Chapter 41

1.5K 33 1
                                    


Mike Pov!

Pinirmahan ko ang panibagong kontrata ng isang clothing line ng THE GOOD WILL COMPANY. Dito nagtatrabaho si Lory at sa araw.araw na iniisip ko siya na pumapasok dun mas lalo akong nag.aalala dahil paano kaya siya pumapasok na gamit ang elevator kasi ilang beses na rin akong pabalik.balik sa kompanyang yun kaya alam ko na walang ibang daan pababa o pataas kundi ang elevator pwera sa fire exit na minsang ginamit ko ng may mga press na nakapasaok sa building na yun.

"Sir tapos na po ba kayo?" napukaw ang atensiyon ko at binigay na ang kontrata sa tauhan ng kompanya at sa makalawa na ang photo shoot ko.

"Ayos lang po ba kayo sir?"

"Oo. Mauna na ako." tumayo na ako at iniwan na sila ng manager ko na mag.usap. May gusto akong puntahan ngayon.

**********

"Sir I.d po?"

Pinakita ko sa kanya ang i.d ko at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Thank you."

Kilala nila ako dito at pabalik.balik na rin ako sa company na ito dahil sa isa akong modelo ng company nito Hindi nga lang ngayon dahil wala along balak na magpakilala sana kahit kanino dito pero sa guard pa lang kailnagan ko ng gawin. Unang beses ko pa lang kasing pumunta dito na parang investors dahil sa shot ko at iniba ko rin ang pagkakaayos ng buhok ko at sinabayan ko na rin ng shades para hindi talaga ako makilala.

Tumuloy na ako sa loob at palinga.linga at umaasa na sana makasalubog ko siya. Gusto ko sanang icheck kung okay siya matapos ang ginawa ko sa kanya na hindi ko naman talaga gusto.

Malaya akong nakakapaglibot sa loob ng walang sumisigaw ng pangalan ko at nag.aabang para humingi ng pirma ko o kaya mag.ambush interview dahil walang nakakakilala sakin ngayon at sinadya ko talaga ito na magdisguise.

Ilang minuto pa may nahagip ang mata ko, ang taong gusto kong makita papalapit sakin pero umiwas ako sa pag.aakalang makikilala niya ako at balak ko sanang bumalik na lang at lumabas pero may nkabangga ako.

"Pasensiya na pare."

Sabi ng lalaki na nakabangga ko pero pag.angat ko ng ulo...Siya yong sumingit samin ni Lory ng gabing sinaktan ko ulit siya at hindi siya sakin nakatingin ngayon kundi kay Lory na halatang may pinoproblema ayon sa awra ng mukha niya. Kilalang.kilala ko siya.

Naglakad palapit samin si Lory pero sa lalaking nakabangga ko siya lumapit.

Hindi ba dapat sakin siya lumapit? Nakakuyom ako ng kamao dahil sa ginawa niya.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Yung kaibigan mo! Hmf!"

"Don't worry I will talk to him babe." kinindatan pa niya si Lory. Hindi man lang siya nagreact na tinawag siyang babe na parang sanay na siyang tawagin siya ng lalaking to ng ganon? Para akong sinaksak ng sagad sa buto pero wala na akong karapatang magalit at dahil ako mismo ang pumutol sa karapatan na yun. "Let's go?"

"Buti pa nga."

"Eheem!" tumikhim ako para naman mapansin nila ako at hindi naman ako nabigo dahil tumingin sila sakin.

"Pasensiya na pare kanina. Una na kami." tumalikod na sila sakin.

"Teka lang." tiningnan kaagad nila ako at si Lory nag.iba ang itsura ng mukha siguro nakikilala niya ang boses ko habang yung lalake naman naghihintay ng sasabihin ko.

"Bakit?"

"Layuan mo ang babaeng mahal ko!"

"Ako ba ang kinakausap mo?"

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon