ASHA POV
Mula nang ihatid ako ni Ace galing kaming Baguio kay di na kami nagkita pa dahil naging abala na rin ako sa nalalapit na fashion show na gaganapin.
First time ko sa ganito kaya pinaghandaan ko talaga hindi dahil sa ayokong mapahiya kundi gusto kong may mapatunayan sa sarili ko na kaya ko nang gawin ang mga bagay na di ko pa nagagawa dati.Hindi ko rin sya nakikita pag nasa studio kami,rinig ko sa mga kasamahan ko ay may inaasikaso daw ito sa mga negosyo nila dahil dito na raw ito mananatili nang bansa.
Pati si Yassi bihira ko nalang makasama,kadalasan sa bahay nalang din kami magpang-abot, di lang busy ito sa negosyo kundi sinusulit din nila nang fiancee ang pagkakataon habang andito pa ito sa bansa.Andito kami ngayon sa venue kung saan gaganapin ang fashion show para magrehearse sa kung ano ang dapat naming gawin.
May parang production number din kaming gagawin ng mga kasamahan ko. Medyo kinakabahan pa ako dahil hindi ako marunong sumayaw.. Lalo na nung nalaman kung summer ang tema nang naturang event.Syempre pag summer ang pinag-uusapan di makakaligtas ang swim wear na maari naming suotin.
Isa daw ito sa mga collection ni Yassi para mailunch na daw sa market.
Malapit na din kasing magsummer.Pagkatapos ng rehearsal namin ay umuwi ako nang bahay,wala din naman akong pupuntahan.Kesa maggagala eh uuwi nalang ako ng bahay para tumulong sa mga gawaing bahay.
Paglabas ko nang taxing sinasakyan ko,nakita kong may kotseng nakaparada sa labas nang bahay,bisita siguro ni Yassi oh di kaya yung fiancee nya.
Pagpasok ko sa loob,wala namang tao pero baka nasa likod bahay siguro o di kaya nasa opisina ni Yassi.
Dumiritso nalang ako sa kwarto ko,naligo muna ako at nagbihis ng pambahay.
Tutulong nalang ako kay Manang maghanda nang hapunan.Papasok pa lang ako sa kusina nang may naamoy akong mabango at mukhang masarap na niluluto.
Naisip ko na baka nagsimula na sigurong magluto si Manang."Manang mukhang masarap yang niluluto nyo po ah"
sabi ko habang papasok pa lang ng kusina."Hi Asha"
Nagulat ako sa bati nang kung sino ang nagluluto sa kusina.
Akala ko si Manang ...hindi pala kundi isang nilalang na ubod nang gwapo sa suot nyang apron.
Natulala pa ako sa kanya.. Agad naman akong natauhan sa sarili nang naisip kong hindi tama ang ginagawa ko at nang nagsalita sya.Pero Hindi ako makapaniwala na makita sya dito ngayon. Siguro dinadalaw nya si Yassi."Baka natunaw ako"
Untag nya sakin sabay ngiti. Mukhang ako ata ang matutunaw sa ngiti nya. Pero inayos ko ang sarili ko sa harap nya.
Medyo nahiya naman ako sa kanya,yumuko nalang ako dahil uminit yung mukha ko..siguro nagmukha na akong kamatis."You look cute when you're blushing"
Mas lalo ata akong namula sa sinabi nya.
Iniwas ko nalang ang tingin ko sa tingin at lumapit nalang ako sa ref para uminom nang malamig na tubig baka sakaling malamigan ang nag-iinit kong pisngi."Mukhang hindi ka naman uhaw no.?"
Biglang sabi nya at muntik pa akong masamid.
"Hindi naman..bat mo naman natanong?"
Patay malisya kong sagot sa kanya."Ah hindi ba? Akala ko Uhaw-uhaw ka,malapit mo na kasing maubos ang isang pitsel na tubig"
Nakangiti pang sabi nya habang patuloy na nagluluto.Tiningnan ko ang pitsel na hawak ko at nanlaki ang mata ko dahil kaunti nalang ang ang tubig tsaka ngayon ko lang napansin wala akong gamit na baso,ibig sabihin tinungga ko yung pitsel.
May god ano bang nangyayari sakin? Binalik ko nalang ang pitsel at nagpasyang lumabas na nang kusina baka ano pa ang magawa ko..
Natataranta at hindi kasi ako sa komportable sa presensya nya. Mukhang na-loading na ang utak ko. Hirap iprocess. My god! Ganito na ba ang epekto ko sa kanya ngayon?
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
General FictionLife can either bring out the best in you or can completely drain out your will to live.