Kahit Saan

6 2 0
                                    

Kahit saan ako pumunta,

Mga kinaiinisan ko aking nakikita.

Pilit ko man silang iwasan,

Tila hindi nila ako tatantanan.

Kahit pilit ko dedmahin mga salita nila at magtago,

Panlalait nila'y hindi magbabago.

Hindi man harapan ang pagsabi,

Galing pa rin sa kanilang mga labi.

Kahit saan may kontrabida,

Sa totoong buhay man o sa pelikula.

Sila ay mapagpanggap at mapanlait,

Pero para sa iba, sila ay mabait.

Kahit saan sinisiraan ako,

Dinudumihan ang pagkatao ko.

Kung sa panlalait sila masaya,

Tila hindi ito mawawala.

#StrongWordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon