23 - The Gentle and the Brat

7K 358 57
                                    

Glaiza

On the way kami ni Bianca ngayon sa Subic para manood ng event ni Rhian. May tournament sila at ngayon ang pinaka pinal nila.

"Excited to see your girlfriend hit the road G?" basag ni Bianca sa katahimikan. Napangiti lang ako.

"Hindi ba delikado ang napili niyang libangan?" tanong sagot ko.

"Hindi naman G. When you get there makikita mo na it's all Mini Cooper...para lang silang mga batang naglalaro." nakangiting sagot ni Bianca. Napatango lang ako "So how's the shoot going?"

"Ayos naman, walang masyadong aberya. Magaling si Sanya at mga ibang kasama ko sa pelikula."

"That's good to know." saglit niyang tingin sa akin bago binaling muli ang tingin sa daan, siya ang nagmamaneho. "Did you finish the sensitive scenes yet?" dugtong niya at parang naginit bigla ang pisngi ko sa hiya.

"Ahm, hindi pa. Sabi ni Direk maganda daw magkapalagayan muna kami ng loob ni Sanya para hindi kami mailang." may hiya kong sagot.

"Alam mo G, hanggang ngayon iniisip ko paano ka nasungkit ni Best. Super opposite kayo eh." sabi niya sabay tawa. "Sorry G, pero alam mo ngayon lang ata naging sobrang selosa ni Rhi, eh. Buti na lang ang haba ng pasensiya mo. Hindi ka ba niya pinupuntahan sa set?" tanong niyang umiiling pa.

"Hindi naman, kasi wala daw siyang dahilan pag nakita siya ng mga tao sa set. Kahit magkakilala na sila ni Sanya, hindi daw sapat yon. Pero madalas pag uwi ko tahimik siya kaya nilalambing ko na lang." paliwanag ko.

"I know she trust you, G. Kaya she just let things be kahit selos na selos na siya at umuusok ng ilong niya sa selos." muling tawa niya.

"At ayaw kong sirain ang tiwala niya sa akin, B."

"I know, G. I know." Sandaling katahimikan. "By the way, how's Anna?" tanong niya sa serysong tono.

"Nasa set namin lagi, pero nakakatuwa nga eh, para ko lang nakikita ang anino ni Rhi kay Sanya. Hindi ako iniiwan lalo na pag nasa paligid si Anna." Nakangiti kong sabi.

"Wow, mukhang may bagong BFF si B..." sabi niyang umiling iling. "I guess Sanya is just acting the way she would kung sakaling siya ang nasa sitwasyon at makita niyang nasa paligid lang ang ex ng boyfriend niya."

"Mukhang ganon na nga." ngiti kong pag sang ayon. "At ayos lang sa akin, dahil ayaw ko ding maiwan akong mag isang kausap si Anna, maliban na lang pag may eksena siyang hindi ako kasama. Ganon pa man andon lang ako sa paligid nanonood. Tsaka mukhang nabilinan na rin ata niya yong PA niya dahil hindi ako iniiwang mag isa, laging tinatanong kung anong kailangan ko at nakikipag kwentuhan tuwing may eksena si Sanya." kwento ko na nagpatawa lalo kay Bianca.

"Magaling talaga manligaw si Best pati PA ata ni Sanya nililigawan niya." Sabi niyang hindi mapigilan ang sarili sa tuwa sa mga nalalaman niya. Hindi na lang ako nakaimik. Ilang minuto pa ang nakalipas ng magring ang phone
ko.

"Hello Mk?" sagot ko.

"Where are you guys na, Love? We're about to start na." bungad ni Rhi sa kabilang linya.

"We'll be there in a few B! Malapit na kami! Miss mo na agad girlfriend mo?!" sigaw sagot ni Bianca na parang alam na niya ang sinabi ni Rhi kaya napalingon ako sa kanya at natawa.

"Tell B I hate her." sagot ni Rhi at muli hindi ako nakaimik.

"Mk naman." awat ko.

"Tell her or sa'yo ako magaaglit." balik niya kaya napatingin ako kay Bianca at napalingon naman siya sa akin.

"What, G? She said she hates me?" at nakita ni Bianca ang gulat sa mga mata ko."Hahaha I knew it! Tell her I love her so much kahit na mas mahal ka pa niya!" balik ni Bianca. Hindi na ako nakaimik.

Thirty Days To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon