Mo’s POV
June 29--- Monday
Walang pasok ngayon ang buong Cagayan kasi ngayon na talaga yung araw ng Aggao Nak Cagayan. Hindi ako lumabas. Sa loob lang talaga ako ng bahay. Dumating si ate sa bahay nung hapon. Sabi niya lalabas daw siya ngayon. pupunta daw siya sa Grandstand at manonood ng Fireworks. Kahit hindi niya ako niyaya, sumama parin ako sa kanya. Gabi na nung makarating kami sa Grandstand.
Nakasama namin sila Ate Mean at Ate Nicka. Mga highshool barkadas ni ate. since 1st year highshool magkakasama na sila at magkakaklase. Kung kung demoted ang isa, sila nang tatlo ang magkakasama. Ganun din kung promoted. Pero wala akong natatandaang promoted nga sila. Puro demoted ata! Idol ko rin ang samahan nila eh. Kahit mga college na, wala paring iwanan. Ang tindi parin ng samahan. Sobrang close parin. Mga tarantado kasi sila! Magsama-sama ba namang ang pilosopo, lesbian na maputi at maganda at isang tatanga-tanga eh!
Napunta kami sa isang table na may upuan. Tapos nag-order sila ate Nicka ng San Miguel Beer. Tinanong nila sakin kung gusto ko daw mag-order. Tumingin muna ako kay ate. sabay sabing “OO!”
Kami lang tatlo nila Ate Meann at Nicka ang uminom ng beer. Si Ate, nag- coke lang. bawal daw. ayaw daw kasi ng boyfriend niya, Si Kuya Rodz na uminom si ate. kainis! KJ lang! matapos maubos yung beer, nagstay kami sa field. Mejo tamado na nga ako dahil dun sa ininom ko. ganun ako kabilis tamaan! Bumili muna kami ng makakain. Nagboluntaryo pa akong bumili ng Chicharabao na Hot and Spicy. Sa sobarng hilo ko na siguro kaya ako napalibre!
May naunang fireworks na pinapanuud sa audience kaso sobrang bitin at ang korni. Lahat tuloy ng tao sa field, dismayado at hindi natuwa. Nagperform din ang sikat na dance crew na Third Degree. At kasabay ng pagkatapos ng performance nila ang sabay-sabay na pagputok ng mga makukulay na fireworks sa di kalayuan. Takte! Sobrang ganda! Patikim lang pala yung pangit na fireworks display kanina. Eto na yung main event. Ang ganda talaga. Halos lahat ng tao, napapa-“WOW!” sa ganda ng display. Para kaming nasa Disney Land! Matapos ng matagal na display, nabitin pa kami. Pero, gabi na masyado kaya umuwi narin kami ni Ate.
Hang-Over kinabukasan! Aaaarrrrrgggghhhhh!!! @_@
Mica’s POV
Wednesday yun ng umaga. Wala kaming pasok ng umaga kasi halfday namin pag umaga at hapon lang kami may pasok. Sinabihan ko si Mo na pumunta dito sa Bahay dahil may pinapagawa samin si Sir Adviser at kami ang nautusan since President siya at Secretary naman ako. Hinintay ko siya sa bahay. Sinabihan ko narin sila Lola na may bisita akong darating ngayon. hindi naman ako matagal nag-antay kasi sumusunod parin sa usapang oras si Mo.
Dumating siya sa bahay na naka-maong shorts lang na above the knee. Shorts talaga! Tapos nakafitted green t-shirt siya na may kwelyo. Nagulat ako sa get-up niya dahil hindi ko aakalaing mag-susuot siya ng ganun in public. Napansin ko yung mga ibang borders namin nakatingin sa kanya. Particularly sa hita niya. Nakatambay lang kasi yung mga borders namin na puro lalaki pamandin sa labas ng bahay. Nagtotong-it sila dun. agad ko nang hinila si Mo paalis para hindi na siya pagpistahan pa ng mga borders namin.
Nagpunta kami sa isang computer shop na malapit lang sa CCT (UCV). Pinaencode namin yung pinapagawa samin ni Sir Adviser. Tapos nagpunta kami sa palengke para bumili ng mga materials para sa gagawin namin. Madaming mga malisosyo ang pasimpleng tumitingin kay Mo! Ang gaga naman kasi ng babaeng to eh! Magsuot ba naman kasi ng ganun!
Pabalik na kami sa bahay nang may group of boys na nakatingin kay Mo. Nasa likod ko lang kasi si Mo. Mas nauna kasi akong naglakad sa kanya. Halatadong kay Mo sila nakatingin. Pinapansin ko lang yung mga tingin nila then may narinig akong parang nahulog or natumbang something sa likod ko. hindi ko yun pinansin. Tapos the guys in the other side are laughing at something. Yung mga mata nila sa likod nakatingin. Sino ba ang nasa likod ko? si Mo diba?!
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Teenfikceeto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.