'I'm courting her...'
'I'm courting her...'
'I'm courting her...'
Paulit ulit na para bang sirang plaka na, 'I'm courting her...' tangina. Bakit kailangan nya pang sabihin sa akin yun? Bakit kailangan nya pang ipamukha sa akin na nililigawan nya si Irish? Bakit kailangan sabihin nya pa sa akin? I get it. Kaibigan nya ako kaya kailangan malaman ko, pero alam naman nyang may nakaraan kami kaya sana naman maging sensitive sya sa pag-kakataon na yun. Pero bakit kailangan sabihin? Para humingi ng permiso sa akin? O para ipamukha na sobrang laki ng sinayang ko? Pero bakit ako nagkakaganito? Bakit ako nagagalit at naiinis?
"U-uy! Totoo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Terrence, just like me malamang magugulat sya. Minsan lang manligaw si Jacob, at kapag niligawan ka nito paniguradong magiging prinsesa ka sa paraan nya.
Dahan dahan naman syang ngumiti at tumango.
"Walang duba! Inlove si Jay!" Masayang sambit ni Claide habang nilalantakan ang pulutan sa harap nya. "Pero alam naman nating may nakaraan sila ni Fin diba?" Tumango tango naman si Jacob at tumingin sa akin. "You think it is okay to him?" dagdag pa ni Claide. Kung makapagsalita naman sila akala mo ay wala ako sa harapan nila.
"Maybe, yes?" Hindi siguradong sagot ni Jacob.
Napailing nalang ako, "It's okay to me, besides nakaraan ko nalang naman sya. Kaya ok—," nakita ko ang pag-kuyom ng mga kamay nya kaya napatigil ako. Ayaw nyang marinig na para bang pinag-laruan ko si Irish, "Kaya o-okay lang naman. I'm happy na may nililigawan ka na at mas masaya ako dahil si Irish iyon. Knowing Irish gagawin nya lahat para sayo."
Matapos kong sabihin iyon ay itinunga ko lahat ng laman ng baso ko.
-
Nagising nalang ako na hilong hilo. Ang sakit ng ulo ko para bang binibiyak ito.
Napatingin ako sa kwartong kinatutulugan ko. Hindi ito yung kwarto ko, but it seems familiar to me. Maybe kay Jacob at Claide sila lang naman ang mahilig sa vintage design.
Bago pa ulit sumakit ang ulo ko kakaisip kung nasan ako minabuti ko nalang mag-shower.
"Good morning." Bati sa akin ni Jacob ng makababa na ako. So kay Jacob ito?
"Good morning."
"Let's eat," sabi nito bago pumunta sa kusina ng condo nya. Sumunod nalang ako.
"Gooooooooood morning!"
Para bang nanigas ako sa kinakatayuan ko ng marinig ko ang boses na iyon... Lasing pa ba ako? O talagang nandito sya?
"Good morning Irish," masayang bati ni Jacob bago hinalikan ang noo nito. Bahagya naman akong umiling at umiwas ng tingin. "Ano yung niluto mo?" Malambing na tanong nito. Awsome, so ngayon kinalimutan na nyang may kasama sya at ako yun.
"I cooked uhm, some dish na magugustuhan mo. And guess what?" Tanong nito bago tumingin sa taas na parang iniisip kung ano nga ba ang niluto nya.
"Uh, let me guess. Is it sinigang at adobo?"
"Exactly! Hahaha!" Masayang sambit nito at tumawa. "Tara let's eat na! Malalate na tayo."
"Ehem," Tss, ano tatayo na lang ba ako dito at titignan isa isa ang mga langgang na mag-silapit sa kanila?
"Meron ka palang kasama—," napatigil sya ng makita nya ako. Malamang just like my reaction nagulat sya. "Uh, g-good morning," sambit nito bago umupo. "Why did not you tell me na kasama mo sya? Ang konti pa naman ng niluto ko..." bulong nito kay Jacob bago ngumuso na para bang naasar.
Tumawa nalang si Jacob bago pinisil pisil ang ilong nya. "Nah, it's okay. Marami na ito."
Napapailing nalang ako umupo at kumain ng maraming marami. Bahala sila. Magkulangan sana sila sa ulam at wag nang kumain.
Tahimik lang kaming kumakain at wala sino man ang nagtangkang bumasag nito. Bakit kanina ang daldal nila? E, bakit ngayon mistulang napipi naman sila?
"Uh, kamusta ka na?" Tanong ni Irish sa akin bago ngumiti. She seems okay... malamang three months na'ren naman ang nakakalipas kaya malamang nakalimutan na nya ako lalo na ngayon may Jacob na sya.
"Ah, I'm fine, how about you? Kamusta ang panliligaw sayo ni Jacob?" Para bang nagulat sya sa tanong ko, but after seconds she's smiling from ear to ear. Woah, she seems inlove isn't she?
"I'm okay," no doubt about that, mukha talaga syang masaya. "And about Jacob and I, we're not officialy into a relationship. Pahihirapan ko na muna sya bago ko sya sagutin." natatawang sambit nya at tumingin kay Jacob na may kumikislap na mga mata.
"Do it then, kahit na pahirapan mo pa ako. Ako pa'ren naman ang bagsak mo." sambit ni Jacob bago nya ito kinindatan.
And again she smiled...
"Uhm, how about you. Kamusta na kayo ni Jessa? I heared pagkatapos ng graduation na'tin ay magpapakasal na kayo?" Nakangiti nitong tanong. Bago pa man ako makasagot ay nagsalita na naman sya, At ako na mismo ang mag-a-apply biglang bridesmade!" Masaya nitong sambit tsaka ngumiti nang malapad.
Masasabi ko pa ba na nagsisinungaling lang si Jessa at sinabi nya lang ito para mag-selos ito?
"S-sure..."
Pero siguro nga tama na...
Matapos ang three months, nakalimutan na nya ako...