TWENTY ONE
Pagkasara ko ng pinto ng taxi ay agad kong nasilayan ang mga magulang namin na naglalabas na ng mga gamit. Agad akong tumakbo palapit sa kanila upang humalik at magtanong sa kanila.
"Bakit po napaaga, Pa?" Tanong ko.
"East, ilabas mo na rin mga gamit mo, 'wag na masyadong maraming tanong at mahuhuli na tayo sa flight." Sagot ni Mama para kay Papa. Tumango na lamang ako at nilapag ang sling bag ko sa mesa at umakyat para kuhain ang maleta ko. Dahan-dahan ako sa pagbaba sapagkat masyadong mabigat ang maleta para sa'kin. Buti na lang at bumaba na rin si Chiv at kinuha ang maleta mula sa kamay ko na madali lang buhatin para sa malaki niyang katawan.
Nakita ko si Papa sa may compartment ng taxi at sumesenyas na bilisan na'min. Ngayon ko lang napansin na hindi na pala pinaalis ni Chiv 'yong taxi na sinakyan na'min. Agad akong naglakad ng mabilis at naunang sumakay sa taxi habang si Mama ay nila-lock ang pinto at si Papa at Chiv naman ay nagtulong sa paglagay ng mga gamit sa compartment. Nang matapos sila ay sumakay na agad sila at umandar na ang taxi paalis. Muli kong nilingon ang ngayo'y abandonadong bahay at ngayon ko lang nakita ang tarpaulin na nakasabit sa gilid ng gate.
"Ma, bakit po for sale na ang bahay at lupa natin? Hindi na po ba tayo babalik?" Tanong ko.
"Hindi ko sigurado, anak. Kung babalik man tayo ay sa ibang bahay na tayo titira." Sagot ni Mama sa'kin na ikinagulat ko. Doon kami lumaki ni Chiv! Lahat ng alaala na'min nandoon! Naramdaman ko ang paghaplos ni Chiv sa aking likuran.
"We can still treasure them," Ani Chiv na tila alam ang iniisip ko. Tumingin ako sa kanya ng may nagsusumamong mga mata. I know that he's feeling sad, too. Pero ano ba ang magagawa ko? Wala naman. Wala pa akong napaoatunayan sa buhay para magprotesta sa mga magulang ko. Malungkot, oo. Pero tama naman si Chiv. We can still treasure every piece of our memories in our home.
Nanahimik na lamang ako sa byahe. Wala ni isa ang sumubok na magsalita. Dumating kami sa airport at agad na bumaba si Papa at si Chiv para kuhain ang maleta. Si Mama naman ay nagbayad sa taxi kaya ako'y nauna ng lumabas. Nagmamadali si Papa kaya naman agad kaming pumasok sa airport pagkababa ng mga bagahe na'min. Halos mabangga na na'min ang mga tao sa pagmamadali. Tumunog na rin ang announcement bilang hudyat na nagpapa-pasok na ng passengers papuntang London. Kaya agad kaming dumiretso sa pila matapos i-check ang mga luggage na'min. Pagka-pwesto na'min sa eroplano ay agad akong niyakap ni Papa.
"I'm sorry, my East. Kailangan lang na'tin itong gawin kasi gusto ng Papa na ipagmalaki kayo sa kanyang mga magulang," Pagpapaliwanag ni Papa. Sinuklian ko ang yakap niya at tinago ko ang mukha sa kanyang dibdib.
"Naiintindihan ko po," Dahil kahit ano pa 'yan, alam kong ginagawa lang nila 'to para sa'min. Hindi kalaunan ay nakatulog ako ng gano'n ang aming pwesto.
Nakakapagod ang byahe kahit naka-upo lang naman kami magdamag. Unang beses ko itong sumakay ng eroplano kaya naman ay manghang-mangha ako sa nakikita ko. Maigi na lang rin at may baon pa lang pagkain sila Mama dahil kahit walang traffic dito sa langit, medyo matagal rin pala ang byahe. Paminsan ay nanonood ako ng tv, kumakain, pinapanood ang langit o natutulog sa sobrang tagal ng byahe na'min.
"Pa?" Pagtawag ko kay Papa na nanonood ng tv. Nilingon niya ako saglit. "Mabait po ba si Lola?" Tanong ko na para bang bata. Natawa si Papa sa tanong ko kahit hindi ko maintindihan kung may nakakatawa ba do'n.
"Mabait ang lola, anak. Mahilig nga lang mang-desiplina. Pero once nakuha mo ang loob..." Sagot niya na sinasamahan niya pa ng kilos ng kamay. "Ay! Tunay na mapagmahal 'yang lola mo." Pagtapos niya at tumawa.
"Eh, si lolo po?" Tanong kong muli. Napangiti naman siya. Tingin ko ay sobrang namimiss na ni Papa ang mga magulang niya. Sino ba ang gustong malayo ng husto sa mga pinakamamahal mo? Tila natamaan ako sa sarili kong tanong. Dahil alam ko naman ang sagot.
"Ang lolo mo... Dyan ako nagmana ng pagiging sweet ko! Kaya 'wag ka mag-alala. Tinitiyak kong magugustuhan ka ni Papa." Sagot niya. "Alam mo ba dati, ayaw na ayaw ng lola mo sa lolo mo?" Tanong ni Papa sa'kin gaya ng usual na pagku-kwento ng ama nila sa kanilang mga anak.
"Talaga po?..." Tanong ko at nang bigla kong naisip na baka... "Hala! Fix marriage po sila?" Halos hindi na marinig ang dalawang huling salita sa pagbulong ko. Natawa naman si Papa sa sinabi ko.
"Hindi... Hindi, aba, pinakitaan ng lolo ng mga galawan ang lola mo! Ayon, tuluyang nahulog. Sabi pa ng lolo mo no'n, 'Lahat ng parangarap ko nagbago mula nang makilala kita. Lahat ng pangarap ko, gusto ko kasama na kita." Sambit ni Papa at natawa. Nanlaki naman ang mata ko at natuwa sa narinig.
"Ang sweet naman po pala ni lolo. Eh, ikaw pa? Ano po ba ang kwento niyo ni mama?" Napa-ngiti naman si Papa sa naging tanong ko.
"Wala, easy. Pogi tatay mo, eh." Aniya at tumawa.
"Sus, psh, mapagbiro po pala kayo." Sabi ko naman at bahagyang tumawa. Ngunit biglang nagseryoso ang mukha ni Papa.
"Anong sabi mo?" Tanong niya na nanglilit pa ang mga mata. Tumawa ako.
"Nagbibiro po kayo kasi... Sobrang pogi mo po," Sabi ko at tumawa. Kinurot ni Papa ang ilong ko at nagtawanan kami.
"Mahal na mahal ko kayong lahat, East. Lalo na ang mommy mo," Bulong niya sa'kin bago ako makatulog.
Pagmulat ko sa mga mata ko ay agad na sumalubong sa'kin ang mga magagandang tanawin. Agad na nanlaki ang mata ko nang mapagtantong nasa sasakyan na kami. Lumingon ako kila Mama, Papa at Chiv na kasalukuyang tinatawanan ako.
"I carried you here because you slept like snorlax," Ani Chiv. Ngumuso ako.
"Nasaan na po tayo? Nasa London na po tayo?!" Nanlalaking mata na tanong ko. Hindi ko inakalang ganito kaganda ang city dito! Narinig kong tumawa si Mama.
"Papunta na tayo sa bahay ng lola't lolo mo, East." Naka-ngiting wika ni Mama. Napalitan ng kaba ang saya ko. Paano kung ayaw niya sa'min? "Wag kang mag-alala. Magiging maayos 'to," Sambit ni Mama ng makita ang pag-aalinlangan sa mukha ko. Biglang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking gate. Bumukas ang gate at pumasok ang sasakyan sa napakahabang daan kung saan makikita ang malaking bahay sa 'di kalayuan. Oh, scratch that. I think this is a castle! Umikot ang sasakyan sa malaking fountain bago huminto sa front door ng castle. Pinagbuksan kami ng pinto ng chauffeur at tinulungan kaming magbaba ng mga bagahe. May mataas pang hagdanan bago mo marating ang pintuan ng kastilo. I felt like a lost princess the moment I stepped into the stairs.
"Is this their house?" Mahinang bulong ko. Tinignan ko si Papa at sinuklian lang niya ako ng ngiti. Binuksan ng isa pang chauffer ang pinto. At sa pagbukas niya nito, naramdaman ko na ang mga pagbabago sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
RomanceI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...