Chapter Twenty

17 0 0
                                    

TWENTY

Pinanood ko ang mga kaklase kong nagtatawanan at nag-uusap tungkol sa mga nakaraan na. Sinusubukan kong maki-tawa at maki-pagsaya sa kanila kahit wala talaga ako sa mood. Pero hindi naman maaari na lahat sila ay maga-adjust para sa'kin maya naman sinubukan ko munang ilayo sa isipan ko ang mga problema at nagsaya.

"Dapat may kasunod pa ito, mamimiss ko talaga kayo." Sambit ng isa kong kaklase.

"Oo nga, tara plano tayo. Saan niyo gusto? At anong gagawin na'tin?" Tanong naman ni Arsen. Napa-ngiti ako. At sa pagngiti kong 'yon ay nahagip ng mata ko ang mata ni Ace na nakatingin sa'kin. Mas nilapadan ko ang ngiti ko bilangnpagbati sa kanya. Ngunit malungkot na ngiti ang sinukli niya sa'kin. Bakit?

"Ikaw ba, Sel? Sasama kayo ng kuya mo?" Nagulat ako ng nagtanong ang kaklase ko sa'kin kaya napatingin ako sa kanila.

"Ha? Ah, oo." Wala sa isip kong sagot. Hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan kaya napasagot na lamang ako.

"Sana kumpleto tayo!" Masiglang komento ng babae kong kaklase. Nagpatuloy lamang sila sa pag-uusap samantalang ako ay naglakad-laad malapit sa pool para mag-isip.

"Are you okay?" Napa-lingon ako sa nagsalita kahit na alam kong boses ni Ace 'yon. Ngumiti ako.

"Yeah, wala lang 'yon." Sabi ko at bahagyang tumawa. Kahit hindi maganda sa pandinig 'yon. Ngunit hindi niya pinansin ang sagot ko at umupo sa gilid ng pool saka inilublob ang mga paa sa tubig.

"Mukhang sobrang lungkot mo kagabi," Aniya at tinapik ang semento sa tabi niya. Nagbuntong hininga muna ako bago maupo sa kanyang tabi. Ang nostalgic ng feeling pero hindi ko na ito pinansin. "Whatever your problem is, makakalagpas ka rin dyan. I know you're tough." Ngiting sambit niya. Tumangu-tango ako. This is the reason why I liked him. Lubha siyang mabait at caring sa lahat. At ako ito, natuwa at nahulog sa kanya kahit alam kong para lamang sa lahat ang kanyang paki at hindi lang sa akin.

"Salamat," Sagot ko at ngumiti. Too pretentious for this morning. Nakarinig ako ng yapak mula sa aming likiran pero huli na bago pa man kami maka-lingon ay napagtanto ko na lang na pabagsak na kami ni Ace sa malamig na tubig ng pool.

Umahon ako upang tignan kung sino 'yong tumulak sa'min. Pero sa hindi malamang dahilan, natawa na lamang ako kasabay ng pagpatak ng mainit na tubig mula sa'king mata. Hindi ko alam kung mula ba ito sa tubig o sa aking mga mata.

Nagsi-talon na rin ang mga kaklase ko sa pool at nakarinig naman ako ng malakas na sound. Maaga-agang party ito but who cares? I guess I need to escape sadness today. Sumayaw ako kasabay ng tugtugin sa pool lumangoy-langoy rin ako at nakipagbiruan sa mga kaklase ko. Naka-short at shirt ako nang itinulak kami ng mga kaklase ko. Naka-paloob kasi ang swimsuit ko ngunit hindi na ako nag-abalang tanggalin pa ang shirt ko.

Nang makaramdam ako ng gutom ay umahin ako at lumapit sa kaklase kong nagluluto ng barbecue. "Pahingi naman ako!" Masiglang pambati ko.

"Oh, sure, my lady." Aniya at inabutan ako ng dalawang stick ng barbecue habang sumasayaw. Bahagya akong natawa at sumayaw rin para makuha 'yong barbecue. Pagkatapos ay pinanood ko ang mga kaklase kong nagtatawanan at natatawa na rin sa mga naririnig.

"Happy?" Tanong ng kambal ko. Ngumiti ako at tumango.

"Yes, thank you." Sagot ko.

"Enjoy, we'll leave at four." Aniya at tinalikuran na ako. Four? Konting oras na lang ang natitira para enjoyin ko ito. Naisipan ko ng lumapit sa mga kaklase ko para maki-sali muli. Pero bago pa ako lumapit ay may mga lalaking tumakbo palapit sakin at binuhat ako sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang paa at kamay ko. Napatili ako sa kanilang ginawa lalo pa nang i-sway nila ako at timapon sa pool.

"Mga baliw!" Sigaw ko pagka-ahon ko at tumawa. Ako naman ang umalis sa pool at tinulak lahat ng nasa may sulok ng pool. Nagtawanan kami sa mga pinag-gagawa na'min. Happiness seems so real yet not enough to win over sadness. Dahil makalipas lamang ng oras ay kalungkutan na agarang bumalot sa'kin.

"Bye guys!" Pagpapaalam ng iba kong mga kaklase. Kumaway naman kami habang pinapanood silang umalis. This is so sad. College na kami sa pasukan and surely, hiwa-hiwalay na kami para makamit ang sari-sarili na'ming pangarap. 

Nang maka-alis na ang iba na'ming kaklase ay humanap ako ng tiempo para kausapin si Arsen, para sabihin ang tungkol sa pag-alis na'min bukas. Ngunit nakikipag-usap pa siya sa mga kaibigan niya at ayoko namang sumingit na lang.

"Anong balak niyong school for college?" Tanong ni Kristyn, kakalse na'min.

"Hmm, pipili siguro ako kung saan tutok 'yong course ko do'n." Sagot naman ni Audet. Pagkatapos ay lahat sila'y nagtinginan sa'kin, hinihintay akong sumagot.

"I'll let my parents choose," Dahil hindi na rin ako makasunod sa agos ng buhay ko. Pagkatapos kong maki-pagusap ay sinubukan ko ng tawagin si Arsen marahil ay naiinip na rin ako at nahihirapan sa pagtagal ng kaba sa aking dibdib. Hindi ko kasi alam ang ire-react niya sa sasabihin ko. Mayaman si Ars. Kung tutuusin pu-pwede siyang sumunod sa'kin kung gugustuhin. Pero ang pangarap niya'y nandito sa Pilipinas. At sino ba naman ako para maging hadlang sa pangarap ng bestfriend ko?

"Ars, can we talk?" Sambit ko ng makalapit.

"Sorry, Sel. Amin muna si Arsen, namiss rin na'min 'to," Sambit ng kaibigan niyang si Jackson at nilayo si Ars na pinipigilang pumunta sa'kin. Ngumiti na lamang ako ngunit bumuntong hininga nang makalayo sila.

Habang naghihintay ako ay naki-pagusap narin ako sa mga kaklase na'min. Nahagip ng mata ko si Chiv na may kausap sa kanyang telepono at nakakunot ang noo. Nagtaka ako kaya na'man nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at nilapitan ang kambal kong kabababa lang ng phone. Subalit ito naman ang siyang paglapit ni Ars sa'min.

"Sel! Chiv!" Aniya at huminto sa tapat na'min. Muling nanumbalik ang kaba sa aking dibdib. Sa wakas ay masasabi ko na nang hindi na ako mahirapan.  Pero akala ko lang pala 'yon.

"I'm sorry but we have to leave," Sambit ni Chiv at pinara ang taxi na saktong dumaan sa harap na'min. Naguguluhan ako sa nangyari ngunit hinila na ako ni Chiv pasakay sa loob ng taxi kaya naman kumaway na lang ako kay Ars. Siguro pupuntahan ko na lang siya mamaya para magpaalam.

"North, what's going on?" Tanong ko. At doon ko nalaman na 'yon na pala ang huling paalam ko kay Ars.

"Our flight has been moved today,"

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon