Ohai. Ako nga pala si Rona May. (Maingay, Magulo, Mabilis magsawa sa mga bagay, Andrienne at incoming 3rd yr.)
Alam naman natin na may mga tao talagang mabilis magsawa. May mga taong mabilis umayaw. Minsan pag naiinlove ka, iintindihin mo na lang yung mararamdaman mo. Di mo alam may nasasaktan ka na. Importante lang sayo ay "MASAYA" ka. Sa panahon ngayon di ko alam kung nauuso pa ba ang "PAGMAMAHALAN" ". Oo. uso pa nga pero sa mga taong masweswerte lang, yung tipong alam na talaga na nila yung taong masasabi nilang "AKIN LANG". Pero katulad ko na nagsisimula palang sa salitang "SERIOUS RELATIONSHIP" . Di mo masasabi "AKIN LANG" yung taong nasa sayo na ngayon. Patikim lang yan, mawawala rin.
Based on my experience.
Iniwan na rin ako ng taong akala ko "SAKIN LANG" akala ko "AKO LANG". Yun pala madami kami. Di ko alam kung ano mali sakin, di ko alam kung bakit may mga lalaki na "paasa". Masyado kasing malambot ang puso ng mga babae kaya di magawang manakit ng lalaki pero kung pwede nga lang manakit ng lalaki gagawin ko. KAYA KO pero AYAW KO. Pero sabi nga nila pag ang babae naghiganti, may possiblity na di niya magawa yung misyon nyang manakit ng lalaki, kasi imbis na saktan nya baka mainlove lang sya at masaktan uli. Pero pag ang lalaki naghiganti, sobra sobra. Lahat gagawin nya makabawi lang.
Wag na lang natin banggitin yung name nya. HAHAHA secret na muna. Pero siguro sa mga nagbabasa neto, kilala nyo na. HAHA. Ayun, akala ko siya na yung perfect guy for me. Perfect kasi siya e. Nasa kanya na lahat ng gusto ko sa lalaki. (Mabait, May pagkamaangas, Makulit, Sweet at the same time, Sobrang maalaga, Gwapo daw sabi ng iba, Matalino, Sporty, May katangkaran ng konti) Pero lahat ng yan, pakitang tao lang. Sa unang nagkakilala kami. Di pa namin kilala isa't isa. Pero ang first impression ko saknya (Plaaway, Tambay or what basta lahat negative) Pero nung nakilala ko na siya. Na fall ako kasi nakilala ko siya ng mas higit pa sa inaakala ko. Nung una "isnob" lang e. Crush ko kasi siya nung una, pero di ko akalain mafafall ako sakanya. Marami na kong nasasagap na positive about him. So sino ba naman kasing di maiinlove sa taong puro positive ang characteristics? :"> meheh.
Marami na kaming pinagsamahan, marami na kaming memories sa iba't ibang lugar. Akala ko kilala ko na siya. Kasi halos 4 months kami naging magMU. Most badly. Marami na kong nasasagap na bad things about him nung tumagal. Secret na yung mga nega traits pero malala yung mga traits nya na yun. Ayaw kong maniwala. I asked him about that issue pero dinedeny nya. Naging sobrang tanga ko. I trust him. Sa sobrang trust ko, ginagago na pala nya ko. So syempre kaMU ko siya. Sinasabi ko na lang sa sarili ko na "Mahal ko siya, ako nakakakilala sakanya hindi sila, may tiwala ako saknya alam kong di siya ganun'" akala ko alam ko na lahat about saknya. Nagkamali ako. That time, i was thinking about that isuue na day and night, everyday. Okay, patuloy akong naniniwala saknya. Ako si tanga e. Aminado na ko.
Nung nakakaramdam nako ng kaibahan sakanya. Siguro dahil alam nyang nalaman ko na tunay nyang kulay. Unti unti na syang nagiiba. Hanggang sa dumating yung araw na wala na. Iniwan nya na ko sa ere. I was so dramatic that time kasi di ko pa alam irereact ko. I still love him and I don't wanna lose him. Pero atleast nandyan pa mga kaibigan ko. They make me feel happy. Sila yung nagpalakas ng loob ko na kaya ko pala ng wala sya. That time nagbago talaga tingin ko sa mga lalaki, nagiba sobra. Everytime na may nageentertain saking lalaki, i feel so embarrassed, naiilang nako. Prang feeling ko lahat sila manlalandi lang tas pagnainlove na sakanila. Pgsasawaan na, pag nagsawa na iiwanan na. BOY CYCLE. :)
Sa mga nagbabasa neto.
Sa may lovelife: Habang maaga pa, alamin nyo na kung may iba ba yang mahal nyo. Bago nyo sagutin, kilalanin nyo muna para di kayo magsisi sa huli. Wag masyadong paattached sa isa't isa dahil pag iniwan kayo nyan di nyo na alam kung san nyo ilulugar yung sarili nyo. Wag na wag nyong iiwan ang mga kaibigan mo para sa lalaki. Ddating ang araw mga kaibigan mo lang ang matatakbuhan mo kapag sinaktan ka ng taong mahal mo lalo na pag di kayo legal.
Sa mga single: Wag na kayo maghanap ng lovelife, magpakasaya na lang kayo kasi swerte nyo. Wala kayong problema. Wala kayong iniiyakan, wala kayong iniisip. PAKASAYA KAYO. :)
-