my journey to sexual awareness and to a certain degree, my journey to life as well...thanks...
HINDI ko alam kung anong impluwensya ang pwede kong sabihin sa mga pagbabagong naramdaman ko ukol sa di maipaliwanag na udyok ng laman. Pwede kong sisihin si Imelda Marcos dahil sinimulan niya ang Metro Manila International Film Festival at ang pagdagsa ng mga pelikulang nagpabilis ng tibok ng dibdib ko at nagpatindig sa isang bahagi ng katawan ko na animo'y sundalong sumasaludo sa harap ng watawat. Luko luko kasi ang kapitbahay ko na hindi marunong mang censor ng mga nakikinood sa kanilang betamax ( yeah betamax at hindi vhs at lalong hindi yung pinagbebentang barbekyung dugo sa kalasada). Sa kanila ko unang napanood yung Lady Chatterly's Lover na pinagbidahan ni Sylvia Krystel. Yup, tanda ko pa ang pangalan ng bidang babae pero matay ko mang isipin ni hindi ko maalala kahit unang letra nung pangalan nung bidang lalaki. Andyan pa si Celso Ad Castillo at yung pelikulang Virgin People na sinundan pa ng kung ano anong pelikulang pinoy na ganun din ang tema. Anak ng patola! Iba't ibang babae ang nakaniig ko nung bata pa ako (sa ilusyon ha?). Pepsi Paloma, Coca Nicolas, Sarsi Emanuelle at kung sino sino pa. Lahat sila ay ni-reyp ko sa pamamagitan ng malikot kong kaisipan at kamay na hindi mapigilan. Pero ang pinakagrabeng pagkagustong naramdaman ko ay kay Anna Marie Guttierez at sa pelikulang Scorpio Nights ni Peque Gallaga. Siyet! Ang dami kong naging anak sa labas nun na palagay ko ay naging tyanak o lamanlupa. Ang ilan sa kanila'y sumabit pa sa inidoro (sayang, sirkero sana!)
DI nagtagal at naging daring na ang ibang mga filmakers kuno. Sa unti unting paggising na makamundo kong kamalayan ay ang pagpasok ng ibang uring behikulong sekswal sa industriya ng pelikulang pinoy. Ang kauna unahan kong napanood (courtesy ng kunsintidor na si Manong Teddy at tropa niya) ay isang pelikula or more accurately, "penekula", starring Liezl Sumilang and Maureen Mauricio na sinamahan ni George Estregan at Gino Antonio. Boom! Nung matapos ang pelikula ay di ko na alam kung saan ako susuling ng takbo para maidaos ang pakiramdam ko'y bulkang sasabog na. Sa madaling sabi, nang gabing iyun, dumanak na naman ang binhi sa lupang tinubuan na siyang sanhi (malamang) ng pagdami lalo ng mga tiyanak sa bahaging yun ng Pilipinas.
Dun na nga nagsimula ang unti unting paglalakbay ng kalikutan ng aking imahinasyon. Marami ako na reyp na babae sa aking isipan. Iba't ibang pagkatao ang naging alter ego ko. Pinakapaborito ko sa mga alter ego ko e si George Estregan at Mark Joseph. Ilang babae ang dumaan sa aking mga palad at sinalanta ng aking pagkalalaki (sa imahinasyon ko). Amanda Amores, Didith Romero, Maureen Mauricio, Sarsi Emmanuelle, Myrna Castillo, Lampel Cojuangco, Liz Alindogan...at ang paborito ko sa lahat kahit hindi siya nagbida sa penekula genre...si Anna Marie Guttierez -- lahat sila dumaan sa aking kamay...lahat sila walang maipagmamalaki sa kin! Napapahalakhak ako sa king imahinasyon tuwing iisiping nakahandusay silang lahat sa aking paanan na napuputol lang tuwing babatukan ako ng tatay ko dahil nakalimutan ko na naman ang sinaing at nasunog na sa sarili kong mundo ng kalibugan. Tsk! Killjoy talaga ang tatay ko. Hindi lang ako nakapag igib nung isang araw eh sinturon na agad ang pantapat sa kin. Tapos sasabihin sa kin na pinapalo niya ako dahil tanda yun ng pagmamahal niya sa kin. Hmp. Balang araw, sabi ko sa sarili ko, ibabalik ko ang pagmamahal na naramdaman ko sa kanya. Hehehe.
E ano pa nga ba? Dahil na rin sa pagkamulat ko sa tawag ng laman, naging aware na ko sa mga babae sa paligid. Sa edad kong 15 anyos at taas na siyam na pulgada lampas ng limang talampakan, sa singkitin kong mata at pilyong ngiti, at sa tindig ko na parang tikling, obyus na pagpapatawa sa kapwa ang dapat kong inaatupag at hindi paghahanap ng paraan upang mairaos ang kalibugan. Hindi na rin naging madalas ang pakikipanood ko kina Manong Teddy at napagalitan ng kanyang ina dahil sa mga kabulastugang pinag gagawa. So ayun, patay ang delihensya! Entonses, gumawa ng paraan ang inyong lingkod, Berto is da neym, kalibugan is my geym!
So paano kamo? Well, nadiscover ko sa sarili ko na may pagkaobservant ako sa patterns o usual na galaw ng tao. Natatandaan ko ang mga oras ng aktibidades nila. Parang spongha ang utak ko na natatandaan ang mga oras at galaw ng partikular na tao mapa babae o mapalalaki. Anong kahalagahan nito sa umusbong kong kalibugan kamo? Well, since wala namang babae na basta titihaya sayo at bubukaka nung panahong yun; bukod pa nga na nasa probinsya kami, hindi pa ganun ka liberal ang mga tao. So paano idaraos ang animo lagi nang nag iinit na tubo ? Simple. OPLAN BOSO! hahahaha. Aray ko! Nabatukan na naman ako ng tatay ko dahil tumatawa akong mag isa. Hmp. Balang araw, tatay...hehehe.