Sachi's POV
Naka upo ako sa arm chair ko at nakahalumbaba habang pinagmamasdan ko ang lalaking pantasya ng buhay ko. Si Blueric. Ang gwapo nya habang nakikipag-usap sa isang teacher. May pinag-uusapan sila pero di ko marinig.
Hayy.. Bakit ba kasi ang gwapo nya? Mas lalo tuloy akong nahuhulog pag nakikita ko sya. Pero okay lang, basta ba sya ang sasalo sakin.
"Hoy, bruha!" nagulat naman ako ng may biglang bumatok sakin. Si Jin. Leche talaga 'tong baklang 'to! Laging panira eh.
Si Jin po ang napakabait kong kaibigan. Napakabait nyan to the point na lagi kang babatukan. At opo, bakla po sya. Sya din ang number one hater ng tandem namin ni Blue. Ewan ko ba sakanya!
"Hindi masakit yun Jin. Hindi talaga." sarkastiko kong sabi.
"Ay ganun? Sabagay, manhid ka kasi eh." saad nya at umirap pa ang gaga. Ang kapal! Ako na nga binatukan nya tapos sya pa ang mang-iirap. Tse!
Hindi ko na lang sya pinansin. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Blue ko.
"Alam mo ba Sachi, ang tigas talaga ng ulo mo no?" biglang imik nya na naman. Anu bang pinagsasabi nito?
"At bakit naman?" taas kilay kong tanong. Hindi ko kasi sya ma-gets. Nakakatol ba 'to?
"Kasi alam mo kanina nung binatukan kita, ako lang din yung nasaktan. Tapos ikaw hindi." Huh? Ano daw? Hindi daw nasaktan? Masakit kaya yun.
Hindi na lang ako umimik. Bahala sya magsalita jan. Di ko sya gets eh.
"Ay oo nga pala. Kasi manhid ka." sabi nya pa tsaka tumawa. Yung totoo? Baliw na ba 'to?
"Eh sa ang tanga mo naman kasi. Alam mo naman pala na ikaw lang din ang masasaktan kasi matigas yung ulo ko pero binatukan mo pa rin ako." sabat ko. Leche. Ako pa sisisihin?
Tumigil sya sa pagtawa tsaka tumingin sakin. Seryoso yung tingin nya. Ano ba kasing nasinghot ng baklang 'to? Kanina tumatawa tapos ngayon ang seryoso, ang bipolar nya ah.
"Ay oo nga din pala no? Ang tanga ko nga. Pero bakit pa nga ba kita binatukan kung alam ko lang naman na ako lang din ang masasaktan?"
Ang gulo nya. "Bakit?" walang gana kong tanong.
"Para may ma-realize ka."
"Ma-realize na ano?"
"Para ma-realize mo na kahit humanap ka pa ng maraming ballpen, mauubusan pa rin yun ng tinta. Samantala ang lapis, kahit mapudpod man sya at masaktan kakatasar mo, hinding hindi sya mauubusan ng panulat. Sya ang lagi ang nasa tabi mo kapag kelangan mong gumuhit ng obra. At higit sa lahat, kahit sagad na sagad na sya, magbibigay pa rin sya ng tinta para maiguhit ang obrang gusto mo." sagot nya pero wala naman akong naintindihan. Takte! Anong konek ng ballpen at lapis sa pagbatok nya sakin kanina?
"At kahit na lumiit pa ang tingin sa kanya, pwede pa din syang magamit. Pero alam mo ba ang pinaka dapat mong ma-realize sa lapis?"
Wala akong maintindihan.
"Ang lapis, kaya nitong burahin ang pagkakamali mo. Siguro, hindi masyadong burado, pero at least kaya nitong burahin ang maling nagawa mo."
"Pwedeng burahin ng white-out ang tinta ng ballen no!" sabi ko. Sasakyan ko na lang ang trip nito kesa ma-bored ako kakahintay sa teacher namin. Umalis na kasi si Blue eh. Nawala tuloy yung magandang tanawin ko.
Nakita ko syang ngumisi kaya napa-taas ako ng kilay.
"Oo nga't kayang burahin ng white-out ng ballpen, pero ang tanong..sakanya ba 'to nanggaling?" Huh?
"Syempre hindi. Magkaiba ang ballpen at white-out eh." confident na sagot ko.
"Exactly, kelangan pa ng ibang bagay ng ballpen para mabura ang tinta nya. Pero ang lapis, kahit hindi ka na bumili ng pambura, nandon na yun sakanya."
Ay oo nga no? May libreng pambura na pala ang lapis. Pero.. "Pero nauupos din kaya yung pambura nun." kontra ko. Kahit wala na talaga akong maintindihan sa usapan namin, makikipag-debate na lang ako. Hindi ako papatalo sakanya.
"Yes, nauupos din yun. Alam mo kung bakit? Kasi wala namang permanente dito sa mundo. Darating ang araw na mauubos na ang pambura ng lapis. Pero kahit na ganun, hinding hindi mauubos ang tinta nito." ay ganun?
Napasimangot ako ng wala na akong maisip na sasabihin. Oo na, panalo na sya!
"So sachi," napatingin ako ng tawagin nya ako. "Anong mas pipiliin mo? Lapis o ballpen?" tss. Akala ko kung ano na.
"Syempre ballpen pa din ako no!" sagot ko.
"Tss..sana dumating ang oras na piliin mo naman sya..." sabi nya pero hindi ko na pinansin. Hinahanap ko kasi yung notebook at ballpen ko. Magdo-doodle na lang ako ng names namin ni Blueric my loves.
Pero takte yan, hindi ko makita. Asar naman!
"Hoy Jin! Kinuha mo yung ballpen ko no!" akusa ko sakanya. Kinuha nya yun para mapagamit ako ng lapis. Ang sama talaga ng bruhang 'to.
"Hindi ah.Bakit ko naman kukunin yun? Like duh? Kayang kaya ko naman bilhin yun eh. Tsaka may ballpen naman ako no!" saad nya.
Maya maya ay bumukas ang pinto ng room namin at pumasok na ang teacher namin sa English. Patay! May quiz nga pala kami ngayon. Kelangan ko talaga yung ballpen. Asan na ba kasi?
"Get a one whole sheet of paper. We will have a long quiz." dinig kong sabi ni Ma'am. Im dead! Wala akong gagamitin na ballpen.
Habang abala ako sa paghalughog ng bag ko ay inabutan ako ng isang lapis at isang ballpen ni Jin. Ang shunga nya talaga no? Magagamit ko bang panulat sa quiz yang lapis?
"Choose on——"
Hindi pa man nya tapos ang sasabihin nya ay kinuha ko na agad yung ballpen. Agad akong kumuha ng papel at nagsimulang magsagot.
"Kahit nandito naman yung lapis, ballpen pa din ang pinili mo." dinig kong sabi nya pero hindi ko naman maintindihan. Focus na focus ako dito sa quiz eh. Kelangan kong maipasa 'to.
BINABASA MO ANG
Pansamantala
Teen Fiction"I took him for granted, and that was my biggest mistakes." ~ Sachi Rivera