduang muling maglalapit muli sakanila, ay maibabalik pa ang PAG-IBIG na natabunan na ng GALIT. Maitutuloy pa kaya ang pagmamahalan na dat...