4

51 3 0
                                    

Lei

Gumising ako ng maaga para maggrocery ng mga de lata noodles o kung ano pang daily essentials.

Isasagawa ko na ang #5, ang tumulong.

Siyempre bago ako mawala, gusto ko tumulong man lang sa kapwa ko. Pero di porket mawawala ka na ay dun ka lang tutulong, wag ganun. Hangga't meron kang ibibigay, magbigay ka.

Pinaggrupo-grupo ko yung pangbata at pangmatanda at binalot ito sa magkakaibang supot para mabigyan lahat.

Hinintay ko lang maggabi para wala ng taong makakakita sa gagawin ko.
Nagsuot ako ng itim na hoodie at surgical mask para walang makakilala sa akin.

Nagpunta ako sa kabilang dulo ng Jones bridge kung saan patungo sa Quiapo. Alas-sais pa lang pero madilim na, pero keri na.

Dinistribute ko na ito at nagpapasalamat sila sa munting tulong na bininigay ko. Masaya ako dahil napasaya ko sila kahit kulang pa ang binibigay ko sa kanila.

✅5. Help without anyone knows

Alas-nueve na nung natapos ako pero masaya ako kahit medyo nakakapagod. Medyo hinihingal ako eh, pero ganito talaga lalo na sa sakit ko.

Naglalakad na ako pabalik sa may mga tao ng nakaramdam ako ng may sumusunod sa akin. Kinakabahan ako dahil ako na lamang ang tao at yung nasa likod ko ang dumadaan. Binilisan ko ang lakad pero nasa may madilim na parte na kami.

Hinarap ko na yung tao.
"A-ano po ang kailangan nil-la?" Nauutal kong tanong. Nakita ko ang itsura nila at nanindig ang balahibo ko sa katawan. Namumula ang mata nito ang halata kakagamit pa lang ng bawal ng gamot.

"Wala naman miss, gusto lang sana kitang iuwi." Nakangisi ito na siyang nakapagpakilabot sa akin. Tinanggal ko na nga pala ang hoodie ko kanina kaya halata na sa akin na babae ako.

"Pa-pasenya na p-po u-uwi na po ako gabi na po kasi ha-ha" pilit kong ngiti. Mauto ka please.
"Maglalaro muna tayo miss." Unti unti na siya lumalapit. Natatakot na ako. Cornered na ako.

Lord alam ko naman pong mamamatay na ako pero di naman po sa ganitong paraan.

Naiiyak na ako.

"W-wag po." Naaamoy ko na yung pinaghalong tapang ng alak at sigarilyo at may nakita akong nangniningning na hawak niya at sigurado akong kutsilyo yun.

"Shh ka lang masasarapan ka din." At doon na ako umiyak sa takot pero impit dahil baka isaksak niya sa akin ng tuluyan ang hawak niya.

Pumikit na lang ako at nanalangin.

Lord gusto ko pa po makilala ang tatay ko, wag po muna.

"Lumayo ka sa kanya." Malamig na boses ang narinig ko kung saan. Pero di ko pa rin minumulat ang mga mata ko.

"Sino ka ha? Pakealamero ka ah." Sagot nung manong na nakakatakot.
"Aba nagmamatigas ka pa ah, layuan mo siya o kung hindi ipuputok ko sayo tong baril na hawak ko."
Sagot nung lalaki habang ang kamay ay nasa likuran niya.

Nakaramdam ko na parang kinabahan ang mama sa narinig.
"B-bakit ka may b-baril?" Tanong nito.
Unti-unti ko na idinilat ang aking mga mata at nakita ko ang pigura ng isang lalaking may katangkaran. Di ko makita ang mukha niya dahil hindi siya tumapat sa street light.

"Pare, pulis ako." Naramdaman kong nanginig ang tuhod ng mama sa narinig niya. Agad ako nitong hinatak sa braso na parang binibigay dun sa pulis. At takbong lakad ako pumunta dun sa lalaki ang humawak ako sa kamay niya.

"Okay ka lang?" Tanong niya.
Tumango lamang ako habang humihikbi.
"Pagbilang ko ng tatlo tatakbo tayo ha?" Bulong niya at sumang-ayon ako.

"At dahil sa ginawa mo, paparusahan kita." At kita kong kinilabutan yung manong at umiiling. At nakita ko na may unti-unti nilalabas ang kasama ko kanyang likuran, na kung di ako nagkakamali yung baril na tinutukoy  niya.

"1, 2..." bulong niya. Nakaready na ako sa pagtakbong gagawin namin.
"Wag po sir." Pagmamakaawa nung manong.

"...BANG! TAKBOOO!!!" pagkasabi niya ng bang ay nilabas niya ang kabilang kamay niya na hugis baril at kumaripas na kami ng takbo habang magkahawak ang kamay.

...

"So you're name is Seb?" Tanong ko dun sa lalaking nagligtas sa akin slash yung ninakawan ko ng halik.
"Yep, and you are?" Tanong niya pabalik.

Andito kami sa loob ng 7/11 upang magpahinga at makapagkape.

"Lei." Na-o-awkward ako sa kanya dahil sa ginawa kong kagagahan.
"Bakit mo ako hinalikan? We're complete strangers." Usisa nito.

"A-ano dare lang yun ha ha." Maniwala ka please.

"Ganun ba?" Sabi niya habang nakatingin sa akin ang suplado niyang mukha.
"O-oo nga." Pagsagot ko.

"Btw, maraming salamat kanina ha? Kundi dahil sayo baka napaaga kamatayan ko." Kasi 2 months pa dapat so thanks.
"Wala lang yun." At yumuko siya.

"Pwede ba tayo maging friends?" Oo na chance na ito kaya grab it.
Tinignan niya lang ako ng walang expression.

"Sige." At napangiti ako, inabot ko ang kamay ko bilang handshake at tinanggap niya iyon.

✅4. Make friends with that stranger

...

The bucket-listTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon