"Irish?"
Tumingin naman ito sa akin tsaka ngumiti.
"Uhm?"
"Can I sing for you?"
"Of course," nakangiti nitong turan.
Kinuha ko ang gitarang naka tago lang sa ilalim ng kama tsaka ako umupo sa harapan nya.
Tumingin muna ako sa kanya bago ako ngumiti ng matamis.
So you leave tomorrow
Just sleep the nightTumitingin ako sa kanya twing tinitipa ko ang strings ng gitara. Huli na ito, alam kong pagkatapos ng araw na ito. Ipagdadamot na sya sa akin ni Jacob.
I promise I will, make things right
I'll make you breakfast, the way you likeAalis na sya mamayang gabi. Gusto ko bago man lang sya umalis ay may memorya pa'ren kaming babalik balikan.
Before you leave tomorrow
Just let me tryGusto ko bago man lang sya umalis ay magawa ko yung mga sinabi ko sa kanya noon. Yung gigising sya ng umaga na nakahanda na ang lahat, yung umagahan nya, yung gatas, yung kakainin nya, yung makikita nya akong nagluluto sa kusina at yayakapin nang nakatalikod...
Before you leave tomorrow
Gusto ko bago sya umalis bukas...
Before you say goodbye
Gusto ko bago sya mag-paalam ng tuluyan..
Before you leave tomorrow
Gusto ko bago nya ako tuluyang iwan...
Before you leave
May masaya sya memoryang babalik balikan. At hindi kalilimutan.
Stay here and lay here right in my arms
Gusto ko ulit maramdaman na nasa bisig ko ulit sya, yung parang dati lang. Yung dating akin pa sya.
It's only a moment, before you're gone
Sandaling panahon lang ito... bago sya umalis.
And I, am keeping you warm
Just act like you love me, so I can go on
And act like you love me, so I can go onGusto ko ulit maramdaman ang pagmamahal nya sa akin na parang ako lang. Yung sa akin lang umiikot ang mundo nya, yung parang ako lang mahal nya. Pero kahit na anong gawin ko alam kong wala na. Alam kong hindi ko na ulit maibabalik pa yung dati.
And you'll be over this
Just one more night, so I can forgetIsang gabi, isang gabing hiningi ko sa kanya at kay Jacob isang gabi na makasama ko sya... bago ko tuluyang kalimutan kung ano man ang namagitan sa amin noon. At bago ko sya tuluyang pakawalan.
Nakangiti pa nyang pinigilan ang mga kamay ko sa pagtipa ng strings ng gitara na hawak ko. Kaya agad naman nangunot ang noo ko, dahil hindi pa naman ako tapos.
"Finlee, stop it there..." bagama't nakangiti ay alam kong naluluha na sya, "Please, ipagpatuloy mo nalang ang pag-kanta mo kapag tulog na ako. Ayaw kong marinig ang kantang yan. Alam ko nasasaktan ka habang kinakanta iyan, alam ko pinapatungkol mo sa akin yan."
"Finlee... please," sabi nya sabay tayo at umalis sa sofang inuupuan nya kanina.
Maybe she's right, mamaya ko nalang ipagpapatuloy ang kanta ko. Ayaw kong ibahin ito. Dahil dito ko nararamdaman ang kabuoan ng kanta. Yung pinaparating ng kantang... hindi ko nasabi sa kanya.