Alexa's POV
"Alexa! gumising ka na." sigaw ni tita
"Bababa na po ako tita saglit lang." sagot ko naman kay tita.
Calling Bes...
"Good morning! napatawag ka?" sagot ni Troy.
"Sabay tayo pumasok mamaya. Sunduin mo ako dito sa bahay." sagot ko
"Okay just wait for me." sagot naman niya.
"Thank you bes! See you later." sagot ko naman sa kanya.
" Sige, Bes." sagot naman niya sakin.
Sobrang close namin sa isa't isa. Halos di na kami mapaghiwalay. Kahit na may pagkamakulit at mapang-asar siya minsan, di ako nagsasawang batukan siya! Bigla na lang siyang sisimangot at gagantihan ako ng kurot sa pisngi halos mamula na kakapisil niya.
Pababa na ako galing kuwarto at nagdiretso na sa dining room para kumain ng almusal.
"Good morning tita!" agad na bati ko.
"Good morning din, kumain ka na dahil nauna ng kumain si France." sagot naman sakin ni Tita Jheng.
"Ang aga naman nagising ni France. Eh si Pao po?" Tanong ko naman kay tita.
" Panghapon siya kaya tulog pa." Sagot naman sakin ni Tita habang hinahanda yung almusal ko.
" Siya nga pala Tita, Sa weekend aalis po ako pupunta po ako ng Batangas kasi po may reunion po kami."
" Ah sige. Kelan ba ang balik mo ulit dito?" sagot naman niya sa akin.
" Bale sa Friday po ako aalis then sa monday ng madaling araw po ang uwi ko." sagot ko. " Sige po tita, aakyat na po ako para maligo." dagdag ko.
SA KUWARTO AT CR
Agad na siyang pumasok at naligo.
(Singing Blank Space by: Taylor Swift)
Natapos na akong maligo at hinanda ko na yung mga gamit at uniform ko.
Natapos na akong magbihis at agad na bumaba dahil baka nandiyan na si Troy dahil nga sabay sabay kami papasok ngayon.
SA SALA
"Good morning po tita." sabay blessed kay Tita Jheng.
"Good morning din hijo. God bless." sagot sa kanya ni tita. "Sabay sabay ba kayo papasok ngayon?" tanong ni tita kay Troy.
"Ah opo sabay sabay po kami papasok ngayon nila Alexa."
Pababa na si Alexa.
" Nalate ba ako ng baba?" tanong ko sa kanila.
"Sakto lang yung dating mo bes." agad na sagot sakin ni Troy.
" So tara na?"
" Tara. Naghihintay na si France sa kotse."
"Mag-iingat kayo." paalala samin ni tita.
Agad na kaming pumunta ng kotse para umalis at baka mahuli kami dahil may flag ceremony.
YOU ARE READING
Lucky to meet you
Teen Fiction"Study first, before love." yan ang motto ni Alexa sa buhay niya. Isang matalinong Nerd na may lihim na pagtingin sa kaibigan ng best friend niyang si Troy ngunit si Troy, ang best friend niya ay may lihim na pagtingin sa kanya. Ngunit walang gusto...