"You in?" Napatingin ako sa kanya habang hawak ang labi gamit ang daliri niya. Dinala kami ni Luther sa Malolos kung saan may isang lugar na dikit dikit ang mga clubs at bars.
"Asan ba tayo?" Nauna na kasi si Simon at Maggie sa isang bar pero nakaupo lang sila sa labas. May sinasabi si Simon sa kanya pero si Maggie ay hawak hawak lang ang cellphone niya. Kakainis! Ako itong nagkakandarapa na pansinin ni Simon pero siya binabalewala lang niya.
"Anong lugar 'to?" Tanong ko habang nililibot ang mga mata. Natuwa pa nga ako sa mga nagtitilian sa dulo kung saan may bubble party.
"We're in Cavanas.." salita ni Luther. Ngumingisi pa nga si Luther sa mga babaeng napapatingin sa kanya. Grabe! Talagang dress to kill ang peg dito? Naka short shorts lang kasi ako at tank top na pinatungan ko ng blazer.
Tumango ako. Maganda ang Cavanas.. para siyang isang party district na buhay na buhay sa gabi.
"You in?" Bigla akong inakbayan ni Luther. Kumunot ang noo ko at hinarap siya dahil nagtataka ako sa sinasabi niya. "Anong in?" Tanong ko. Napabuga siya sa hangin na para bang nairita sa sinabi ko.
"The flirt night. Ano? Game ka?" Tinaasan niya ako ng kilay. Tumaas din ang kilay ko. Seryoso pala talaga siya sa flirt night na 'yan! Akala ko kasi kanina ay binibiro niya lang ako. Tanungin ko ba naman kung ano ang mapapala ko sagutin ba naman ako ng siya. Ang adik lang diba? Ano naman ang gagawin ko sa kanya?
"Kung ikaw lang ang mapapala ko, No! Thank you.." tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Alam mo bang maswerte ka kapag ako nakuha mo?" Ngumuso si Luther kaya napailing ako.
"Alam mo bang mamalasin ka kapag nagkatuluyan tayo?" Sagot ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko ang nasabi ko. Did I just say magkatuluyan?
"So, gusto mo pala na magkaroon ng tayo?" Naglaro ang maharot na ngiti sa labi ni Luther kaya umiwas ako ng tingin. "Pwede ba, wag mo akong landiin?" Nagmartsa ako at nagpatiuna na maglakad. Tumawa ng malakas si Luther na tila ba walang pakialam sa mga taong nakatigin sa kanya. Kumakalabog na naman kasi ang puso ko. Bwiset! Diba lahat naman ng rules may exemption? Hindi ba ako kasali 'don?
Hindi ako dapat maniwala kay Luther. Wake up, Sasha! Kapag nahulog ka kay Luther ay mawawasak ka lang.. hindi si Luther ang tamang lalaki para mahulog ako. At naiinis ako dahil kahit alam kong normal lang siya eh naghuhurumentado ako.
Pumasok kami sa isang bar. Bumungad ang hiyawan dahil sa ingay ng kanta ng banda sa gitna. Yumugyog bahagya si Luther sabay abot ng alak sa dumaan na waiter..
"Game?" Gumilid ako sa bar at kumuha ng Margarita. Lumagok muna ako bago tumango sa kanya. Eto na ito eh.. kailangan kong malibang ang sarili ko at ibalik sa dati. Kailangan kong patulan si Luther para hindi ako masyadong mahulog.
Ngumisi si Luther.. "Nice.." sabay kaming napatingin sa grupo ng mga kababaihan sa gilid na nagtilian. Namataan ko ang isang mahinhin na babae sa grupo. Yung tipo ng babae na iyon ang hindi madaling ma-landi. She looks like a modern Maria Clara, thou.
"See that girl?" Nginuso ko kay Luther ang babaeng tahimik lang sa grupo na nagtilian."ahuh, what about her?" Lumagok ulit ng alak si Luther.
"Take her to the dance floor and kiss her.." salita ko. Alam na alam ko ang tipo ng ganoong babae.. Luther might lose the first round because of her.
Tumawa siya ng bahagya.."No sweat.." mayabang na sabi niya. Bahagya akong kinabahan. Hindi ko pa din hawak ang utak ng babae na iyon. First impression ko lang naman na hindi niya papatulan si Luther. Pero, Luther is professional doing things unprofessionally. Alam na alam niya kung paano kumuha ng babae ng walang hirap. Sabagay, sino ba naman ang hindi makukuha ni Luther! Greek God is flirting you, aarte ka pa ba? Magmamaganda ka?
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
Fiksi Umum(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..