3

70 3 3
                                    

Lei

Oo nga pak na pak!
Kaso

Kaso

Kaso

Nahihiya ako.

"Hoy, sino tinitignan mo ha?" Tanong ni Lani at sinundan ang tinitignan ko.
"Uy ikaw ha, type mo?"
"Hindi ah, loka!" Sagot ko. Hindi naman talaga pero perfect siya dun sa #2, #3 & #4. Ewan ko may gut feeling ako na siya yung perfect guy para dun.

Now or never mamamatay naman na ako eh.

"Hoy san ka?!" Tawag sa akin ni Lani pero di ko nilingon.

Impulsive na kung impulsive woooh

"Hi." Bati ko dun sa guy.

Seb

"Hi." Bati sa akin ng isang babaeng sa tingin ko ay 4'11 ang tangkad. Maputi ito at nakasalamin ng itim na frame. Nakasuot siya ng simpleng tshirt na puti at pantalon na maong. Puti ang sapatos niya. Mahaba rin ang brown na buhok niya na pero hindi ito straight.

"H-hi" tipid kong sagot. Di talaga ako malapit sa mga babae kaya medyo naiilang ako sa presensya niya.

Lumawak ang ngiti niya at para itong nakakaloko.

Masyadong mabilis ang pangyayare at naramdaman ko na lang na nakalapat na ang labi niya sa sarili kong labi. Nanlaki ang mata ko sa gulat at nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nang humiwalay na siya ay tumakbo siya ng pagkabilis-bilis. Teka, kahit ata bagalan niya ay hindi ko siya mahahabol dahil di pa rin ako makapaniwala sa nangyari at nanatili pa rin ako nakatayo.

May mga taong nakuha namin ang atensyon pero nagpatuloy na sa ginagawa nila kalaunan.

Ngayon lang ako nakahalik ng babae, wait HINALIKAN ng babae.

Hindi ko gawain magfirstmove sa babae kasi torpe ako. Ni crush ko nga hindi ko naisayaw nung prom namin dahil sa sobrang hiya ko.

May nakasayaw ako, isa lang. Una at huli ko. Siya pa umaya sa akin, kaso di ko nakuha ang pangalan niya o nakita ang mukha niya dahil madilim noon.

"Hoy Sebastian!" Bungad ng kaibigan kong si Leon.
"O?"
"Anong O? Ikaw ha nakita ko yun ah." Panunukso niya, di lang naman siya ang nakakita, hunghang talaga.

"Alis na kaya tayo." Sabat ko, pakiramdam ko pinamumulahan ako pag naaalala ko na ninakawan ako ng halik nung babae.
"Oh chill, nakapokerface ka nanaman eh. Sige tara na."

At umalis na kami pero naiisip ko na sana magtagpo pa kami nung babae.

Lei

"Hoy gagita anong ginawa mo? Napakahusay mo ha, walang pakilala-pakilala sunggab agad." Natatawang turan ni Lani.
Di ko pa siya masagot dahil hinahabol ko pa rin ang aking hininga.

Nagsink-in na sa akin ang kagagahang ginawa ko. HINALIKAN KO YUNG BOYLET

"I MADE IT!" hiyaw ko with stretched arms pa.

✅2. Say hi to a stanger.
✅3.Kiss that stranger.

Pero sabay batok naman ng malakas ni Lani sa akin.
"Hoy ano na?!" Naguguluhan niyang tanong.
"Wala hehe, tara na." Sabay hatak ko sa kanya.

Kaso no chance na ako makipagfriends dun kasi siyempre paano naman hiya ko diba. Dibale na hehe. Pwede ko naman i-iskip yun eh.

...
Don't forget to vote and comment 💓



The bucket-listTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon