Isa sa mga hindi ko makakalimutan ay..Yung mga panahong masaya pa tayo.
Tayo.
Dyan nagsimula ang lahat.
Kakalipat lang namin ng bahay. Naalala ko pa noon. Summer at sobrang naiinip ako sa bagong bahay namin. Kaya naman naisipan kong lumabas at maglibang libang. Mahilig kasi ako magbasketball. Oo, babae ako. Pero ewan, hilig ko lang talaga maglaro nun 'eh.
Pumunta ako sa may park. Naglaro ako nang naglaro hanggang sa mag- pawisin. Napagod ako at hinagis ko ang bola na kung saan man. Naupo ako sa may swing. Tumingin ako sa langit at pumikit.
"Hayyyy, ang sarap ng hangin" Nakangiti kong sabi habang nakapikit pa'rin. Pumadyak ako and I swing by myself.
Nagulat ako ng may tumapik sa braso ko."Hi! Sayo ba'tong sbaiozooajwz" Hindi kita maintindihan dahil patuloy parin ako pag sw-swing.
"Ehem, uhm? Miss?"
"Yes?" Pagkamulat at pagkamulat ko, nagulat ako nang nasa harap kita at saktong napadyak dahil sa pagsw-swing.
"Ahhh!!!" Nanlaki ang mga mata ko at tumalon. Napapikit ako. Naramdaman ko ang pagtalbog ng pwet ko at pagtalbog ng buong katawan ko. Imbis na matigas ang madaganan ko,
Halos mawalan ako ng kaluluwa nang naramdaman ko ang hindi ko naman dapat maramdaman.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Sumalubong ng mga mata ko ang mga asul at magagandang mata. Napakurap kurap ako. Doon ko lang nalaman na nakadagan pala ako sa'yo. Na nasabihan ko ng 'lalaking mukhang ewan'
Tsaka ko narealize...
"AAAAAAAHHHHHHH!!!!" Hindi na'ko nagdalawang isip na tumayo. Shems talaga, shems!
"Huy, ano bang sinisigaw sigaw mo dyan?" Tumayo ka na rin. Tumingin ako sa'yo at sinamaan kita ng tingin.
"IKAW!" Turo ko sa'yo. Lumingon lingon ka sa paligid na parang nagbabakasakaling may ibang tao pero napansin mong ikaw ang tinuturo ko at tayo lang dalawa ang tao
"A-ako?" Turo mo sa sarili mo.
"OO! IKAW! YOU PERVERT! NAPAKAMANYAK MO!"
"Oy, bakit ako?"
"Kasi ikaw! Waahh! Napakamanyak mo!" Akma ko na sana kitang susugurin pero pinigilan mo'ko.
"Teka lang ha? Ano bang ginawa ko?" Taka mong tanong na parang hindi mo talaga alam ang nangyari. Leche!
"Ikaw! Ikaw lang naman ang sumira sa virginity ko!" Niyakap ko ang sarili ko.
"Wait, did I raped you?"
"Hindi! Pero ang ang... urgh!"
"Ang ano?"
"Wah! Bwiset! Eto hinawakan mo! Leche ka!!" Turo ko sa dibdib ko at naiinis. Natulala ka sa'kin.
"Oh anong tinitingin tingin mo dyan?! Hindi ka man lang ba magsosorry? Ha? Ha?!" Hindi ka nagsalita. Naglakad ka palapit sa'kin. "T-teka, wag kang lalapit!" Umatras ako at ikaw naman 'tong palapit na nag palapit. "Sabin ng wag kang lumapit e!" Niyakap ko ang sarili ko. One thing I knew, wala na pala akong maaatrasan. Nilapit mo ang mukha mo sa'kin. Itinaas mo ang kamao mong parang anytime masusuntok na'ko. Pumikit na lmang ako.
YOU ARE READING
Exception
Short Story"maybe we're just meant to meet, not to be." - Krystal. by: beautifulnighthinker inspired by: ma'm khaye 03.03.17